Wednesday, December 14, 2011

CHAPTER 7

“Alam mo na yun” Word

NATHAN RUSSELL

Bigla silang napatigil sa pagkain ng malaman nila na ako yung naka-tapon ng kape kay Nicky kaninang umaga. “Si-sir, sorry po. Hindi po pala ikaw yung engot si Nicky po pala.” Hindi naman ako galit kay Grace dahil sa nasabi nya, malay naman nung tao hindi ba? “it’s ok Grace.” Natawa naman si Maegan at Maan sa itchura ni Grace. “Hoy Grace Punongbayan, hindi ako engot no, sa ganda kong to. Saka, wag nyo na ngang intindihin yun.” Ayaw ng maalala kasi nahihiya?

“Sir, ano po bang nangyare? Kung ok lang po sa inyo kwento nyo po, willing po kaming makinig.” Nakakatuwa talaga itong magkakaibigan na to. “Hindi ko kasi sya napansin kanina sa harap ng elevator, sakto naman nung malapit na ako bumukas na sya so nagtuloy-tuloy ako. Dahil sa hindi ko nga sya napansin, natapunan ko sya ng mainit na kape.” After kong ikwento yung part na yun, eh tiningnan nila si Nicky kung anong magiging reaksyon nito. At ano ang naging reaksyon ng babae yon? Tinitigan lang din nya ang mga kaibigan nya, sabay ngiti. “Tapos Sir, ano ng nangyare? Wala man lang sinabi si Nicky?” tanong ni Maegan sa akin habang kumakain pa din.

“She hurruiedly took off her coat while saying the “alam mo na yun word” and then tiningnan na nya ako.” Kumunot ang noo nung tatlo dahil hindi nila alam yung mahiwagang salita na sinabi ni Nicky. “Sir, ano yung “alam mo na yun” word?” curious din sila, lalo na si Grace.

VERONICA SALVADOR

Hay, nakakahiya talaga tong tatlo na to. Sinabi na ngang wag ng intindihin yung nangyare kanina sa lobby, pina-kwento pa rin sa boss namin. Eto naman lalaking to, ganadong mag-kwento pati yung sinabi ko yung “alam mo na yun” sinabi pa. “Ay nako Grace Punongbayan, wag mo ng tanungin kung ano yun.”

“Veronica Salavador, wag ka nga jan. Si Sir ang tinatanong namin noh.” At talagang sumagot ka pang babae ka, sasabunutan na talaga kita eh. Tsss… bakit kailangan pa akong tingnan bago sagutin ang tanong ni Gracia Punongbayan? “the “alam mo na yun” word means holy sh*t”

Ang pangit ng pagkaka-sabi nya, walang feelings, walang emotion at walang conviction. “Veronica Mancini Salvador, sinabi mo yun? Sabihin mo nga ulit kung paano mo sinabi kaninang umaga?” luka-luka talaga tong si Maan, ipaulit pa ba sa akin. Eh diba nag-promise ako kay Sir Nathan na hindi ko na ulit sasabihin ang salitang yon. Pwede siguro kapag hindi ko sya kaharap. “Paalisin nyo si Sir, sasabihin ko.” hahahaha, kaya nyo bang paalisin si Sir?”

“Bakit kailangan pang umalis ni Sir eh, narinig naman na nya yan kanina.” Kung pwede ko lang sabihin na nag-promise ako kay sir na hindi ko na sasabihin ang “alam mo na yun” word. “Sir?” ang tapang mo Grace, ang tapang mo, papaalisin mo talaga si Sir? “No, I ask her to promise na hindi na nya ulit sasabihin ang word na yon. Kaya wag nyo ng kulitin ang kaibigan nyo na yan.” Thank you Sir, thank you talaga.

Eh diba hindi naman nya ako pinag-promise? Ako mismo yung nag-promise sa kanya na hindi ko na ulit sasabihin ang salitang yon para lang hindi nya ako isumbong sa dragon namin na head. “Tama na ang kwentuhan, tapos na tayong kumain diba? Tara na at ng makapag-ayos na tayo. Masyado kayong nawili sa pakikipag-kwentuhan kay Sir Nathan” ngayon ko lang yata ulit mapapasalamatan si Mrs. Hilario dahil sa pag-epal na naman nya. Nailigtas nya ako sa mga tanong ng mga bruhang to, mahahalikan ko si Mam Dragonesa. “Sir naka-kain po ba kayo ng maayos? Dapat ay sa table na lang po namin kayo sumalo para naka-kain kayo ng mabuti. Pagpasensyahan mo na po ang mga iyan at talagang maiingay lang po talaga sila kapag lunch break.” Bakit Dragonesa, kapag sa table nyo ba sya naki-share, maiiba ang lasa ng pagkain sa cafeteria para mas naka-kain ng bongga si Sir? Bwisit talaga, apaka epal.

“Etong si Dragonesa pumi-feeling bagets pa eh.” Sabi ni Grace. “Matanda naman na, may asawa na nga at apo, nagpapa-cute pa kay Sir.” Sabay irap naman na sabi ni Maegan. “Try nya kayang tanungin si Sir kung gusto ba syang makasalo ni Sir sa iisang table. Asar. Tara na nga, naiinis lang ako sa dragon na yan.” Hahaha, hindi lang pala ako ang nainis sa sinabi ng dragonesa na yon, sila rin pala.

Magsasabi pa ba kami kay Sir na mauna na kami sa itaas o hindi na? “Sir, mauna na po kami sa itaas.” Talaga namang si Maan, ang bait-bait. “Ok. Anyway Nicky kapag ok ka na, you can go to my office para makapag-simula na tayo.” Oo nga pala, kailangan ko ng mag-practice kung paano maging seryoso; Kayanin ko kaya? Kaya mo yan Nicky, para sa ikaka-ayos ng kailangan nyong pag-aralan. Kasi naman, hindi ba sya sanay ng self-study, nag-aral naman sya diba? “Ok po Sir. Nathan.”

And habang sakay kami ng elevator para makapag-ayos na dahil malapit ng matapos ang break eh, talaga namang ayaw pa rin nila akong tantanan. “Bruha, ano ba kasi talaga yung mahiwagang salita na yon at kailangan ka pang mag-promise kay Sir na hindi mo na ulit sasabihin?” apaka chismosa talaga nitong si Grace. “H.S. yan yung bukang bibig nung isang character sa American pie. Gets nyo na?” ayoko na kasi talagang sabihin, baka mamaya anjan lang sa tabi-tabi ang boss namin na yon eh, mahirap na. “Talaga? Paano mo nga sinabi, ulitin mo. Kailangan yung kagaya kanina ha.” Ang kulit ng mga bruha, ayoko na ngang sabihin eh.

“Ay kalabaw!” tama bang harangan ang dadaanan namin? Hay naku naman, kung may hawak na naman syang drinks malamang natapon na naman sa akin. “Sir! Bakit nandito kayo? Hindi naman po dito ang office nyo diba?” feeling ko para akong tanga nung tinanong ko yon. Pero bakit nga ba sya nandito, may 15mins. pa naman bago matapos ang lunch break ah. “Nicky, yun ba yung “alam mo na yun” word? Yung “Ay Kalabaw”?” juice ko naman tong si Maegan, hindi pa rin matahimik sa salitang yun, yung HS na nga diba? “Ano ka ba Mae, yung HS na nga yun.” Malamang hindi to nakapanood ng kahit isang movie ng American Pie. “Ano ka ba Veronica, hindi ako nanonood ng mga ganong pelikula, itulad nyo naman ako sa inyo nila Gracia.” Hay nako, itigil na tong usapan na to, nakakahiya.

“Eh Sir, bakit nga po kayo nandito?” kasi hindi sya makapag-salita dahil ang daldal nung tatlo kong kasama. “Naisip ko lang na, baka hindi mo kayang dalhin yung mga folders na kailangan nating pag-aralan so, nagpunta ako dito para tulungan ka.” Pag-aaralan NATIN? Sir, ikaw lang mag-isa ang mag-aaral nyan kasi alam ko na yun. “Naku Sir, hindi na po, kaya ko na po iyon, saka ilang folders lang naman po iyon.”

Ano ba kasing problema nung lalake na yun? Parang tanga lang, CEO sya tapos ganon ang inaasal nya. “Ganon ba? ok, I’ll see you in my office in 15mins.” at umalis na ang lolo mo. Teka, tama ba yung narinig ko, in 15mins? Lecha flan, hindi pa ako nakakapag-toothbrush eh. Hindi ko pa rin naayos ang sarili ko. My gulay! Tama bang madaliin ako. “Hoy mga bruha, mauna na ako sa inyo, narinig nyo naman diba, in 15mins. ang kupad nyo pa naman. haaaay…” para tuloy akong ipo-ipo nito, hindi ko malaman kung anong uunahin kong gawin.

2 comments:

  1. “Si-sir, sorry po. Hindi po pala ikaw yung engot si Nicky po pala.” - biglang bawi ha! ahahahaha!!!

    nice sis, dalawang chapters agad!!!

    at natawa na ako... nde na holy sh*t, ay kalabaw na yung expression! bumaho yung expression! ahahahaha!!!

    ReplyDelete
  2. whahaha...si Grace Punongbayan pa!!!! takot lang nyang mawalan ng trabaho at hindi masustemtuhan ang hilig sa cosmetics...ahahaha...

    ReplyDelete