Monday, November 28, 2011



CHAPTER 2

A cup of Hot Coffee and A Hell of A Hot Lady

NATHAN RUSSELL

I’m heading to the elevator while drinking my hot coffee, hindi ko napansin na may babae pala sa harap ng elevator na kabubukas lang. D*mn, natapunan ko yung babae ng mainit na kape. Geez, what a first day as a CEO.

“Holy sh*t! Ouch! Ouch! Ouch! D*mn!” Hala ka, grabe kung maka-holy shit ang babaeng toh ah, hindi ba nya ako kilala? “Look what have you done! Paano pa ako papasok nito? Tsssss…” sabi nya habang tinatanggal nya yung coat nya. Wow, ang sexy!

Hindi ko naman ginusto na matapunan sya ng kape ko. Hindi naman sa nanghihinayang ako sa kape, mas nanghihinayang ako kasi mukang mamahalin yung coat na gamit nya. Pero thankful pa rin ako at natapunan ko sya ng kape, kasi kung hindi, hindi ko makikita ang sexy nyang balikat at likod. Kailan ka pa natutong magpantasya sa isang babae? Bago yan huh! Ano kaya ang trabaho nya dito? “I’m so sorry Miss, hindi ko sinasadya. Bigla ka na lang kasing sumulpot jan eh.” Oops, mukang mali yung nasabi ko,it’s just a slip of tounge. Sorry!

This is what she is wearing when I accidentally bumped her and spill my coffee at her back.


VERONICA SALVADOR

“Ano kamo Mister? So, kasalanan ko pa ngayon kung bakit ako natapunan nyang kape mo?” Bwisit na lalake na to ah, ako na nga tong natapunan gusto pang palabasin na ako ang may kasalanan, eh kung palabasin ko kaya ang dugo nya sa mata nya? “I’m sorry Miss, that’s not what I mean.”

Haaay, naku naman! Kapag inabutan ka nga naman ng kamalasan, kung kailan naman first day ng bagong CEO saka pa nangyari to. Haaay, malas, malas, malas. “Sorry talaga Miss, hindi ko talaga sinasadya. I can make it up to you promise. But I have to leave now, I have a meeting with the Vice-Presidents. I’m so sorry again.”

BWISIT! Kapag ako natanggal sa trabaho humanda ka talaga sa akin. Grrr…” Kung kailan naman nagmaganda ako saka naman nangyare lahat ng to. Hay, nakaka-asar talaga! Paano pa ako makaka-pasok nito eh ang lagkit-lagkit na ng likod ko, bwisit talagang lalake yun, sino kaya yung hinayupak na yun? Wala na yata akong choice kundi ang umuwi na lang, My God bakit po ba to nangyayare?

Sino ba tong tawag ng tawag na to? “Hello!” Si Gabby pala, ang magaling kong kaibigan na si Gabby. Ano na naman kaya ang problema nitong lalake na to? “Kung maka-sigaw ka naman napaka-wagas. Anong nangyare?” ang galing talaga ng kaibigan ko na to, alam kung kailan ako badtrip. Sigawan ko ba naman eh.

“Gabby, diba malapit lang ang unit mo dito sa ACC Bldg? May mga damit ba jan si Janice na pwedeng ipampasok sa trabaho?” Sa unit na lang ako ni Gabby pupunta para hindi na hassle, sana lang may damit si Janice sa bahay ng gunggong na yun. “Wait, I’ll take a look on my closet.”

Jesus, sana naman po meron. Mahal ko pa pong trabaho ko, ayoko pa pong masisante. “Hello Nicky, meron syang naiwan na damit dito but I’m not sure if you’ll like it. Ano ba kasing nangyare? Don’t tell me nakalimutan mong magdamit pagpunta mo jan.” May saltik talaga tong si Gabby. “Tangna ka Gabby, baka gusto mong sayo ko ibuhos yung init ng ulo ko na mas mainit pa sa kape na natambak na isang lecheng lalake kanina sa likod ko.”

“Sinong sira-ulong lalake ang gumawa nyan sayo? Naghahanap siguro sya ng sakit ng katawan at gusto rin siguro nyang makarinig ng mas malutong pa sa chicaron na mga mura mo.” Hahaha, gagong-gago talaga tong si Gabby. “Hahaha, gago ka Gab, sige na, ihanda mo na yung shower saka ilabas mo na rin sa closet yung mga damit na sinasabi mo. Ako ng bahalang tumawag kay Janice.”

Oo nga pala, bakit nga pala tumawag ang lalakeng to? Hindi kaya nag-away na naman sila ni Janice? “Oi Gab sandali, bakit ka nga pala tumawag? May problema na naman ba kayo ni Janice?” tanong ko sa kanya habang papunta na sa kotse ko. “May bago pa ba dun? Lagi naman kaming nag-aayaw ng babaeng yun eh. Kung hindi ko lang mahal yun, pinabayaan ko na syang galit sa akin eh. Kaya lang Nick alam mo naman kung gano ko kamahal ang isang yon. Tulungan mo naman ako oh.”

Sabi na nga ba eh, tama sya, ano pa nga bang bago dun, lagi naman silang nag-aaway. Lagi naman silang may tampuhan. Hay, kailan kaya hindi mag-aaway ang dalawang iyon? “Sige, sige akong bahala. Tatawagan ko na rin sya para sabihin na pupunta ako sa unit mo at aayain ko na rin syang lumabas mamayang gabi after work.” Kaya ayoko ng may lovelife eh, sakit lang ng ulo. Sa mga problema pa lang sa lovelife ng mga kaibigan ko, ang sakit na sa bumbunan pano pa kapag ako na ang namoblema, baka biyakin ko na lang ang ulo ko.

Nakaka-bwisit talaga! Ang ganda na ng simula ng araw ko dahil tumawag si Mama at sinabi na may ipapakilala sa kanila si Ate tapos, sinira lang ng lalaking yun ang lahat.

NATHAN RUSSELL

Ok, this is it! “Good morning Sir. This way please” si Ms. Alarcon yun, she lead me kung saan ako dapat maupo. And then next thing she did is pinakilala nya sa akin lahat ng Vice-Presidents ng company from its all branches, mga anim siguro lahat ng Vice-Presidents.

“Good morning everyone, have a seat.” Naks, mukang kagalang-galang. “Anyway, I’m Nathan Russell and I’ll be the new CEO of this company. In behalf of my Dad, we are expecting that we can all make this company a better one. We’ve been in some news that stating ACC is not a good company, let’s all prove them wrong. We also know that this is just a tactic of our opponents, they are making steps to bring us down, but we will not let them win. Right? Alam ko din na hindi ganong kabuo ang tiwala nyo sa akin since this is also the first time that I’ll be holding a company as big as this. But I all assure you that I’ll do everything and anything to win your trust that I can really manage this Amethyst Construction Company.”

Nag level-up na talaga ako, English speaking na ako. Hahaha. “Are there questions and opinions you want to raise? It’ll be fine with me.” Ui, nagtaas ng kamay si Mr. Fuentes may gusto syang sabihin. Mr. Fuentes is not happy with what happened to the company, most specially ng malaman nya na ako ang hahawak ng company at hindi ang Daddy ko. “Yes Mr. Fuentes.”

“How can you be sure that you can make this Company a better one? And how can you say that our competitors are the one who did the issue about our company? To think na kailan ka lang dumating from the States.” Totoo pala yung sinabi ni Daddy na isa si Mr. Fuentes sa pwede kong maging kalaban dito.

Hinding-hindi sya mananalo sa akin, kahit sabihin nya na tumanda na sya sa business na ‘to, at ako eh ngayon pa lang nagsisimula. I won’t give him happiness as easy as that. Anong tingin nya sa akin, kapag tinanong nya ako ng ganon, hindi na ako gagalaw sa kinatatayuan ko at mauutal sa pagsagot sa kanya, huh! NO WAY! “Well Mr. Fuentes, I trust myself enough to say all that. I know I can make this company a well-known and trustworthy Construction Company in the whole nation. On your second question, I don’t think na isa sa inyo ang maglalabas ng issue na maaaring makasira sa kumpanya na pinahahalagahan nyong lahat. Wala naman sigurong stupid employee ang ACC to do such thing, ang siraan ang kanyang employer. Kung meron man, tyak na nabayaran sya ng malaking halaga ng kalaban nating kumpanya. I know all the issues here simply because may Internet naman so I’m always updated. Anymore question or reaction?”

“Don’t worry Mr. Russell we will help you to make this company a trustworthy and well-known Construction company in the Philippines.” Buti pa tong si Mr. Mendoza, encouraging words ang ibinibigay. “We’ll also help to do that sir.” Si Mr. Sy and Mr. Chan yun.

Adik ba tong mga toh? Trabaho nila yun, so malamang dapat nilang gawin yon. “If you don’t have any question for now, this meeting is adjourned. Anyway, my office is open for all your questions; don’t hesitate to call Ms. Alarcon. Good day everyone.”

Salamat naman at tapos na ang meeting ko sa mga pesteng matatanda na yun. Ano na kaya ang nangyare dun sa babae kanina sa elevator, saang department kaya sya? Teka, napulot ko nga pala yung ID nya kanina. “Mr. Russell, here’s your schedule for today. At one in the afternoon, you’ll meet Mr. Howard of Hand Steel Corp., our supplier of steels. After your meeting with Mr. Howard, your next schedule is at three in the afternoon with Mr. Roxas, our cement supplier. And after that, you don’t have any appointment Sir.”

“Ok Ms. Alarcon, I’ll call you if I have questions” Ngayon ko lang naalala, nasa akin nga pala ang ID nung babae na wagas kung maka-holy shit. “Ok Sir.”



Thursday, November 17, 2011

MALAPIT NA NAMAN ANG DECEMBER... MAY CHRISTMAS BONUS AT 13TH MONTH PAY NA NAMAN!!!!!


If you kiss her,
you are not a gentleman
If you don't,
you are not a man

If you praise her,
she thinks you are lying
If you don't,
you are good for nothing

if you agree to all her likes,
you are a wimp
If you don't,
you are not understanding

If you visit her often,
she thinks you are boring
If you don't,
she accuses you of double-crossing

If you are well dressed,
she says you are a playboy
If you don't,
you are a dull boy

If you are jealous,
she says it's bad
If you don't,
she thinks you do not love her

If you attempt a romance,
she says you didn't respect her
If you don't,
she thinks you do not like her

If you are a minute late,
she complains it's hard to wait
If she is late,
she says that's a girl's way

If you visit another man,
you're not putting in "quality time"
If she is visited by another woman,
"oh it's natural, we are girls"

If you kiss her once in a while,
she professes you are cold
If you kiss her often,
she yells that you are taking advantage

If you fail to help her in crossing the street,
you lack ethics
If you do,
she thinks it's just one of men's tactics for seduction

If you stare at another woman,
she accuses you of flirting
If she is stared by other men,
she says that they are just admiring

If she talks,
she wants you to listen.
If you listen,
she wants you to talk.
So simple, yet so complex.
So weak, but so powerful.
So confusing, yet so desirable
So damning, yet so wonderful.


...WOMEN!

I FINALLY FOUND THE ONE


CHAPTER 1

Meet the Bitter and the Better

VERONICA SALVADOR

Good morning! Hay, Monday na naman so it means another week na puro papel at numbers na naman ang makikita ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako, gusto ko naman ang trabaho ko, its just that nakakasawa na rin kung minsan. Anong oras na ba? Baka mamaya ma-late pa ako, ngayon pa naman ang first day nung Mr. Russell as CEO ng company. Maaga pa naman pala so hindi ko kailangan madaliin ang sarili ko. Biglang nag-ring ang telephone ko sa kwarto so napilitan na akong bumangon mula sa mala-ulap kong kama.

“Hello! Who’s this?” sagot ko sa tumawag sa akin. Si Mama pala yung tumatawag. “Kamusta ka jan anak? Nagka-usap na ba kayo ng Ate mo?” kaya mahal na mahal ko yang si Mama eh, hindi pwedeng hindi sya tatawag sa loob ng isang araw. “Ok lang po ako Ma, kakagising ko lang. Si Ate po ba? Hindi ko pa po sya nakaka-usap eh. Bakit po, may nangyari po ba?” Oo nga pala, ngayon ko lang naalala, isang linggo na pala syang hindi tumatawag sa akin. Ano na kayang nangyari sa luka-luka kong kapatid na yun?

“Wala naman anak, tumawag kasi sya kanina at sinabi nya na uuwi sya dito sa Spain.” Si Ate, uuwi sa Spain, baket? “Uuwi jan si Ate? Bakit daw po?” Sa pagkaka-alam ko kasi, ayaw ni Ate sa Spain tapos doon sya ngayon uuwi. Teka, ilang araw sya doon? Kailan sya uuwi dun? “Ma, kalian sya uuwi jan?”

“Wala naman syang nabanggit kung kalian, pero ang sabi nya may ipapakilala daw sya sa amin.” Wow, bago yun ah, si Ate may ipapakilala kila Mama. “Lalake Ma? Naks, may jowa na si Ate. Baka Ma direcho pamanhikan na yan. Sayang naman at wala ako para ma-witness yang pamamanhikan ng Kuya kong hilaw. Hahaha.”

Natawa si Mama sa sinabi ko, kasi naman si Ate na yata ang Reyna ng masusungit, tapos ngayon may ipapakilala kila Mama at Papa, apaka intriguing. “Sana nga Nicky at ng magkaron na kami ng apo ng Papa mo.” Exciting, kapag nag-asawa na si Ate, magkaka-anak na sila at magiging Tita na ako. “Ikaw ba, may boyfriend ka na ba jan?”

Sus naman tong si Mama kung magtanong, parang magkasing-edad lang kami ni Ate ah. “Mama, ang bata ko pa masyado para sa ganyan, 23 lang po ako. Hhindi pa naman ako napag-iiwanan. Saka Ma, wala po akong panahon sa ganyan ngayon.” Masyado akong busy sa trabaho at mga kaibigan ko. Pero sa totoo lang, natatakot akong ma-inlove dahil sa nakikita ko sa mga kaibigan ko eh, parang ang sakit lang sa ulo. Imagine, magkasundo ngayon tapos maya-maya lang magkagalit na. “Sige na po Ma, tatawagan ko na lang po kayo mamaya, baka po ma-late pa ako eh, first day daw po nung bago naming CEO.”

“Oh sige Nicky, mag-iingat ka jan ha.” Napaka-caring talaga ni Mama, kahit nasa malayo sya, parang nasa tabi ko lang sya.

NATHAN RUSSELL

This is it! This is the day; this is my first day as the CEO of Amethyst Construction Company. Well, I hope this will be a good and productive day, I want to give a nice impression to everyone.

“Mang Carding sa ACC po tayo.” Mejo late na akong nagising so hindi na ako naka-kain ng breakfast, kahit nga ang uminom ng coffee hindi ko na nagawa. “Ah, daan po muna pala tayo sa Starbucks.” First day ko as CEO tapos darating ako sa office na hindi pa man lang nakakapag-kape. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tauhan ko?

“Yes, hello?” Si Ms. Alarcon pala yung tumawag, she’ll be my personal secretary. Sana lang she can reach my expectation. Pero balita ko naman wala namang naging reklamo ang dati nitong amo na si Mr. San Pedro sa kanya towards her work. “Sir, you’ll meet all the Vice-Presidents of the company at exactly nine thirty in the morning at the conference room. The conference room is located at the 15th floor of the building.”

Ano kayang itchura na secretary ko? Miss pa sya so it means wala pa syang asawa, tatagal kaya sya sa akin? “Ok, is that all?”

“I’ll tell your schedule for the whole day Sir after your meeting with the Vice-Presidents. Gusto nyo po ba na puntuhan ko kayo sa entrance ng building?”

Ano naman ang akala nga sa akin, hindi alam kung saan makikita ang 15th floor? “No Ms. Alarcon, I can manage I’ll just call you once I can’t find the conference room. Bye.”

Kakatapos lang ng pag-uusap namin ni Ms. Alarcon sa phone eh, heto at may tumatawag na naman sa akin. Ang magaling kong kapatid na si Natasha. “Hello Tasha, wazzup?” I call her Tasha just to tease her, for sure her nose crumpled like a paper after I call her that way.

“Oh come on Kuya, wag mo nga akong matawag-tawag na Tasha, ang pangit eh.” Nag-inarte pa ang kapatid ko, pasalamat sya at maganda sya, mana sa kuya eh. Hahaha. “Oh, bakit napatawag ka, may problema ba?”

Natasha my sister is a ramp model and she really excels into it. Madaming manliligaw ang kapatid ko na yan but, she’s still single. Just like me, she doesn’t like commitments right now, maybe when the right time comes. “Wala naman kuya, I just wanna ask how you are doing. Diba first day mo as CEO ng Amethyst Construction Company, so how was it?” Nakuha pa akong tanungin eh dapat sya na lang ang nandito at hindi ako. “I’m on my way to the office and hopefully, maging maganda ang first day ko. Pero mukang hindi na kasi inunahan mo agad eh. Hahaha.”

“Oh come on kuya, don’t say that. If ever that your first day as CEO will be one of the biggest EPIC FAIL in this world, it’ll be your entire fault and not mine. Wala akong kinalaman sa mga gagawin mo jan no.” Epic fail pala huh, we’ll see. “Sige na, I need to hung up for now, I’ll buy my coffee first.” We just arrived at the nearest Starbucks at the office. “You know what kuya, ngayon pa lang isa ka ng Epic Fail. Imagine, first day mo as CEO tapos hindi mo man lang nakuha na mag-breakfast sa bahay. For sure inumaga ka na naman sa bar dahil sa panloloko mo sa mga babae.”

Sermonan ba ako ng magaling kong kapatid na nagmana lang din naman sa akin. “Natasha Russell, pareho lang tayo kaya wag mo akong pagsabihan ng ganyan dahil isa ka ring katulad ko. And FYI sis, hindi ko sila niloloko, I put all my cards down but still, gusto pa rin nila.” Alam naman ng mga babae na nakakasama ko for a very short period of time that I do hate commitments and a demanding girls. “Alam mo kuya, feeling ko nasa ACC ang karma mo. Jan mo makikita at makikilala ang babae na makakapagpabago sayo. Nathan Russell, from a certified playboy to ONE WOMAN MAN. Ang ganda kuya, ang ganda ng karma mo. Hahaha. Bye. I know you’ll thank me because I made your day so, you’re very much welcome. Hahaha.”

Karma? I don’t believe in karma. Sira-ulo talaga ang kapatid kong yon, daig pa naman nun ang mangkukulam. Once na may sinabi sya, mangyayari talaga. Damn that Tasha, she really knows how to piss me off.

Tuesday, November 15, 2011

I Finally Found The One

INTRODUCTION



I’m Veronica Salvador and I just turn 23 last week, and at my age right now, alam kong maraming magbabago sa buhay ko. Anyway, you can call me Nicky for short, tama yan, panglalaki nga ang nickname ko. Noong bata pa daw kasi ako, para daw akong lalake kung kumilos pati daw mga kalaro ko puro lalake. Pero hanggang ngayon naman, mostly lalake pa rin ang mga kaibigan ko pero meron din naman na mga girls; yung mga girlfriends nung mga kaibigan kong lalake. At first parang nagseselos pa sa akin yung mga girlfriends nila, but I explain to them naman that hindi kami talo ng mga kaibigan ko, and I also assure them that they had nothing to worry about. So ayun, magkakasundo na kami, kaya nga kapag may tampuhan sila, ako yung nagiging tulay nila para magkabati eh. I just want to clear things, hindi ako lesbian and hindi kapwa babae ang hanap ko. Lalake pa rin naman ang type ko, its just that, wala pa akong nakikilala o hindi ko pa nakikita ang lalakeng para sa akin.

My parents decided to retire at the age of fifty since pareho naman silang may ipon and wala na rin naman silang pinag-aaral. Ang Ate ko isang Engineer and she still supports our Mom and Dad and also me. Nasa Spain na ngayon ang parents namin ng Ate ko, si Ate? Nasa Dubai sya ngayon until next year dahil meron syang international project. Wala pa ring asawa ang Ate ko kasi nga, ang busy nyang babae. Pero sana naman may makilala na sya na lalake na magpapatibok ng pihikan nyang puso, 26 na kasi next month ang Ate ko, she’s not getting any younger diba. Dalawa lang kami ng Ate ko so talagang close kami, except pagdating sa make-up. Ang Ate ko kasing si Venus eh talaga namang mahilig sa make-up. Nung nagsabog yata ang Dyos ng katangian na mahilig sa make-up eh sinalo nya yata ang 3/4 nun. At bilang nakababata nyang kapatid, ako ang ginagawa nyang model. Sabi ko nga sa kanya before bakit hindi Cosmetology ang kinuha nyang course eh, mahilig sya sa make-up. First love daw nya talaga ang numbers so Engineering ang kinuha nyang course. She also love dress-up games, and again bilang younger sister nya eh, ako ang nakita nyang gawin na mannequin.

I work sa isang Construction Company as Junior Accountant. Well, ok naman ang trabaho ko, ok naman ang kita, ok din ang mga kasama ko sa trabaho. It looks like everything seems to be okay but, I know there is something wrong or maybe something or someone is missing in me. And I can’t explain what the hell that is. Mabait ang boss namin so talagang ang swerte namin ng mga kasamahan ko. Pero merong balita na papalitan na daw yung current CEO ng Company so syempre, bilang nasanay sa maganda at mabait na pamamalakad ni Mr. San Pedro sa Company parang natakot kami ng marinig namin ang balita na yun. Hindi na raw kasi si Mr. San Pedro ang major stock holder ng Company so, hindi na sya dapat ang nagma-manage nito. I heard isang Nathan Russell ang bagong mamamahala ng Construction firm. Anong klaseng tao kaya sya? Anong klaseng boss kaya sya, mabait kaya kagaya ni Mr. San Pedro o kabaligtaran? Bata pa yung Nathan Russell na yun o matanda na? Wala naman akong pakelam kung bata pa ba yun o matanda na, hindi naman ako ang secretary nya, saka hindi rin naman namin sya makakasama, so why make it a big deal kung bata sya o thunders na diba?!

Ang lovelife ko? Wala, as in ZERO, ITLOG!!! Hindi naman ako mapili, hindi ko pa nga lang sya nakikita. Hindi kaya ang bagong CEO ng company ang lalake na para sa akin? Hay, ano ba naman tong naiisip ko, hindi pa naman ako desperada, hindi ko pa nga sya nakikita, ganon agad ang naiisip ko. Pero sana naman mabait sya diba!

________________________________


I’m Nathan Russell, 26 years of age and at that age; my Dad gave me a heavy duty on my shoulder. I need to manage the Amethyst Construction Company; I’ll be the CEO of that company, what a big responsibility huh. Anyway, I don’t wanna talk about that, lets talk about my friends. Gino is my bestfriend and he knows almost everything about me, even about my past relationships. He’s always there to help me out to all of those girls na talaga namang ang kukulit. Hindi naman sa pagmamayabang eh, biniyayaan ako ng ka-gwapuhan at ng magandang katawan so hindi nakakapag-taka na habulin ako ng babae. Never pa akong naging seryoso sa isang babae, masyado pa akong bata para pumasok sa isang serious relationship. Wala pa rin sa vocabulary ko ang salitang COMMITMENT, allergic ako sa word na yan. Except kay Gino meron pa akong ibang mga kaibigan na katulad ko, ayaw ng commitment at ayaw magseryoso.

Ano ba ang gusto ko sa isang babae? Syempre yung mabait, understanding, submissive, caring, maganda, sexy at higit sa lahat eh yung hindi demanding. Sakit na kasi ng babae ang pagiging demanding kapag nasa isang relasyon; ang resulta? Nasasakal ang mga katulad kong lalake na sanay na malaya, so ang tendency is makikipag-hiwalay na lang ang isang katulad ko.

My parents are in U.S. to manage our business there and ako ang ipinatapon nila dito sa Pilipinas to manage the ACC. Dalawa lang kaming magkapatid ni Natasha and katulad ko, wala rin syang hilig sa business dahil ang passion nya talaga ay ang pagiging isang model. Hindi katulad nya na may choice, ako wala akong choice as in wala talaga. So kahit na magwala ako sa bahay namin na never kong gagawin, wala talaga akong choice kundi i-manage and bagong company na si Papa ang major stock holder.

Mabalik naman tayo sa usapang babae, which is my favorite topic. Excited akong pumasok sa ACC dahil ang balita ko, maraming magandang babae dito, at hindi naman ako nabigo. Madami nga pala talagang magandang babae dito at hindi lang basta maganda, sexy at nasa early twenties lang din nila. Feeling ko magiging exciting and masaya ang pag-stay ko sa Pilipinas dahil sa dami ng magagandang babae. But at the first day of my work here at ACC, while I’m on my way to my office and holding a cup of coffee that I bought before I came here, hindi ko napansin ang isang babae na nakatayo sa harap ng elevator na kabubukas lang. What happened next is natapunan ko sya sa likod ng mainit na kape na hawak-hawak ko.