Monday, December 5, 2011

CHAPTER 3

Lagot ka Nicky!

VERONICA SALVADOR

“Gabby, nakita mo ba yung ID ko? Hindi ko kasi makita. Napansin mo ba nung dumating ako kung may ID ako?” Leche naman oh, kapag minalas ka nga naman ng sagad hanggang buto, pati ID ko nawawala. “Wala akong napansin kanina na may suot kang ID. Saan mo ba yun nilalagay?”

Shete naman oh, hindi kaya nalaglag nung nagtanggal ako ng coat? “Sa coat ko, kaya lang wala naman sa coat na hinubad ko eh.” Ang malas mo today Nicky, baka mamaya yung pesteng lalake pa na yon ang nakapulot, eh diba ayaw mo na syang makita?

“Malamang natanggal yon ng hubarin mo yung coat mo at napulot nung lalakeng nagtambak ng kape sayo.” Ay nako, wag naman sana. “Mauna na ako Gab, late na ako ng bonggang-bongga. First day pa naman ngayon nung bagong CEO. Bye Gab, see you later.”

Posted Image

eto nga pala yung napili kong damit ni Janice.

Kailangan kong tawagan si Maan kung anong nangyayari sa office, mahirap na. “Hello Maan, ano ng nangyayari jan, nagpunta na ba jan si Mr. Russell?” Sana naman hindi pa, mahirap na baka makitaan pa ako ng butas at bigla na lang akong tanggalin sa trabaho. At kapag nangyari yun, humanda talaga sa akin ang lalake na yon. “Saan ka ba napadpad VERONICA SALVADOR?” patay tayo jan, mukang may problema ah, tinawag ako ni Maan na Veronica eh, at sinama pa pati apelido ko. “Bakit? Anong problema?” kinakabahan na talaga ako.

“Hinahanap ka ni Mr. Russell, Nicky. Bakit kasi ngayon ka pa na-late eh.” Kailangan ko na talagang magmadali. “Bakit daw? Dahil late ako? Sana sinabi mo na lang na absent ako today.” Eto namang si Maan hindi marunong magdahilan eh. “Sasabihin kong absent ka eh kaya nga nya nalaman ang pangalan mo dahil nasa kanya ang ID mo. Kuhanin mo daw yung ID mo sa office nya pagdating mo.

Haaay… Ang malas malas ko naman ngayon, ano bang nagawa kong hindi maganda at nangyayare lahat ng to? “Sige Maan, salamat. Malapit na ako sa office, usap na lang tayo mamaya.” Humanda talaga ang bwisit na lalake na yon sa akin kapag nakita ko sya. Pero teka, kung na kay Mr. Russell yung ID ko, ibig sabihin sya yung nakabangga sa akin kanina sa may elevator? Holy Sh*t! Oo, holy sh*t talaga yung unang lumabas sa bibig ko ng matapunan nya ako. Patay kang Nicky ka, ang wagas pa naman ng pagkaka holy sh*t mo kanina.

Nicky naman kasi, hindi mo ba kayang pigilan ang matalim mong bibig sa pagbibitaw ng spicy words? Paano kapag sinisante ka nung si Mr. Handsome? Umisip ka na ngayon pa lang ng sasabihin mo sa kanya. “Mag so-sorry ba ako sa kanya? Kailangan ba na ako ang mag-sorry eh ako na nga ang natapunan ng mainit na kape? Bwisit talaga, may araw din sa akin ang Nathan Russell na yan, makakaganti din ako sa kanya.”

NATHAN RUSSELL

“Ms. Alarcon, paki-connect naman ako sa Accounting Department.” Kailangan kong maka-usap si Veronica about sa nangyari kanina, sana lang nakabalik na sya. “Ok Sir.” Teka nga, ano ba kasi ang pangalan nitong si Ms. Alarcon, nahihirapan na ako eh. “Ms. Alarcon, ano nga pala ang first name mo? Nahihirapan na ako sa Ms. Alarcon eh, masyadong mahaba saka masyadong pormal.”

“Maribelle po sir, Belle na lang po. Sir, eto na po yung Accounting Department” Maasan talaga tong si Belle, nag-uusap pa kami eh, na-connect na nya agad ako sa Accounting. “Salamat Belle.”

Sana naman nandoon na si Veronica. “May I speak with Ms. Veronica Salvador? This is Mr. Russell.” Malumanay naman yung boses nung sumagot sa phone pero nung nagsalita na ako at nagpakilala eh parang nautal yung kausap ko. “F-for a moment please.” Naririnig ko pa yung kausap ko na sumigaw at tinatawag yung Nicky, sino naman yun? Eto yung sabi nung kausap ko: “Huy, nasaan na si Nicky, wala naman syang sinabi na a-absent sya today ah. Nasan na ba yung bruhang yon.” Tapos may nagsalita na hindi ko maintindihan. “Ay nako Maan, ikaw na ang kumausap kay Mr. Russell, close naman kayo ni Nicky eh.” Tapos eto na ulit yung kausap ko, yung Maan na, kasi iba na yung boses eh.

“Hello po Sir, sorry po pero wala pa po si Nicky dito, sorry Veronica po pala. May ipagbibilin po ba kayo? Ako na lang po ang magsasabi sa kanya once na dumating sya.” So Nicky pala ang tawag sa kanya ng mga kasama nya sa office, pero bakit parang panlalake? “Please tell her to come at my office once she arrives. And please tell her also na nasa akin yung ID nya. Thanks.” She said ok and I put the phone down.

Ilang minuto rin ang lumipas ng tumunog ang intercom ko. “Sir, nandito po si Ms. Salvador ng Accounting Department, should I let her in?” hindi ko nga pala nabanggit kay Belle na pinapunta ko dito si Veronica. “Yeah, let her in, thanks Belle. Anyway, please prepare a two cup of coffee.”

“Pasok ka na Nicky sa loob.”

“Bakit ba ako pinatawag ni Sir?

“Hindi ko rin alam, inutusan lang nya ako kanina na i-connect sya sa dep’t. nyo eh. Sige na, pumasok ka na sa loob. Wag kang matakot, mabait naman si Sir.”

Siguro nag-usap pa yung dalawa bago pumasok dito ang babaeng pinatawag ko. Hindi naman ako excited na makita ulit yung babae na natambakan ko ng kape. “Good morning Sir, pinatatawag nyo daw po ako?” ah, kaya pala wala pa sya kanina sa office nya, nagpalit pa ng damit. “Sir, magtititigan na lang po ba tayo? May kailangan po ba kayo?” ang sungit naman ng babae na ‘to.

Ano ka ba naman Nathan, ikaw nga ang mabuhusan ng mainit na kape sa likod at ma-late sa unang arw ng trabaho mo na bago ang boss mo eh, hindi ka ba magagalit? “Have a seat Ms. Salvador.” Paano ko ba to sisimulan? Bakit ba sa babae na to, nahihirapan akong simulan ang isang conversation? Paano ba kasi?

“May gusto po ba kayong sabihin Sir? By the way Sir, pwede ko na po bang makuha sa inyo yung ID ko na nalaglag ko kanina?” ang taray naman nito, hindi ba sya natatakot sa akin? Ako ang bago nyang boss dito, baka nakakalimutan nya.

No comments:

Post a Comment