Wednesday, December 28, 2011

CHAPTER 11

Meet the Gimikeros and the Gimikeras

NATHAN RUSSELL

Nandito na kami sa Nature Bar na sinasabi ni Arvin, in all fairness maganda at unique nga ang bar na ‘to at madaming magandang babae. Mukang magiging tambayan ko ‘to kapag stress ako at hindi busy ah. “Pare!” tawag sa amin ni Arvin, nauna na kasi sya dito, excited sya eh. “Tara na sa loob, nagpa-reserved na ako ng table para sa atin. Sigurado ako na magugustuhan nyo dito.” Lagi sigurong nandito si Arvin. “He hope so Vin. Anyway, nasaan na ba yung sinasabi mong may-ari ng bar na ‘to na maganda at sexy? I want to meet her already.” Eto talagang si Gino, pagdating sa babae hindi ko maunahan. “Tara na muna sa loob, mamaya mo na intindihin yung may-ari, and mabuti kung nandito ngayon.” Sumagot naman agad tong si Arvin na alam yata ag schedule nung may-ari. “Nandyan sya ngayon, nakita ko kasi yung mga kaibigan nya eh. Pero pare, baka magtaka ka ha, hindi tomboy yung may-ari nitong bar, talagang halos puro lalake lang talaga ang mga kaibigan nya.” Paalala ni Arvin kay Gino. Oo, si Gino ang pina-alalahan ni Arvin dahil hindi naman ako masyadong interesado sa may-ari ng bar na ‘to. “Let’s get going.” Excited din tong si Gino ha. Ano nga kaya itchura nung may-ari nito, maganda nga kaya? Maganda nga siguro, sabi ni Arvin na magaling titingin ng maganda o hindi na babae.

Maganda nga sa loob, halatang may class ang bar na sinasabi ni Arvin. Pati ang mga chairs, tables, and other furnitures ng bar ay unique. Mukang mayayaman ang customers ng bar na ‘to ah, makikita mo sa ayos ng mga nandito ngayon. Ang daming babae sa dance floor, pati na rin sa mga tables. Mostly girls ang nandito, pero marami rin namang lalake at kami ang iba doon. We reached the table that’s reserved for us. Malayo sa dance floor ang table namin, pero kitang-kita pa rin ang mga magandang babae sa table namin. Napansin ko na may grupo ng mga lalake sa hindi kalayuan at mukang nagkakasiyahan sila. Merong iba na may kasamang babae pero yung iba wala, sana naman walang mangyaring hindi maganda tonight. Takaw-gulo pa naman tong si Gino at Arvin.

VERONICA SALVADOR

“Alam mo Pol malapit na talaga kitang sipain palabas ng bar na to.” Nakakahigh-blood ang barista ko na to, my gawd. “Eh kasi naman po Mam Nicky, ako ang kinukulit ni Gabby.” Sumasagot pa, ibang klase talaga. “Naku ka Appollo Estrella, dun ka na nga. Nasaan si Aira?” si Aira eh, isa ring barista, sya ang nag-iisang babae na barista ko, magaling syang gagawa ng PiƱacolada, ang favorite kong drink maliban sa wine. “Nag-CR lang po mam.” natakot yata si Pol, Mam ang tawag sa akin eh. Hahaha! Teka, nasaan na ba ang mga mokong nayon? Nandito na rin kaya sila Janice at Aya? Malamang nasa paborito na naman nilang pwesto yun.

“Hi Nicky!” sya si Robby, isa sa gimikero ko na madalas dito. “May set ka ba mamaya?” sapakin ko kaya tong lalake na to, alam naman na Lunes ngayon nagtatanong pa kung may set ako ngayon. “Ano ka ba Robby, hindi ka na nasanay. Monday ngayon so wala akong set. Anyway, enjoy!”

Next na madadaanan kong table ay table ng magagandang babae na sila Jaime. “Hi Nicky, may bago kang gimikero tonight. Infairness, gwapo sila pareho.” May bago ba? hindi ko pa nakikita. “Ang linaw talaga ng mga mata nyo girls when it comes to boys. Hindi ko pa nakikita yung mga bago eh.” Like what I’ve said, close ako sa lahat ng mga gumigimik sa bar ko, siguro isang factor yon kung bakit gusto nila dito. “Ipakilala mo kami sa kanila mamaya ha. Anyway Nicky, nice outfit. Fashionista ka talagang babae ka.” Nagpasalamat ako sa kanya at umalis na.

This is what I’m wearing tonight. Eto kasi yung una kong nakuha sa wardrobe ko eh…

Sino naman kaya ang susunod na babati sa akin? “Hoy Nicky” nasagot agad ang tanong ko sa sarili ko, si TJ pala ang susunod na babati sa akin, ang isa sa mga playboy kong kaibigan. “Ang tagal mo naman, kanina pa kami dito ah.” Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kanila na pumunta agad sila dito? Alam naman nila kung anong oras ang punta ko dito. “Pasensya naman, nasaan na si Janice at Gabby? Lagi na lang may issue ang dalawang yun eh.” So walang gustong sumagot sa tanong ko kasi busy silang lahat sa partners nila? Good thing nakita ko na si Janice na kakagaling lang ng CR. “Wala kayong libreng drinks ngayon.” Mga bwisit na nilalang na to, ang galing nila kapag sila ang nagtatanong, pero kapag ako na ang nagtanong, ayaw nila akong sagutin. Nakaka-bwisit, maka-alis na nga dito sa table nila. Grr…

Nakaka-inis sila, nakaka-inis talaga… “Aira, isang PiƱacolada nga jan.” wala naman talaga akong balak uminom ng kahit na anong klaseng drinks ngayon dahil hindi ko pa natatapos ang payroll ko, pero ang mga bwisit na sina TJ eh sinira ang gabi ko. “Nicky, eto na oh. May balak ka bang maglasing tonight? Diba payroll mo pa bukas sa ACC tapos gagawa ka na din ng payroll dito bukas?” oo nga pala, nakalimutan ko ako nga rin pala ang gumagawa ng payroll dito, shete! “Isisingit ko na lang bukas sa break ko, buti na lang pina-alala mo Aira. Thanks.” Oo nga pala, hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita yung bagong mga gimikero. “Aira, may nakita ka bang mga bagong muka dito sa bar? Sabi kasi ni Jaime may mga bago daw eh.” Mukang wala rin nakita tong si Aira ah. “Ay oo Nicky, mga kaibigan ni Arvin. Dalawa yung nakita ko na kasama nya eh. Ang pogi nga pareho nung bago nyang kasama eh.” Mali pala ako, may nakita pala si Aira, narinig mo ba yung sinabi nya? Ang cute daw nung dalawa naming bagong gimikero. Nicky kailan ka pa nahilig sa cute? “Ayaw mo na kay Arvin? Hahaha!” crush kasi nitong barista ko ang isa sa mga tanga-hanga ko na si Arvin, pero alam naman ni Aira na hindi ko gusto ang mokong na yon. “Naku Nicky, walang sinabi yung si Arvin sa itchura nung mga kasama nya ngayong gabi.” Kagaya ng nakasanayan, kailangan kong lapitan ang mga bagong customers at magtanong ng “are you enjoying the night? How do you find the place?” lagi yan, kapag may mga bagong salta sa bar namin ng ate ko. “Puntahan ko lang yung mga bagong customers, alam mo na. Paki-tabi na lang din yang drinks ko. Thanks. Ikakamusta na rin kita kay Arvin mo.” Ewan ko ba kay Arvin at ako ang trip, samantalang maganda naman si Aira, classy ang ganda na taglay ng babae kong barista. Yung si Appollo-ko-loko, may itchura din yan, kaya nga ang laki ng tip na nakukuha nya gabi-gabi mula sa mga gimikera ko eh. Pero hindi naman sya selfish, tinatabi nila yung mga tip nila tapos hinahati nila kapag sweldo na.

Teka, saan nga ba naka-pwesto yung mga yun? Ang engot mo talaga Nicky kung minsan eh. “Roni!” alam ko na kung sinong tumatawag sa akin, RONI daw eh. Nag-iisa lang naman ang gimikero ko na tumatawag sa akin sa pangalan na yan, walang iba kundi si ARVIN. “Roni, may mga bago kaong kasama, gusto ka nilang makilala eh.” Juice ko Arvin, kung alam mo lang na balak ko na talagang hagilapin kayo. “Talaga? Mga kaibigan mo? Anyway, kina-kamusta ka nga pala ng maganda kong barista na si Aira.” Hahaha! May tinatago din naman palang funny side tong si Arvin eh, sumimangot ba ng marinig ang pangalan ni Aira, nalukot tuloy ang ilong nya. Hahaha! “Eh para san naman yang simangot na yan? Wag kang sisimangot ng ganyan sa kanya, baka lalong mahulog sayo yung tao.” Tumingin sya sa direction ni Aira pero hindi naman nakatingin sa kanya. “Roni, tara na nga don sa table namin, ipapakilala kita sa kanila. Excited na silang makilala ka eh.” Eh mukang mas excited pa sya kesa sa mga kaibigan nya eh, parang bata lang na nakita ang kalaro nya.

“Nicky!” sino na naman ba yung tumatawag sa akin? Paglingon ko nakita ko si Gabby, ang impaktong si Gabby. “Ah, sandali lang Arvin ha, kakausapin ko lang yung mga kaibigan ko. Promise, after ko silang kausapin puntahan ko kayo ng mga kaibigan mo. Ok?” tinuro nya sa akin kung saan sila naka-pwesto. Nakita ko na meron dalawang lalake dun sa table na tinuro nya, kaya lang hindi ko masyadong nakita yung mga itchura nila bilang madilim sa pwesto nila. “Sige Arvin!” nakalapit na sa akin si Gabby sabay banat ng “bakit ka nag walk-out kanina? Niloloko ka lang nila eh, hindi ka na nasanay sa mga timang nating kaibigan.” Whatever Gabby, hindi ako interesado sa explanation mo dahil naiinis pa rin ako sa kanila. “Nasaan na si Janice? Ok na ba kayo, nagka-usap na kayo?” ano pa nga ba ang isasagot nitong impaktong lalake na to, eh di syempre HINDI PA. Ang galing sa pamba-babae, tapos kausapin ang gf hindi magawa. Pag-ibig nga naman.

CHAPTER 10

Natures Bar

VERONICA SALVADOR

“Oo na, papunta na ako jan Appollo. Wag ka ngang praning jan.” si Appollo yon, yung isa sa tatlong barista sa Natures Bar. “Basta Nicky bilisan mo. Ang dami ng tao eh.” Sira-ulo tong si Pol, ako ang amo nya kung utusan ako, parang ako ang empleyado nya. “Hoy Appollo Estrella, amo mo kaya ako. Sipain kaya kita palabas ng bar mamaya pagdating ko jan?!” joke lang naman yun, kaibigan ko naman tong si Pol kaya napagsasalitaan ko sya ng ganya. “Joke lang yun Nicky, ikaw naman hindi ka na mabiro jan. Sige na, lumayas ka na jan sa mansion mo at pumunta ka na dito. Hinihintay ka na rin ng mga tanga-hanga mo. Hahaha. Bye!”

May saltik din sa utak tong si Appollo Estrella eh, pero tama naman sya, madami akong tanga-hanga na gimikero ng bar namin ng Ate ko. Speaking of Ate, sya ang Engineer ng Natures Bar at ako naman ang nag-isip ng concept para sa bar na itatayo namin. If you want to party under the stars, possible yun sa bar namin, if you want to party na umuulan, possible din yun. We want our Bar to be unique and to stand out among other bars in the Metro that’s why we come up to that idea. You need a wild imagination to see what our bar looks like. Oo nga pala, hindi pa tumatawag ang Ate ko ah, ako na nga ang tumawag sa kanya.

Ang tagal sumagot, busy siguro sa lalake nya. “Hello Ate!” salamat naman at sinagot na rin nya. “Ang tagal mo namang sagutin yung phone mo, ano bang ginagawa mo? Busy ka ba? if busy ka, bukas na lang ako tatawag.” Nagtatampo ako sa Ate ko kasi nga, hindi nya ako tinatawagan tapos hindi pa nya sinasabi sa akin yung sinabi ni Mama kaninang umaga. “Alam kong nagtatampo ka Nica.” Nica? Yuuuuuuuuuuck, saan naman napulot ni Ate ang tawag na yon sa akin, eto ba yung epekto nung lalake kay Ate? “Nasabi na sayo ni Mama?” nako, bakit parang ang corny yata ng dating ni Ate sa akin ngayon. “Ate, may sakit ka ba? Bakit parang may iba sayo ngayon. Oo, nasabi na sa akin ni Mama, tumawag sya kaninang umaga. Bakit sya tinawagan mo, ako hindi?” selosa ako when it comes to my Ate, gusto ko ako lagi ang una pagdating sa kanya, pero this time, si Mama ang una nyang sinabihan. Ang bad ko ba? “Wag ka ng magtampo jan Nica.” Yuuuuuck talaga, Nica daw. “Ate, wag mo nga akong tawagin na Nica, ang pangit eh. Anyway Ate, I’ll call you na lang tomorrow. I need to drive pa, malapit ng magwala si Appollo eh. Bye! And, nagtatampo pa rin ako sayo.” After that, I turn-off my phone na. Nagtatampo talaga ako sa Ate ko, I know she just did the right thing that, she call to Mama first than me. Syempre, mas dapat malaman agad ni Mama yun kesa sa akin.

Ano ba naman tong si Appollo, hindi mapakali at tawag ng tawag. “Bakit na naman?” I’m using headset naman so hindi dangerous to accept calls. “Papunta na ako jan.” naririnig ko na yung masayang tugtog sa bar namin ni Ate at napapasayaw ako. “Nasaan ka na ba? Kanina pa ako kinukulit ni Gabby dito eh, may usapan daw kayo na magkikita-kita ngayon.” Sira-ulo talaga tong si Gabby, alam naman na mabilis mataranta si Pol, yon pa ang kinukulet. “Put him on the phone.” Hindi na sya nagsalita, siguro hinahanap si Gabby. “Nick, asan ka na ba? Kanina ko pa kayo hinihintay eh.” Sino ba naman kasing may sabi na pumunta sya sa bar ng ganitong kaaga. Seven pa lang ng gabi nasa bar na, kundi ba naman gago. “Papunta na ako jan, saka pwede ba Gabriel, wag mong kulitin si Appollo pati ako kinukulit eh. Gago ka din eh noh.” Malapit na ako, 500meters na lang siguro nasa bar na ako. “Sige na, malapit na ako. Anjan na ba sila at atat na atat ka, ha?” at inalis ko na sa tenga ko ang headset na gamit ko.

Makikita ko na naman ang mga gimikero at gimikera sa bar namin ng Ate ko. Hindi kasi ako araw-araw kung pumunta sa bar, every Friday at Saturday lang pero may excemption pa rin. Pupunta ako ang bar kapag hindi ako tinatamad, pero kapag gusto ko naman na magtanggal ng stress at inis, direcho agad ako sa bar after work at sinisimulan ko ng uminom ng wine. Ayoko ng mga Tequila na yan, Margarita o kahit Sangria. Masyadong mataas ang alcohol content nila eh, eh bilang nagta-trabaho ako sa araw, ayoko naman na pumasok ako na tipong hinahampas ng maso ang ulo ko. Ok na ako sa wine, masarap naman ang wine diba, ang susyal mo pang tingnan kapag wine ang nilalaklak mo. Hahaha! Andito na ako sa bar, at ang unang pagmumuka na nakita ko eh syempre si Manong Guardo. “Hi Tatay Teban.” Sumaludo naman si Mang Guardo sa akin sabay sabing “Magandang gabi Anak!” yup, anak ang tawag sa akin ni Tatay Teban kasi parang tatay ko na rin sya. Mula ng mag-open ang Natures Bar, siya na talaga ang guard namin at hanggang ngayon sya pa rin. “Kamusta na si Basti, tay?” si Basti ang seven years-old at nag-iisang anak ni Tatay Teban. “Mabuti naman ‘nak. Tinatanong ako kung kailan mo daw ba sya ulit dadalawin.” May sakit kasi si Basti since last Friday pa, when Tatay Teban told me that his son is sick, I told him that I’ll visit his son after my work, and so I did. Sobrang masayahin talaga si Basti at laging naka-smile, kaya pati ako napapa-smile kapag nakikita ko sya. Ang tawag na nga nya sa akin ay Ate eh, at happy naman ako don kasi may kapatid na akong lalake. “May sakit pa rin po sya hanggang ngayon Tay Teban? Ang tagal na po nun ah, pinatingnan nyo na po ba sa doctor si Basti?” Monday na ngayon pero may sakit pa rin si Basti, dapat ok na sya. “Oo ‘nak, eh ang sabi ng doctor noong sabado eh, ibalik namin sa kanya sa martes kapag may lagnat at sipon pa rin sya.” Anong klase bang doctor yung napuntahan nila Tatay Teban, parang hindi magaling. “Ganon po ba Tay, basta kapag may kinalaman po kay Basti wag po kayong mahihiya na magsabi. Tay, pasok na ako sa loob, baka nagwawala na si Gabby at Pol sa loob. Hahaha.”

NATHAN RUSSELL

Matawagan nga si Gino para malaman ko kung nasa bahay lang ba nila si Tita. “Gino, nasa bahay lang ba si Tita? Papunta kasi ako ngayon jan sa inyo.” Narinig ko na tinawag ni Gino ang Mama nya at narinig ko naman na sumagot si Tita. Sinabi rin ni Gino na pupunta ako sa kanila kaya ang sabi ni Tita ay kakausapin daw nya ako. “Hello Nathan, kamusta ka na?” halata sa boses ni Tita Glenda na masaya sya na maka-usap ako. “I’m ok Tita, I’m on my way to your house.” Nakaka-miss talaga si Tita, she’s my second Mom na rin since lagi rin akong nasa kanila noong nasa US pa ako. “Ok Nathan, ingat sa pagda-drive. I’ll wait for you here, ok? Bye!”

Gino and I are friends since we were in grade school, and lagi din akong nasa bahay nila dahil laging wala ang parents namin ni Natasha. Siguro nagtataka kayo kung close din ba si Tasha at si Gino? Hindi sila close na dalawa, lagi kasing iniinis ni Gino si Tasha kaya hindi sila magkasundo. Pero sa totoo lang, type ni Gino ang kapatid ko, pero hindi nya mapormahan ngayon dahil sya naman ang laging iniinis ni Tasha. Kung type ng kapatid ko si Gino, hindi ko alam dahil hindi naman nakaka-usap ng maayos si Tasha pagdating sa lalake lalong-lalo na kapag tungkol kay Gino.

After 20mins. of driving, dumating na rin ako kila Tita Glenda. Siguro narinig nya na may dumating na sasakyan, lumabas agad sya. Excited talaga syang makita ako. “Nathan iho, kamusta ka na?” humalik ako kay Tita at saka sumagot. “Ok lang po Tita, majeo busy lang kaya ngayon lang ako naka-dalaw sa inyo. Sya nga pop ala, para sa inyo.” Bago ako pumunta sa kanila ay dumaan muna ako sa isang bookstore para tumingin syempre ng libro, cook book to be exact. Mahilig kasing magluto si Tita, kaya naman iyon ang naisip kong ibigay sa kanya. “Salamat Nathan, nag-abala ka pa. kamusta na nga pala ang Mommy at Daddy mo at si Natasha?” si Tita talaga, hindi nakakalimutang kamustahin sila Mommy. Tiningnan ko si gino kung ano ang naging reaksyon nya ng marinig nya ang pangalan ni Natasha. As expected, sumimangot ang bestfriend ko. “Si Mommy at Dadyy pareho silang busy sa business nila, kaya nga ako ang ipinatapon ditto ni Dad eh. Si Natasha naman” saabay ingin kay Gino “Ok lang naman po sya, ganun pa rin, magaling pa ring mam-bwisit. Busy din po sya sa modeling career nya.” Kunwari pa tong si Gino na ayaw pag-usapan si Natasha eh pa-simple namang nakikinig sa amin ni Tita.

Ilang minuto pa kaming nag-kwentuhan ni Tita habang kumakain ng cake na sya mismo ang nag-bake, at hindi rin naman nagtagal nagpaalam na rin ako kay Tita dahil may gimik kami nila Gino at Arvin. “Tita, dadalawin na lang po ulit kita kapag may free time ako.” Gusto ni Tita na sa kanila ako matulog. Hahaha. Mahal na mahal talaga ako ni Tita.

Monday, December 26, 2011

CHAPTER 9

Who’s that Girl?

VERONICA SALVADOR

Nakaka-bwisit, pinapunta-punta ako dito ng after lunch yun pala may meeting sya. Hindi ba nya alam na nakakasira sya ng schedule at ng maganda kong araw? He’s so SELFISH! Isa syang malaking HIPON, but not like other hipon guys out there kasi walang sayang sa kanya. Kahit ulo mabenta kasi nga pogi, pero kahit na pogi sya, sinira pa rin nya ang umaga ko. Wala pa rin sa table nya si Mama Belle, naka-lunch break siguro. Hay, makabalik na nga lang sa dep’t. ko, leche talaga.

“Ms. Salvador, bakit nandito ka na naman? Diba dapat nasa office ka ni Sir at itinuturo mo sa kanya ang reports mo?” eto talagang si Mam Nesa short for Dragonesa napaka-epal. “Mam, umalis po kasi si Sir Nathan” subukan mo akong tanungin kung saan nagpunta kundi sinopla kita. “Saan daw nagpunta?” Eto na ang pinakahihintay kong pagkakataon, patay ka sa akin Dragonesa ka. “Eh Mam, hindi ko po alam kasi hindi naman po ako ang secretary ni Sir Nathan at saka hindi po kami close no.” hahaha…hindi tuloy agad nakapagsalita ang lola ko. “Go to your table at ikaw na ang gumawa ng payroll.” Tagumpay Nicky, tagumpay. “Ok po.” Hahahaha.

Ang mga bruha tuwang-tuwa naman sa ginawa ko kay Mam Nesa. Ui, hindi naman talaga ako masama at pumapatol sa matatanda, its just that she never fails to pissed me off everytime that I have to do the payroll. Lagi nya akong minamadali na akala mo ang dali na maging payroll master. “Bru, congratulations 100 points for you, zero for Dragonesa.” Luka-luka talaga tong si Grace, 100 points lang? dapat 1,000 points. “Mga Bru, may bago na tayong itatawag kay Dragonesa.” Excited ang mga bruha na malaman kung ano. “Ano?” atat masyado si Maegan, palibasa asar din sya sa head namin na yon. “Its Mam Nesa, short for Dragonesa. Diba hindi masyadong obvious plus gumanda pa yung pangalan nya.” Hahahaha. Ang galing ko talagang magbigay ng bagong pangalan. “Bruha ka talaga Veronica, pero infairness naman sa naisip mong pangalan, maganda nga. Masyadong maganda para sa isang tulad nya.” Natawa tuloy kaming apat ng mejo malakas, mejo lang naman at hindi kami nakaligtas sa pamatay na tingin ni Mam Nesa. “Binabayaran kayo ng kumpanya para magtrabaho at hindi para mag-kwentuhan.” Che, sunget!

Pero hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa bago naming boss. Alam mo yung feeling na nagmamadali ka na mag-toothbrush at mag-retouch tapos nung ok na ang lahat, malalaman mo na hindi na pala kayo matutuloy? Nakaka-inis yon, promise. Ginagago yata ako nung Nathan Russell na yon eh, humanda sya sa akin kapag pinatawag nya ulit ako para magpatulong sa mga reports na ako ang gumawa. Ibang Veronica Mancini Salvador ang makikita nya, isang Nicky na seryoso at tahimik. Langya ka Nicky, kaya mo ba yun, seryoso ka ba sa mga sinasabi at pina-plano mo? Ikaw magiging seryoso at tahimik, tuluyan ka ng tinakasan ng katinuan kapag nangyari yon.

NATHAN RUSSELL

It’s already five in the afternoon and wala naman na akong meeting so I decided na maagang umuwi dahil dadalawin ko pa si Tita Glenda, ang mommy ni Gino. I need to freshen’ up dahil nakakapagod ang first day ko bilang CEO. Ano naman ang nakakapagod sa mga ginawa mo Nathan Russell? Nag-english ka lang napagod ka na, saka tatlo lang naman ang meetings mo kanina ah. “Yes hello?” sino ba naman kasi tong tumatawag na to? Hindi ba nya alam na namamahinga yung tao? “Kuya!” sus, si Natasha na naman pala. Sigurado ako iinisin na naman ako nitong kapatid ko na to. “Oh baby sister, why?”

“How’s the first day of work? Stressful ba?” eto na, magsisimula na naman ang kapatid ko. “You met her already kaya nakaka-stress? Hahaha.” Yeah, it’s stressful dahil kay Mr. Fuentes, ang aga-aga sinira ang araw ko. “Her? Who you referring at?” it must have been the curse that she said. “Yung karma mo, yung babae na magpapatino sayo. You already met her?” bakit ba ako nagkaron ng ganitong kakulit na kapatid? “Wala ka bang trabaho Sis at ako ang iniistorbo mo?” malamang wala Nathan kaya ka nga nya iniinis eh, hindi ka na nasanay kay Tasha. “To be honest kuya, I’m on a rehearsal right now, pero break time naman na so, I decided to call you since wala naman akong maka-usap dito. You still don’t answer my question. Did you met her already?” kapag sinabi kong OO, na-meet ko na sya kukulitin naman nya ako na i-describe ang itchura nung babae and how we first met. Kung sasabihin ko naman na HINDI, kukulitin pa rin nya ako. Ano bang dapat kong isagot sa tanong nitong babae na ‘to? “Hindi pa ako sure kung sya na nga yung karma ko.” parang mali yata ako ng naisagot sa kapatid ko ah. “So, anong itchura nya, maganda ba? paano kayo nagkita?” see, ang daming tanong ng kapatid ko. “She looks nice and I think she’s a fashionista like you. Parang ikaw lang sya eh, parehong makulit at madaldal but she’s more hotter than you sis.” Kokontra na naman yan. “Really, mas magaling pa syang pumorma kesa sa akin? At mas hot pa sya kesa sa akin? Kung oo ang sagot mo kuya, malamang na sya na nga ang karma mo.” Wow, hindi sya kumontra na may mas hot sa kanya, bago to ah. “Sis, are you sick?” I know she’s wondering why I ask her like that. “No, why did you ask?” if sya na nga kaya talaga ang karma ko at nakakapagpabago sa akin from a certified playboy to one woman man, magugustuhan kaya sya ng family ko? “Kasi Tasha wala kang violent reaction when I said na may mas hot pa na babae sayo.” Bakit naman sya hindi magugustuhan ng family mo kung sya talaga ang gusto mo diba? “Iyon ba Kuya, I know when you are lying and I know when you’re telling the truth. And I think nagsasabi ka ng totoo na mas hot ang karma mo compare sa akin. I don’t wonder why you think she’s your karma, she’s beautiful pala, a fashionista and she has an oozing sex appeal. Ganyan naman talaga ang tipo mong babae diba?” Oo, ganun talaga ang tipo kong mga babae but, I know na merong iba sa babae na yon eh, I just can’t figured out what is that. “I’ll call you some other time Tasha, I need to take a bath ‘cause I’ll visit Tita Glenda later.” I need to take a bath now bilang makupad ako at matagal maligo. “Ok, say my “Hello” to Tita Glenda. Bye kuya, I miss you.”

Bigla ko tuloy na-miss ang makulit kong kapatid na si Tasha. When she has time, we really make it a point that we go out together and enjoy the whole day. Sometimes we go bar hopping; I’m looking for hot girls while she’s enjoying the music and her drinks. There are boys who want to know her name but she politely said that she’s not interested to know that guy. Like me, lapitin din sya ng opposite sex nya kasi nga biniyayaan kami ng magandang lahi. Hahaha. Si Mommy nga pala eh dating model and I think sa kanya nagmana si Natasha. My mom is busy pa rin since isa na syang producer ng mga concert events and she’s a socialite too like Tasha. My Dad is alaways busy like a bee because of our business there. That’s the reason why he sent me here in the Philippines to manage ACC. At first ayoko talaga dito because of the traffic in EDSA, that sucks you know. But now, I’m starting to love this country again, the country where my Dad came from.

“Hello?” sino na naman ba tong istorbo na to? “Pare, we heard from Gino na gigimik ka na later. Saan ba tayo?” si Arvin lang pala, ang daldal talaga nitong si Gino pagdating sa gimik. “Hindi ko pa alam pare, kung saan tayo dadalin ng sasakyan natin. Hahaha.” Oo nga, saan nga ba kami pupunta mamaya para mag-libang? “I know a place pare, ang ganda ng bar na yon, unique, parang yung may-ari nung bar. Pare ang ganda nung may-ari ng bar na sinasabi ko.” talaga lang ha, hot mama? “Paano mo naman nalaman na iyong maganda na yon ang may-ari nung bar na sinasabi mo?” halatang-halata sa boses ni Arvin na talagang maganda nga yung babae na sinasabi nya. “Syempre pare tinanong ko dun sa barista. Saka pare mabait sya, nakikipag-kwentuhan sya sa lahat ng gimikero at gimikera ng bar nya. Sigurado ako pare magugustuhan ninyo ni Gino yung babaeng sinasabi ko.” talaga lang ha, we’ll see. “I need to hang up Arvin, maliligo pa ako at pupuntahan si Tita Glenda baka nagtatampo na yun eh.”

Thursday, December 15, 2011

Hindi ko muna ia-update ang blog na 'to starting tomorrow until next week...

But promise, bibigyan ko kayo ng mahabang updates ng I Finally Found the One!!! Promise talaga yan!!!

Kung kailan ako babalik, hindi ko pa po alam!!! Pwedeng before Christmas, o pwede rin naman na after Christmas na, o kaya naman ay next year na!!!





ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!

Wednesday, December 14, 2011

CHAPTER 8

Meron o Wala? Is this what you called LOVE?

MAAN DELA ROSA

“Napansin nyo ba?” eto talagang si Grace lagi na lang may napapansin. “Parang may gusto si Sir sa kaibigan nating alanganin.” Napansin ko din naman yon, kaya lang mas pinili ko na hindi na lang banggitin sa kanila. “ano ka ba naman Grace, hindi naman nakakapag-taka yon no, maganda rin naman ang lukang si Nicky.” Tama naman ang sinabi ni Maegan, maganda naman si Nicky yun nga lang, para syang lalaki kung kumilos kung minsan, pati ang magsalita. Hindi mo nga mahahalata sa kanya na mayaman sya kapag nagsalita na sya eh, malalaman mo na mayaman sya kapag nakita mo kung paano sya pumorma, at kapag nakita mo sya sakay ng kotse nya.

Hindi ko nga alam sa babaeng yun kung bakit pa sya nagtya-tyaga dito eh, may business naman na sila ng ate nya. Pero ok na rin yon, at least nakilala namin sya. “Alam nyo, napaka-malisyosa nyo talaga. Malay naman natin kung natuwa lang si Sir sa kanya dahil sa ugali na meron ang kaibigan natin na yon.” Nakarating na rin kami ng CR para makapag-toothbrush at hindi na naming inabutan doon si Nicky, ayaw na ayaw kasi nun ng hinihintay sya kasi ayaw din nya ng naghihintay. “Ano ka ba naman Maan, bulag ka ba? Hindi mo ba nakita kung paano titigan ni Sir si Nicky kapag nagsasalita? At saka hindi mo rin ba napansin kanina na sinabayan pa ni Sir si Veronica Mancini Salvador papunta sa cafeteria?” grabe talaga tong si Grace, akala ko kanina super busy sa pakikipag-daldalan sa akin, yun pala naglalakbay ang mga mata nya. Oo nga pala, half-Italian at half-Filipino si Nicky kaya Mancini ang middle name nya.

“Oo nga naman Maan, napansin ko din yon noh. Infairness naman sa kanila, bagay sila.” Isa pa tong si Maegan, akala ko wala ng ibang napapansin kapag usapang pagkain na. “Bagay na kung sa bagay, pero ang malaking tanong ay kung type din ba ng bruha si Sir? Alam naman nating tatlo na may pagka-Bitter Ocampo ang lola nyo when it comes to love kahit never pang nagkaron ng jowa.” Ewan ko ba kay Nicky kung bakit ang tingin nya sa love ay sakit lang sa ulo at puso, to think na never pa naman syang nagkaroon ng bf. “Eh kasi naman ang babaeng yan, ang laging kasama eh yung mga barkada nyang lalake na ang laging alam gawin ay magpatulong kay Nicky na ayusin lahat ng problema nila sa mga gf nila. Kaya siguro natakot na si Nicky na mag-boyfriend kasi lagi nyang nakikita yung mga gf ng mga kaibigan nya eh laging umiiyak at niloloko ng lalake.” Tama si Grace, iyan talaga ang isa sa dahilan ni Nicky kung bakit ayaw nyang ma in-love, dahil natatakot sya na mangyari sa kanya ang mga nangyayare sa amin at sa gf ng mga kaibigan nya.

Mamaya magkikita-kita na naman sila ng mga kaibigan nya para ayusin ang away nung Gabby at Janice. Paano pa nga magkakaron ng bf tong si Nicky eh, sa pag-aayos lang ng gulo ng mga kaibigan nya sa love life eh kulang pa ang oras nya? Kawawang Nicky. “Hoy, bilisan nyo na jan, daldal kayo ng daldal jan. Maegan baka nakakalimutan mo, ikaw ang gagawa ng payroll ngayon, wala si Nicky.” “Oo nga pala, tara na. Bwisit talaga ang Dragonesa na yun eh, sa akin pa binigay ang sakit sa ulo na payroll na yon, pwede naman na kay Grace na lang. hahaha.” Ayaw naming lahat na mapunta sa payroll dahil ang dami-dami mong kailangan doon, pero ang kakaiba lang na si Nicky ang tumanggap ng trabaho na yon ng bukal sa kanyang loob. At dahil doon, saludo kaming tatlo sa kanya dahil kaya nya ang pressure kapag end of the month na. Imagine, hindi lang payroll ang kailangan nyang gawin noon, kailangan pa rin nyang mag-audit sa mga pera na nilabas pera the that month. Tapos kailangan din nya na mag-inventory at mag-audit sa business nila ng ate nya. Isa syang SUPER WOMAN, ay hindi pala super woman, SUPER GIRL lang pala.

NATHAN RUSSELL

Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako kapag kausap o kahit makita ko lang ang makulit na si Nicky. Is this love? Hindi naman siguro, maybe nakikita ko lang si Natasha kay Nicky. Pareho silang carefree, makulit, maganda at friendly but that doesn’t mean na mahal ko na din si Nicky. I don’t believe in love at first sight, I’m not a fanatic of that line.

“Kumain ka na ba Belle? You can take your lunch now.” Tanong ko sa kanya ng may ngiti sa mga labi, masaya ako eh. “You look happy Sir, something nice happened? Anyway Sir, I’ll just take my lunch. Ipa-page nyo na lang po kayo kapag may kailangan kayo. I’ll go ahead sir.” Masaya lang siguro ako kasi ang light lang ng first day ko as CEO. Oh, damn I forgot I have a meeting with Mr. Howard at one in the afternoon. “Ms. Alarcon wait, what’s my schedule again at 1pm?” sana ina-cancel ni Mr. Howard yung meeting namin later. “Sir you’ll have a meeting with Mr. Howard of Hand Steel Corp., sa kanila po tayo kumukuha ng mga steel bars na ginagamit sa mga approved projects.” Hindi ba yun pwedeng i-cancel? Paano ko makikita at makaka-usap si Nicky nito? Gusto ko pa naman syang tinititigan sa malapitan kasi ang ganda-ganda nya, parang si Tasha lang. “Ah, I see. Go ahead Belle and eat lunch.”

Matawagan na nga lang si Gino, habang hinihintay ko si Nicky. “Hello Gino, kamusta na pare?” mas nauna sa akin na lumipad papunta dito sa Pilipinas si Gino dahil pina-uuwi sya ng Mama nya. “Pare eto, ok naman mejo nababato nga lang dahil walang bago eh.” Hindi pa rin nagbabago ang bestfriend ko na ‘to, chickboy pa rin hanggang ngayon. “Gimik tayo mamaya, gusto mo? Hanap tayo ng bago mo. Hahaha.” Sya lang ang hahanap dahil nakita ko na yung akin, at ayokong ipakita yung image ko sa kanya na playboy ako. But that was before pa naman so ibaon na natin yun sa limot. “Bago ko lang pare? You mean to say hindi ka hahanap dahil may nakita ka na? Ipakilala mo naman ako sa bago mo.” Ipapakilala ko ba si Nicky sa kanya o wag na lang? “Pare, wala akong bago ngayon, ayoko lang ng sakit ng ulo ngayon dahil hindi pa ako nakakapag-adjust sa schedule ko at trabaho na meron ako ngayon. Alam mo na.” yan ang mga palusot. Baka kasi mamaya, magustuhan din nya si Nicky diba, mahirap na, pareho pa naman kami ng type. Nathan Russell, type mo na talaga si Nicky! Sa bibig mo na mismo nanggaling, tapos natatakot ka pa na baka magustuhan din ng bestfriend mo na si Gino. Patay tayo jan Boss Nathan, yan na ang sumpang binitawan ng magaling mong kapatid na si Natasha Russell. “Saan naman tayo mamaya pare? Kailangan dun sa maraming babae at masaya. Tamang-tama, pa-welcome party mo na rin yon. Hahaha. Nung isang lingo ka pa dumating dito, ngayon mo lang naisipan na mag-aya na lumabas.” I intended not to go out last week since I’m busy reading paper that concerns the company, and I’m also busy fixing and arranging my house since I arrived. “Busy kasi ako pare sa pag-aayos ng bahay, independent living na ako ngayon Gino.” Pero may katulong pa rin naman ako, I can’t live without them. “So, pwede ka ng magdala ng babae sa bahay mo anytime you want. Hahaha.” At first yun din ang pumasok sa utak ko, at last I’m free. Pero parang hindi na ganon ang gusto ko. Parang mas ok kung isang babae lang ang makakarating sa bagong bahay ko. Nathan Russell, alam mong imposibleng mangyari yun eh. Isipin mong mabuti, hindi mo naman mapapapunta ang isang babae na katulad ni Nicky na sa bahay mo ng sya lang mag-isa, malamang kasama nya ang mga kaibigan nya. “Puro babae pa rin ang nasa utak mo hanggang ngayon, magbago ka na pare. Hahaha. Pare, I need to say goodbye for now. May meeting ako ngayong 1pm eh.”

I need to go now where Mr. Howard and I should meet. Teka naman, saan nga ba kami magkikita? “Hello Ms. Alarcon, saan ba ang meeting namin ni Mr. Howard?” ang engot ko diba, hindi ko alam kung saan kami magkikita. “Sir sa Brooklyn Hotel po, may naka-reserve po na table for two para sa inyo ni Mr. Howard.” Malapit lang naman pala dito. “Ok thanks. Enjoy your lunch, and if someone look for me, tell them that I’m in out and I have a meeting with Mr. Howard. Baka hindi na rin ako makabalik jan. I’ll call you kung later kung saan naman ang meeting namin ni Mr. Roxas.” Dadalawin ko na si Tita, for sure nagtatampo na ang Mommy ni Gino. “That’s noted Sir. Ingat na lang po.”

CHAPTER 7

“Alam mo na yun” Word

NATHAN RUSSELL

Bigla silang napatigil sa pagkain ng malaman nila na ako yung naka-tapon ng kape kay Nicky kaninang umaga. “Si-sir, sorry po. Hindi po pala ikaw yung engot si Nicky po pala.” Hindi naman ako galit kay Grace dahil sa nasabi nya, malay naman nung tao hindi ba? “it’s ok Grace.” Natawa naman si Maegan at Maan sa itchura ni Grace. “Hoy Grace Punongbayan, hindi ako engot no, sa ganda kong to. Saka, wag nyo na ngang intindihin yun.” Ayaw ng maalala kasi nahihiya?

“Sir, ano po bang nangyare? Kung ok lang po sa inyo kwento nyo po, willing po kaming makinig.” Nakakatuwa talaga itong magkakaibigan na to. “Hindi ko kasi sya napansin kanina sa harap ng elevator, sakto naman nung malapit na ako bumukas na sya so nagtuloy-tuloy ako. Dahil sa hindi ko nga sya napansin, natapunan ko sya ng mainit na kape.” After kong ikwento yung part na yun, eh tiningnan nila si Nicky kung anong magiging reaksyon nito. At ano ang naging reaksyon ng babae yon? Tinitigan lang din nya ang mga kaibigan nya, sabay ngiti. “Tapos Sir, ano ng nangyare? Wala man lang sinabi si Nicky?” tanong ni Maegan sa akin habang kumakain pa din.

“She hurruiedly took off her coat while saying the “alam mo na yun word” and then tiningnan na nya ako.” Kumunot ang noo nung tatlo dahil hindi nila alam yung mahiwagang salita na sinabi ni Nicky. “Sir, ano yung “alam mo na yun” word?” curious din sila, lalo na si Grace.

VERONICA SALVADOR

Hay, nakakahiya talaga tong tatlo na to. Sinabi na ngang wag ng intindihin yung nangyare kanina sa lobby, pina-kwento pa rin sa boss namin. Eto naman lalaking to, ganadong mag-kwento pati yung sinabi ko yung “alam mo na yun” sinabi pa. “Ay nako Grace Punongbayan, wag mo ng tanungin kung ano yun.”

“Veronica Salavador, wag ka nga jan. Si Sir ang tinatanong namin noh.” At talagang sumagot ka pang babae ka, sasabunutan na talaga kita eh. Tsss… bakit kailangan pa akong tingnan bago sagutin ang tanong ni Gracia Punongbayan? “the “alam mo na yun” word means holy sh*t”

Ang pangit ng pagkaka-sabi nya, walang feelings, walang emotion at walang conviction. “Veronica Mancini Salvador, sinabi mo yun? Sabihin mo nga ulit kung paano mo sinabi kaninang umaga?” luka-luka talaga tong si Maan, ipaulit pa ba sa akin. Eh diba nag-promise ako kay Sir Nathan na hindi ko na ulit sasabihin ang salitang yon. Pwede siguro kapag hindi ko sya kaharap. “Paalisin nyo si Sir, sasabihin ko.” hahahaha, kaya nyo bang paalisin si Sir?”

“Bakit kailangan pang umalis ni Sir eh, narinig naman na nya yan kanina.” Kung pwede ko lang sabihin na nag-promise ako kay sir na hindi ko na sasabihin ang “alam mo na yun” word. “Sir?” ang tapang mo Grace, ang tapang mo, papaalisin mo talaga si Sir? “No, I ask her to promise na hindi na nya ulit sasabihin ang word na yon. Kaya wag nyo ng kulitin ang kaibigan nyo na yan.” Thank you Sir, thank you talaga.

Eh diba hindi naman nya ako pinag-promise? Ako mismo yung nag-promise sa kanya na hindi ko na ulit sasabihin ang salitang yon para lang hindi nya ako isumbong sa dragon namin na head. “Tama na ang kwentuhan, tapos na tayong kumain diba? Tara na at ng makapag-ayos na tayo. Masyado kayong nawili sa pakikipag-kwentuhan kay Sir Nathan” ngayon ko lang yata ulit mapapasalamatan si Mrs. Hilario dahil sa pag-epal na naman nya. Nailigtas nya ako sa mga tanong ng mga bruhang to, mahahalikan ko si Mam Dragonesa. “Sir naka-kain po ba kayo ng maayos? Dapat ay sa table na lang po namin kayo sumalo para naka-kain kayo ng mabuti. Pagpasensyahan mo na po ang mga iyan at talagang maiingay lang po talaga sila kapag lunch break.” Bakit Dragonesa, kapag sa table nyo ba sya naki-share, maiiba ang lasa ng pagkain sa cafeteria para mas naka-kain ng bongga si Sir? Bwisit talaga, apaka epal.

“Etong si Dragonesa pumi-feeling bagets pa eh.” Sabi ni Grace. “Matanda naman na, may asawa na nga at apo, nagpapa-cute pa kay Sir.” Sabay irap naman na sabi ni Maegan. “Try nya kayang tanungin si Sir kung gusto ba syang makasalo ni Sir sa iisang table. Asar. Tara na nga, naiinis lang ako sa dragon na yan.” Hahaha, hindi lang pala ako ang nainis sa sinabi ng dragonesa na yon, sila rin pala.

Magsasabi pa ba kami kay Sir na mauna na kami sa itaas o hindi na? “Sir, mauna na po kami sa itaas.” Talaga namang si Maan, ang bait-bait. “Ok. Anyway Nicky kapag ok ka na, you can go to my office para makapag-simula na tayo.” Oo nga pala, kailangan ko ng mag-practice kung paano maging seryoso; Kayanin ko kaya? Kaya mo yan Nicky, para sa ikaka-ayos ng kailangan nyong pag-aralan. Kasi naman, hindi ba sya sanay ng self-study, nag-aral naman sya diba? “Ok po Sir. Nathan.”

And habang sakay kami ng elevator para makapag-ayos na dahil malapit ng matapos ang break eh, talaga namang ayaw pa rin nila akong tantanan. “Bruha, ano ba kasi talaga yung mahiwagang salita na yon at kailangan ka pang mag-promise kay Sir na hindi mo na ulit sasabihin?” apaka chismosa talaga nitong si Grace. “H.S. yan yung bukang bibig nung isang character sa American pie. Gets nyo na?” ayoko na kasi talagang sabihin, baka mamaya anjan lang sa tabi-tabi ang boss namin na yon eh, mahirap na. “Talaga? Paano mo nga sinabi, ulitin mo. Kailangan yung kagaya kanina ha.” Ang kulit ng mga bruha, ayoko na ngang sabihin eh.

“Ay kalabaw!” tama bang harangan ang dadaanan namin? Hay naku naman, kung may hawak na naman syang drinks malamang natapon na naman sa akin. “Sir! Bakit nandito kayo? Hindi naman po dito ang office nyo diba?” feeling ko para akong tanga nung tinanong ko yon. Pero bakit nga ba sya nandito, may 15mins. pa naman bago matapos ang lunch break ah. “Nicky, yun ba yung “alam mo na yun” word? Yung “Ay Kalabaw”?” juice ko naman tong si Maegan, hindi pa rin matahimik sa salitang yun, yung HS na nga diba? “Ano ka ba Mae, yung HS na nga yun.” Malamang hindi to nakapanood ng kahit isang movie ng American Pie. “Ano ka ba Veronica, hindi ako nanonood ng mga ganong pelikula, itulad nyo naman ako sa inyo nila Gracia.” Hay nako, itigil na tong usapan na to, nakakahiya.

“Eh Sir, bakit nga po kayo nandito?” kasi hindi sya makapag-salita dahil ang daldal nung tatlo kong kasama. “Naisip ko lang na, baka hindi mo kayang dalhin yung mga folders na kailangan nating pag-aralan so, nagpunta ako dito para tulungan ka.” Pag-aaralan NATIN? Sir, ikaw lang mag-isa ang mag-aaral nyan kasi alam ko na yun. “Naku Sir, hindi na po, kaya ko na po iyon, saka ilang folders lang naman po iyon.”

Ano ba kasing problema nung lalake na yun? Parang tanga lang, CEO sya tapos ganon ang inaasal nya. “Ganon ba? ok, I’ll see you in my office in 15mins.” at umalis na ang lolo mo. Teka, tama ba yung narinig ko, in 15mins? Lecha flan, hindi pa ako nakakapag-toothbrush eh. Hindi ko pa rin naayos ang sarili ko. My gulay! Tama bang madaliin ako. “Hoy mga bruha, mauna na ako sa inyo, narinig nyo naman diba, in 15mins. ang kupad nyo pa naman. haaaay…” para tuloy akong ipo-ipo nito, hindi ko malaman kung anong uunahin kong gawin.

Tuesday, December 13, 2011

CHAPTER 6

Meet Madam Dragonesa

VERONICA SALVADOR

“Ms. Salvador, Mr. Russell ask me if pwede mo daw ba syang tulungan doon sa ibang reports natin last quarter.” Eh bakit ako? “Mam? Alin po bang reports?” baka mamaya om-oo ako tapos hindi ko naman pala alam yung reports na ipapaturo nila sa akin sa lalaking to. “Anong reports ba ang ginagawa mo Ms. Salvador? Hindi ko naman ipapaturo sayo kay Sir ang reports na hindi ikaw ang gumawa diba?” Naku ka talaga Mrs. Dragonesa ka, malay ko naman diba? Bakit kasi hindi agad sinabi kung anong report. “Malay ko naman diba, bakit kasi hindi sinabi agad.” Wag kayong maingay, bulong lang yun, baka marinig ni Dragonesa eh bugahan ako bigla nun ng apoy. “May sinasabi ka ba Ms. Veronica Salvador?”

Epal talaga tong si Mrs. Hilario sa career ko eh, naku kung hindi lang sya matanda. “Wala po Mam Lorry, ang sabi ko po, ok po.” Eh ano namang tinatawa-tawa nitong lalaki na to? Malamang plano nya lahat ng to eh, humanda ka seryosong VERONICA SALVADOR ang makaka-usap mo mamaya. “Eh oo nga po pala Mam, paano po yung payroll ko? sa Wednesday na po ang submission nun.” Kapag sa akin nyo pa rin pinagawa yung payroll, hindi ko na tutulungan tong kumag na to. “Si Maegan na ang bahala sa payroll ngayon, basta ang intindihin mo eh si Sir Nathan. Maliwanag ba?” mas maliwanag pa sa apoy na binubuga mo. “Yes Mam.”

“Ngayon na po ba Sir?” hindi po ba pwedeng after lunch na para may energy naman ako na sumeryoso. “After lunch na lang tayo magsimula Ms. Salvador.” Wala bang balak ipakilala ni Mam Dragonesa si Sir sa iba naming kasama? At parang narinig yata ni Mam ang tanong ko kaya eto. “Accounting Dep’t. please come here for a while. This is our new CEO, Mr. Nathan Russell he’s the son of Mr. Nathaniel Russell.” Ang mga bruha, todo pa-cute naman akala mo mga walang boyfriends. “Mr. Russell this are our Junior and Senior Accountants.” Exposure tong si Mam Lorry, talagang pinakilala pa lahat isa-isa tapos ako hindi nya pinakilala, asar lang. “It’s nice to meet all of you Accountants, I’m your new CEO, Nathan Russell. I hope we can have a nice working relationship.”

Paulit-ulit naman tong lalake na to, wala pa ba syang balak umalis sa office namin? Masyado yatang nasiyahan sa tanawin na ang daming babae na nagpapa-cute sa kanya, dukutin ko mata nito eh. “It’s already 11:30, you can have your early lunch if you want.” Hindi pa po kami gutom Sir, masyado pang maaga para sa lunch. Lecheng tyan na to, ayaw makisama, mag-ingay ba! Ngayon ko lang naalala, hindi nga pala ako naka-kain ng mabuti ng breakfast. “Sige po Sir, baka naman po ilibre nyo pa kami, nakakahiya naman, pero kung mapilit po kayo, ok lang din po. Masama po kasi ang tumatanggi sa grasya.” Talaga naman tong si Maegan, pagdating sa pagkain hindi man lang mahiya. Pinandilatan tuloy sya ni Dragonesa “Naku Sir, pagpasensyahan nyo na lang po ang pagiging mabiro nitong si Maegan, ganyan lang po talaga sya kahit sa mga kasamahan nya dito.” Kasamahan nya dito, parang hindi namin sya kasama sa office na to kung makapag-salita.

“Ok lang Mrs. Hilario. Sure, ililibre ko kayo ng lunch pero jan lang muna sa cafeteria ha, wala pa akong budget eh.” CEO walang pera? KALOKOHAN! Sinong niloko nya, kami pa na Accountants. “Ok lang po yun Sir, makakatipid pa rin kami.” Oh sige Grace, samahan mo pa sa kagagahan nya si Maegan. Kung magsalita naman ang bruha na to akala mo walang pera. “Hey Veronica, bakit nakasimangot ka jan? hindi ka ba kumakain sa cafeteria?”

Shete, sinabi ng NICKY eh, hindi Veronica. Hello naman sya, muka ba akong maselan sa pagkain? “Sir, its NICKY sir, NIC-KY. Sir Nathan hindi po ako maselan, kahit pakainin nyo ako ng adidas jan sa kanto kakainin ko.” maselan, baka ikaw ang maselan.

“Naku Sir Nathan, wag nyo na pong pansinin ang isang yan, ganyan po talaga yan kapag gutom na.” humanda ka sa akin Grace Punongbayan mamaya.Tara, sa cafeteria ako ng bahala sa lunch nyo.” Mauna na kayong lahat lumabas, mga excited akala mo ngayon lang kakain ng libre. “Ms. Nicky, after you.” Pa-gentleman effect pa tong lalake na to, pero infairness ang cute nga nya sa malapitan, ok pang pumorma.

Si Janice nga pala hindi ko pa natatawagan, matawagan na nga bago ko na naman makalimutan.

NATHAN RUSSELL

Sino naman ang tatawagan nitong babae na to, boyfriend nya para i-update na kakain na sya? “Hello Jance… Oo, alam ko na, nag-away na naman kayo ng magaling mong boyfriend na si Gabby.” Ah, girlfriend pala ng kaibigan nya. “Oo nga pala Jance, sa Natures Bar tayo mamayang seven ha… kailangan pa bang i-memorize yan, malamang para ayusin ko na naman ang gusot nyong dalawa…” love expert? “Syempre may kwento din ako, pwede ba na problema nyo lang ni Gab ang issue mamayang gabe? Nakakasawa yun noh.” Bakit ba kailangan ko pang sabayan ang babaeng to. “Jance wait lang ha, don’t hang up. Sir, nakikinig ka ba sa usapan namin ng kaibigan ko?” hindi naman ako interesado sa pinag-uusapan nyo ng kaibigan mo noh. Nauna na sya sa akin papunta sa cafeteria at umupo na sya kasama nila Grace, Maan at Maegan.

“Sir, salamat sa libreng lunch ha.” Napaka-thankful talaga nitong si Maegan. “Sana Sir this will not be the first and the last time.” Si Grace naman to.

Si Nicky? Ayun busy sa pagkain at sa pagte-text at the same time. “Nicky sino ba yang tinetext mo? Kumain ka muna kaya.” Pasaway naman kasing babae, kung kailangang kumakain saka nagte-text. “Maan, sandali na lang to, tinetext ko lang si Jack, Aya, Gabby, Janice, Marco, TJ at Steve.” Bakit parang puro lalake yata ang kaibigan nitong si Nicky?

“Wag mong sabihin VERONICA na gigimik na naman kayo? Kahapon lang gumimik na kayo, tapos gimik na naman mamaya. Balak mo ba talagang sunugin yang baga mo?” Go Maan, pagalitan mo yang si Nicky, hindi ba nya alam na masama sa katawan ang alak? “Ano ka ba Maan, hindi naman nakakasunog ng baga ang isang bote ng wine, healthy pa nga yun eh kasi may anti-oxidants. Saka hindi naman ako malakas uminom, at isa pa ulit na saka, aayusin ko lang yung problema ni Janice at Gabby.”

May nalalaman pa na hindi masama sa katawan ang isang bote ng wine. Batukan ko kaya tong babae na to.? “Hindi ka ba nagsasawa na ayusin ang away ng dalawang timang mong kaibigan na yan? Parang si Tom at Jerry na lang lagi.” Tom and Jerry? “Promise Maan, huli na to. Pambayad utang ko na lang toh.” Utang? Ang ganda ganda ng kita nya dito nagkakaron pa sya ng utang. “Utang?”

“Oo, utang. May utang ako kay Janice at Gabby. Kila Gabby ako nagpunta at nagpalit ng damit ng matapunan ako ng kape kaninang umaga sa likod.” Kailangan talagang tingnan ako ng sinabi nyang NATAPUNAN? “At ang damit na suot ko ngayon eh si Janice ang may-ari, nakuha ko sa unit ni Gab.” Doon sya sa bahay ng Gabby na yun nagpunta ang nagpalit ng damit? “Ah, malapit nga lang pala ang unit non dito. Buti may naiwan na damit doon si Janice. Pero teka, hindi mo pa nasasabi sa amin kung sinong engot ang nakatapon sa likod mo ng kape?” Nagkakasama lang kami sa iisang table. Yup, sa kanila ako naki-share kasi mukang masaya silang kasama.

Bigla akong binalingan ng tingin ni Nicky. Gets agad ng mga kaibigan nya ang ibig sabihinn ng tingin nya na yon. Muntik pang mai-buga ni Grace ang pagkain sa bibig nya kasi sya nagsabi ng word na ENGOT. Let me explain my side first bago kayo mag-react jan.

Friday, December 9, 2011

CHAPTER 5

What is “UNLI”?

NATHAN RUSSELL

Ano bang pinagsasabi nitong babae na to? Sino naman ang isusumbong ko? She’s so funny, ang sarap siguro nyang maging kaibigan. “So si Mrs. Hilario pala ang Head ng Accounting Department. And anong tawag mo sa kanya, Dragonesa? Alam mo Veronica, nakakatuwa ka.”

“Sir its Nicky. Veronica is a long one so Nicky Sir, NICKY!” kakaiba talaga ang babae na toh. Ito na ba yung karma ko na sinasabi ng magaling kong kapatid na si Tasha? She’s not my type, ang daldal kaya nya at parang ang daming alam na kalokohan sa katawan. “Ok Nicky, kumalma ka lang jan ok? Wala akong balak na isumbong ka sa dragonesa mong head. Gusto ko lang syang maka-usap dahil may kailangan ako sa kanya. And don’t worry, kahit i-kwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina sa lobby, hindi pa rin sya magagalit sayo dahil ako ang may kasalanan.”

Bakit ba nag-aaksaya ako ng panahon na paliwanangan ang babaeng to? “Ah, ganon po ba Sir? Ok po, pasensya naman po. Eh teka nga po pala Sir, kailangan nyo pa po ba talaga syang puntahan? Diba, pwede naman po na tawagan nyo na lang yung dep’t namin tapos ipadala nyo na lang yung mga files na kailangan nyo.?” Ang kulit naman nitong babae na to eh. “Bakit ba parang ayaw mo akong papuntahin sa dep’t nyo. Diba nga, sabi ko namn sayo, hindi naman kita isusumbong sa kanya.?!”

Kayo lang naman ang inaalala ko Sir, baka kasi mapagod kayo. Joke lang po, sige po Sir punta na tayo sa Accounting Dep’t.” Ganito rin kaya sya makipag-kulitan kay Mr. San Pedro? “Nicky, kaya gusto kong pumunta sa office ninyo ay para makilala ko kayong lahat personally. Ayoko naman na hindi ko kilala yung mga tauhan ko at mga ka-trabaho ko. Anyway, wala ba talagang prescribed uniform ang ACC sa lahat ng employee?” napansin ko kasi na wala silang uniform, kanya-kanya silang porma. Pero itong si Nicky ang pinaka-malupet pumorma, akala mo may meeting na pupuntahann kung pumorma, well, kanina yun, nung hindi ko pa sya natatapunan ng kape. Pero ngayon ang porma, parang namamasyal lang sa Universal Studio, naka-cardigan na manipis na kulay gray, panloob na kulay white at light brown na short. Yung porma nya nung bago ko sya natapunan ng kape eh talaga namang ang hot nyang tingnan. Ganun kaya sya lagi kapag pumapasok?

Sa naisip ko na yon parang na e-excite akong pumasok araw-araw para makita kung ano ang isusuot nya kinabukasan. Hoy Nathan, kailan ka pa naging interesado sa isusuot ng babae? Mangamba ka na, dahil baka sya na nga ang karma mo. “Sir, obvious naman na wala kasi kung meron hindi mo na ako makikita dito. Sa totoo lang Sir, ang corny kasi kapag may uniform pa, paano na lang kung hindi ka kumportable sa uniform diba? Kaya salamat kay Mr. San Pedro at hindi nya naisipan na magpa-uniform. Except sa mga security guards at janitors.”

“Pinapayagan kayo ni Mr. San Pedro na ganyan ang suot nya dito sa office?” sabay tingin ko sa legs nya. “Sir, dito ang tingin sa mata ko, wag jan sa legs ko.” at inangat nya ang muka ko at iniharap sa muka nya. “Sir, ngayon lang naman ako nagsuot ng ganito dito sa office dahil ito lang ang available na pwede kong isuot. Saka Sir, walang naglalakas-loob na magsuot ng short dito kasi madaming unli.”

Unli? Unlimited? “Anong unli?” nakakalokong kausap ang babae na to, parang lumaki yata sa kanto. “Hindi mo alam yung unli? Ang ibig sabihin ng unli ay…” wag nyo ng alamin, kaya nga ibinulong na lang nya sa akin eh, baka kasi mabigla kayo. “Babae ka ba talaga? Bakit kung magsalita ka para kang lalake? Sa kanto ka din ba ng Tondo lumaki?”

“Alam mo ba Sir kung nasaan ang Tondo? Yan ang hirap sa inyong mayayaman eh, masyado nyong minamata ang mahihirap. Sir, hindi naman lahat ng nakatira sa Tondo ay kagaya ng iniisip nyo.” So, isa syang batang Tondo? Pero parang masyado naman yata syang maganda at makinis para maging isang batang-Tondo. Sa kaka-isip ko kung saan taga-tondo nga ba ang babaeng kausap ko at pakikipag-usap sa kanya eh, hindi ko namalayan na nasa Accounting Dep’t. na pala kami at wala na sya sa tabi ko, dahil nasa tabi na sya ng mga kasamahan nya.

VERONICA SALVADOR

“Oi bruha, bakit ka pinatawag ni Sir?” ang ganda naman ng bungad na tanong sa akin nitong si Maan. Hindi ba nya napansin na kasunod kong pumasok si Sir? “Bruha, mamaya ka na magtanong at nanjan si Sir.”

Kasalukuyan namang nag-uusap na si Mam Dragonesa at ang bago naming boss. Sana naman wag talaga akong isumbong nitong lalaking to sa babaeng bumubuga ng apoy na si Mrs. Hilario. Eh bakit parang ako yata yung pinag-uusapan nila? Kung makatingin naman tong si Mrs. Hilario parang napakalaki ng kasalanang nagawa ko, hindi ko naman sinasadyang sabihin yung “alam mo na yun” word sa harap ni Sir Nathan eh.

“Nicky, bakit ang tagal mong bumalik, ano bang pinag-usapan nyo ni Sir?” eto pa ang isang chismosang si Stacie, kinakabahan na nga yung tao dahil baka maihaw ako ng buhay ni Mam Lorry eh tanong pa ng tanong. “Ang pogi pala ni Sir sa malapitan.” Dumagdag pa tong si Grace.

Bro, kunin nyo na po ako, ayoko pong pumanaw na sunog. “Ano ba naman kayo, mamaya nyo na nga ako kausapin sa lunch break, ang dami ko pang dapat gawin.” Eh bakit hindi eh, ilang oras din akong nawala, malapit pa naman na ang payroll kaya Haggardo Versosa na naman ang drama ng buhay ko. “Kung ayaw mo sa kanya friend, sa akin na lang sya ha.” Saan naman napulot nitong si Stacie na ayaw ko kay Nathan? Hahaha. Wow, feeling close, Nathan na lang ang tawag.

Hoy kayo ngang tatlo jan eh magtrabaho, hindi ko kayo pinapa-sweldo para tanungin ako na parang artista.” Tawanan sila eh, sa mga hirit ko naman kasi diba. “Alam mo Nicky, nagtataka talaga ako kung bakit hanggang ngayon never ka pang nagka-jowa eh. Maganda ka naman, sexy, matalino, may sense kausap pero bakit walang nanliligaw sayo?” Malapit ko ng mapektusan tong si Grace eh, sinabi na ngang mamaya na ang chismisan at madami akong gagawin, sukat ba namang tanungin pa ako tungkol sa lecheng lovelife na yan. “Hoy Veronica Salvador, gawin mo na yang payroll para may anda tayo sa weekend. At kayong tatlo, wag nyo ng tanungin ng tanungin tong si Nicky baka hindi pa tayo sumweldo nyan. Mamaya na lang sa lunch break para mawalan ng ganang kumain at tayo ang makinabang. Hahaha.” Luka-luka din tong si Maegan, akala ko ba naman makakaligtas na ako hindi pala. Pati pagkain ko napag-interesan pa, kaya tumataba ang bruhang yun eh.

Hay naku talaga naman, nakaka-inis ang lamesa ko, ang dami-daming papel ang daming kalat. Kailan ba lilinis to? Kailan ba to mawawalan ng papel? Ok Nicky, cool ka lang, easy, steady pulse. Malapit naman na ang lunch break, isang oras na lang. Eto na, magsisimula na akong mag-input ng details para sa payroll. Mukang aabutin na naman to ng dalawang araw at kalahati para matapos ko to. Sana lang walang kahit na anong distraction para kaya kahit dalawang araw lang, pero alam ko naman na imposible iyon dahil ako at lagi na lang ako ang paborito nilang topic at tanungin ng tanungin, hindi naman ako artista.

Heto na talaga, magsisimula na ako, seryoso na. “Ms. VERONICA SALVADOR” Leche, sino na naman ang tumatawag sa akin?

Monday, December 5, 2011

CHAPTER 4

Peace Men! vc”,)

VERONICA SALVADOR

Kadarating ko lang sa Accounting office eh talaga namang binabagyo ako ng mga tanong nila. Paano daw napunta kay Sir yung ID ko, bakit daw ako gustong maka-usap. “Mamaya nyo na ako ilagay sa hot seat ok, pupuntahan ko muna si Sir baka mas mainit pa sa kape ang ulo nun.” Eh di tumahimik ang mga itik na gutom sa intriga. Hahaha.

“Mama Belle, anjan ba si Sir? Pinapatawag daw ako eh.” Hindi naman kami masyadong close ni Belle, ayos lang naman kasi nakakasabay namin syang mag-lunch sa cafeteria. “Sandali lang ha, tatawagan ko lang sya, wala kasi syang nabanggit sa akin eh. Baka mapagalitan ako.”

Lord, tulungan Mo po ako, bigyan Mo po ako ng mahabang pasensya. Sana po mapigilan ko ang inis ko sa lalaking yon. Please po.

“Pasok ka na Nicky sa loob.” Salamat naman, akala ko paghihintayin pa nya ako eh. “Bakit ba ako pinatawag ni Sir?” Abno ka din Nicky eh noh, ni hindi nga nabanggit nung bago nyang boss na pinatatawag ka tapos tatanungin mo kung bakit ka pinatatawag. Adik ka ba Nicky? “Hindi ko rin alam, inutusan lang nya ako kanina na i-connect sya sa dep’t. nyo eh. Sige na, pumasok ka na sa loob. Wag kang matakot, mabait naman si Sir.”

Ok Nicky, calm down. Wag mong ipahalata sa bago mong boss na naiinis ka sa kanya dahil sa nangyari kanina. Tandaan mo, sya ang bagong CEO ng kumpanya kaya kung ayaw mong mawalan ng trabaho, umayos ka.

“Good morning Sir, pinatatawag nyo daw po ako?”

“Have a seat Ms. Salvador.” Ano ba naman tong CEO na to, mukang hindi matae sa kinauupuan. Sorry for the word ha, sige, constipated na lang. Ang gara ng itchura nya ha, halatang may gustong sabihin pero ayaw namang magsalita. “Sir, magtititigan na lang po ba tayo? May kailangan po ba kayo?”Ay Nicky nabighani sa kagandahan mo, tinitigan ka na lang at hindi na nagsalita.

Ok Nicky, compose yourself, pigilan mo ang iritasyon mo sa mala-Adonis na nasa harapan mo. Eh bakit naman kasi ganyan ka-gwapo ang lalake na to? Ang ganda ngang lalake, eh parang umurong na yata ang dila, hindi na nakapag-salita. Ok, hindi ko na talaga kaya to, hindi na talaga. “May gusto po ba kayong sabihin Sir? By the way Sir, pwede ko na po bang makuha sa inyo yung ID ko na nalaglag ko kanina?” harmless naman ang sinabi ko diba, mejo may pagka-straight forward nga lang.

My gosh, hindi ba talaga magsasalita ang lalakeng to? “Sir, hello po. May kailangan po ba talaga kayo sa akin? O kaya naman po may gusto po kayong sabihin?” hindi kaya hinihintay nya na mag-sorry ako sa kanya sa nangyari kanina? Ay nako, asa sya! Hindi ako hihingi ng sorry sa mga nasabi ko sa kanya kanina.

“Wala ka bang gustong sabihin sa akin?” hay salamat naman at naisipan na rin nyang magsalita. Pero nagsalita nga, wala namang kwenta. “Wala naman po Sir, except po sa thank you dahil napulot nyo po ang ID ko, yun lang po.” Masisiraan na ako ng bait sa lalaking toh, Lord, help me please.

“Kayo po Sir, wala po ba kayong gustong sabihin? Muka po kasing may gusto kayong sabihin eh. Ano po ba yon?” Veronica Salvador, be patient, behave lang ok?

Hindi na naman sya nagsalita, masyado ba akong maganda at hanggang ngayon eh shock pa rin sya? Pangit ba yung suot ko, hindi ba bagay sa akin? “Ahm, eto na nga pala yung ID mo Ms. Salvador.” Yun lang yun, yun na ba yung gusto nyang sabihin? Shete, sinasayang lang nya ang oras ko. “Yun lang po ba yung sasabihin ninyo?” ok, I can’t control myself now, umalis ka na Nicky sa harap ng lalaking iyan at baka kung ano pang kagagahan ang masabi mo. “May iba pa ba akong dapat sabihin Ms. Salvador?”

Pasalamat ka at boss kita, dahil kung hindi tumambling ka na jan sa kinauupuan mo dahil nasapak na kita. “Wala naman po Sir, akala ko lang po gusto nyong mag-sorry dun sa nangyari kanina sa lobby. Yung natapunan nyo ako ng mainit na kape sa likod na naging dahilan para ma-late ako sa unang araw ng trabaho ko na bago na ang boss. Yung naging dahilan kung bakit ako late ngayon at sa kamalas-malasan eh nawalan pa ng ID. Pero Sir, thank you kasi pinulot nyo yung ID ko, maraming maraming salamat Sir.” ANG TAPANG MO NICKY. Kapag ikaw pinatalsik nya sa trabaho mo na parang kulangot, tingnan natin ang tapang mo.

Hanep, ang tapang ko, saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin lahat ng yon? “Veronica, I’m so sorry for what happened at the lobby, I said hindi ko sinasadya diba?” ganon lang yon? Yun na ba yon? “Ok fine, whatever. Wala na po ba kayong kailangan Sir o kaya naman po sasabihin?” Ikaw na Nicky, ikaw na ang matapang. Imagine, yung bagong CEO ng ACC ginaganyan mo lang, samantalang nung si Mr. San Pedro ang boss mo na mabait hindi ka maka-ganyan. Tapos bago pa yang boss mo at hindi mo pa kilala, kung makapag-matapang ka naman jan ang wagas.

“I really want to make it up to you Miss Veronica, I don’t really mean to spil my coffee at your back. Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin para hindi ka na magalit sa akin. You know what, it’s hard to work in a company na hindi mo kasundo lahat ng ka-trabaho mo and I know you knew it too. So please, let me do things to make it up to you.” WOW, bravo! Ang haba ng lines nya ngayon ha, infairness naman kay Sir, convincing ang drama na gusto nya talagang makipag-ayos. Ok fine, madali naman akong kausap eh. “Alam mo kasi Sir, madali naman akong magpatawad eh. Ang gusto ko lang naman po kasing marinig sa inyo eh yung sincere na SORRY, yun lang Sir, ok na ang lahat. Kaya lang kasi Sir, yung sorry na sinabi nyo kanina sa lobby eh parang lumabas lang sa butas ng ilong ninyo. Tapos yung pangalawa sa huling sorry na sinabi nyo eh, parang ganun lang din.” Ang tapang mo talaga ngayon Nicky, ilang tasa ba ng kape ang tinira mo kaninang umaga? “So, ano nga ang dapat kong gawin para hindi ka na magalit jan at hindi ko na ulit marinig sa bibig mo ang napaka-wagas mong holy sh*t?”

Grabe naman tong si Sir Nathan, kasalanan naman nya kung bakit nakapagsabi ako ng wagas na salita diba?! “Sir ganyan ba kayo kabait sa lahat ng nilalang sa mundo? First time nyo lang pong humawak ng isang business no.”

“Yeah, ngayon lang ako humawak ng isang malaking kumpanya. And hindi ako mabait sa lahat ng tao sa mundo, sa mga taong alam kong mabait lang din ako mabait. Bakit mo naman naitanong?” Hala ka, kaya pala ganitong kabait ang bago naming amo. First major job nya, tapos CEO pa. “Alam mo kasi Sir Nathan, hindi bagay ang ganyang attitude sa pwesto na meron kayo. There are chances na samantalahin ng ibang tao ang kabaitan ninyo. I’m not saying na ganun ako pero, come to think of it Sir. Hindi lahat ng tao na mabait sayo eh talagang mabait sayo, sa katungkulan na meron kayo hindi kayo dapat basta-basta nagtitiwala. Malay mo naman diba, style lang nila yun para mapalapit sa inyo at mahanapan kayo ng butas para mapatalsik kayo dito as CEO. Anyaway Sir, kalimutan na lang po natin yung nangyari kanina sa lobby. And sorry din po sa napaka-wagas na pagkakasabi ko ng alam mo na yun.”

Bakit ba ang daldal ko? Ang dami ng sinabi ko eh, kakapiraso lang ng yung sinabi nya. Hay, Veronica Salvador umayos ka, nakakahiya ka. “What do you mean by those words?” kita mo na yang ginawa mong kagagahan. “Naku Sir, wala lang po iyon, sadyang madaldal lang po ako.”

“Anyway, sasama na ako pabalik sa iyo sa Accounting Department.” Ano daw? Sasabay sya sa akin pabalik sa office? Baket? “Po?” Feeling mo naman Nicky ihahatid ka nya. Hindi kaya, for sure may kakausapin lang sya doon, malamang ang masungit na si Mrs. Hilario. Lagot ka, isusumbong ka ng gwapong lalaki na yan sa Dep’t Head nyo. “I said sasabay na ako sayo dahil gusto kong maka-usap ang head ng dep’t nyo. May problema ba?”

Patay tayo jan, mukang isusumbong nga nya ako sa dragon na si Mrs. Hilario. “Sir, kalimutan nyo na lang po yung nangyare. Promise Sir hindi na po mauulit, hindi nyo na po ako maririnig na magsalita ng “alam mo na yun” word. Saka promise Sir, hindi na ako magiging madaldal. Sir, wag nyo lang po akong isusumbong sa Dragonesa na si Mrs. Hilario, ay Sir, Mrs. Hilario lang po pala.” Nicky naman kasi, ang daldal mo, ang sama pa ng tabas ng dila kung minsan. Manahimik ka na lang kasi kung ayaw mong mawalan ng trabaho.