Monday, February 27, 2012

Chapter 19

Nakaka-tanga talaga ang LOVE na yan!!!

VERONICA SALVADOR

“Bakit naman ganyan ang muka mo? Napagalitan ka ba ni Sir?” huuuu… lagi na lang ako ang nakikita nila, hindi naman ako artista! “Wala lang! Mga bru, mami-miss ko kayo!” hindi ko na sasabihin sa kanila yung plano ko na mag-resign, for sure pipigilan lang nila ako! “Ano ka ba naman Nicky, pra isang Linggo ka lang naman mawawala!” sorry Maan, next week ko na sasabihin sayo kapag nasa Spain na ako, para naman hindi mo ako sermonan! “Hoy Nicky, pasalubong namin ha! Kahit lalake lang, ok na!” eto talagang si Grace, lagi na lang lalake ang nasa isip. “Sa akin yung pinaka-masarap na pagkain nila don.” Ito naman si Maegan, pagkain. Haaaay!!! Eto ang isang dahilan kung bakit ayokong umalis dito, kaya lang hindi ko na talaga kaya. Ayoko ng makita ang Nathan na yon, baka kasi lalo lang akong mahulog tapos hindi naman pala nya ako sasaluhin. Wala pa sa plano ko ang masaktan!

Oo, tama nga, magsisimula ng mahulog ang loob ko sa kanya. Imagine, sa loob lang ng dalawang araw, minahal ko na sya! GRABE, NAKAKA-TANGA TALAGA ANG LOVE NA YAN! Ayoko naman na dumating pa sa point na hindi ko na sya kayang hindi makita, kaya ngayon pa lang, dapat tinatapos na toh! Kaya etong gagawin ko, alam kong tama. Sa Spain na muna ako, kila Mama na muna ako para naman kahit paano makalimutan ko na agad sya.

“Hoy Veronica, natulala ka na jan, may problema ba? Hindi ka ba pinayagan ni Sir?” hay Maan, kung alam mo lang. “Hindi, anu ka ba! naalala ko lang yung sinabi ni Ate kanina, ikakasal na daw sya next next week!” syempre pa nagulat din sila. “Talaga? Eh bakit parang hindi ka masaya?” syempre masaya ako, masaya talaga ako para sa Ate ko, pero nalulungkot ako dahil bukas, wala na ako dito! “May naalala lang kasi ako, sabi kasi ni Ate, ako ang bridesmaid nya, kaya lang wala pa akong gown, hindi pa ako nasusukatan. Hindi pwedeng pangit ako sa kasal ni Ate, nakaka-hiya!” arrrraaaaay!!! Tama bang batukan nila akong tatlo ng sabay-sabay? Masakit yun ha! “Aray naman, mga walangya kayo! Sandali nga, magpapa-book na nga ako ng ticket papuntang Barcelona!!!” at ayun, bigla silang nag-alisan, pero wala pang 2minuto ay eto na naman sila.

“Nicky, eto ha, paki na lang! Anjan na din yung pambili, if kulang, paluwalan mo na, mayaman ka naman!” gaga talga tong si Maan.

“Eto naman yung sa akin Nicky, konti lang naman yan, saka puro cosmetic products lang yan! Kahit isang LV na bag, ok na sa akin na pasalubong.” Cosmetics lang naman pala, gusto pang sa Spain bilin, parang adik lang tong si Grace.

“Yung sa akin Nick, alam mo na! Basta yung sa tingin mo masarap ha! And, ikamusta mo na rin kami kay Tito at Tita. Kayong dalawa kayo, yung pabili nyo lang yung naalala nyo.” Obviously, si Maegan ang nagsabi nyang mga linya na yan, pagkain eh!

Grabe, mami-miss ko ang mga bruhang toh!!! Kahit si Mam Dragonesa mami-miss ko!!!! “Oi bru, bakit umiiyak ka jan? May problema ka ba??? Ano bang nangyayare sayo? Sinasaniban ka na naman ba ng masamang elemento?” lalo tuloy akong napa-iyak, kaya ayun, pati si Mam Nesa nilapitan na rin ako! “Nicky, ano bang problema, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?” lalo na naman akong napa-iyak, kasi naalala ko si Mama sa kanya. “Mam Lorry, mami-miss din kita! Lahat kayo mami-miss ko!!!” at umatungal na naman po ako ng iyak. “Para kang tanga Veronica, isang linggo ka lang naman naka-leave.” Eto namang si Mam Nesa, panira ng moment, kung alam nyo lang, kung alam nyo lang talaga!

NATHAN RUSSELL

I don’t know why she hated me after what happened this morning. Akala ba nya gusto ko rin yung mga nangyare? Akala ba nya nasiyahan ako na nakita nya ang lahat sa akin? PERO NATHAN, MALI PA RIN YUNG SINIGAWAN MO SYA!!! What’s wrong with that? Hindi na nya ginalang ang posisyon ko dito sa kumpanya, ako ang CEO dito at Accountant lang sya, Junior Accountant lang sya to be exact! Pinag-iinit nya ang ulo ko, damn!

“Belle, paki-connect ako sa Accounting department.” Hindi ko sya papayagan na mag-leave. “Ok Sir.” So namemersonal ka Nathan, ganun ba yon? “Can I speak to Ms. Salvador?” tapos ngayon gusto mo syang maka-usap, wari ka pa jan Nathan eh, gusto mo lang marinig yung boses nya. “One moment Sir.”

After less that a minute, si Nicky na ang nasa line. “This is Nicky speaking.” Bakit parang bagong iyak yung boses nya? “Please come to my office now.” And I put the phone down on its cradle. Shocks!!! Bakit ba nagkaka-ganito ako? After a couple of minutes, she arrives.

“Sir may kailangan po ba kayo?” bakit namumula ang mata nya? Umiyak ba sya? Oh men!!! umiyak sya dahil nasigawan ko sya! “Please be seated Ms. Salvador.” At umupo naman sya. “I’m sorry…” yun pa lang ang nasasabi ko pero nagsalita na agad sya. “No Sir, I am sorry, it’s my fault, and it’s really my fault. Sorry po if naging masyadong feeling close ako sa inyo, but don’t worry Sir, that will never, ever happen again.” Kita mo na, sorry lang sinabi ko pero sya, ang haba. “Ok, let me finish first. I’m sorry because I can’t give the one week leave that you want. There’ll be lots of paper works that you need to finished first.” She still remains silent… “It’s okay Sir. Is that would be all Sir? Wala na po ba kayong ibang sasabihin or kailangan?” shit! Why she became like this? Bakit masyado na syang pormal? “Can I ask you something?” bigla ulit syang lumingon after what I said. “Ano po yon Sir?” Sir, sir, sir… bakit Sir? DIBA NATHAN IKAW NAMAN ANG MAY KAGAGAWAN NYAN?! “Umiyak ka ba? Bakit ka umiyak, may problema ba? May nangyari ba?” tinitigan nya muna ako ng ilang minuto, at sa mga sandali na yon, parang iiyak na naman sya. “Wala po Sir, may naalala lang po ako. Wala na po ba kayong ibang tanong?” why it has to be this way? Bakit ganito, bakit parang ibang Nicky Salvador na ang nasa harapan ko? “Sir Nathan, thank you po!” after she said that, umalis na rin sya agad.

“Hello?” good timing ang pagtawag ni Natasha. “Hey Kuya, kailan ang bakasyon mo?” as if naman na pwede akong magbakasyon diba? “I’ll be in Spain next week, why?” kinakabahan ako sa mga ganitong tanong ni Natasha, balak pa yatang sumabit. “Can I come with you? Bakasyon kasi ako this month.” Sabi na nga ba eh. “Ikaw ang bahala! Kamusta ka naman?” kahit naman kasi sabihin ko sa kanya na hindi pwede, ipipilit pa rin nya ang gusto nya, kaya mas ok pa na BAHALA na lang ang isagot sa kanya. “Okay naman dito kuya, tahimik kasi wala ka. Ikaw, kamusta naman kayo ni Miss Karma mo?” pano ko ba sasabihin sa kanya toh? “Ahm… we’re not ok at this moment.” She frowned. “God, what did you do?” bakit kapag si Nicky ang pinag-uusapan namin, parang lagi na lang na ako nag mali? “Pinagalitan ko lang naman sya, sinusungitan nya kasi ako dito. Ipinaalala ko lang naman sa kanya na ako pa rin ang CEO ng kumpanya na pinapasukan nya.”

Ilang minuto na hindi nagsalita si Natasha, tanda na naiinis sya sa akin. Tama lang naman yung ginawa ko diba? “Tell me, ano bang topic nyo kanina nung nag-uusap kayo?” ano nga ba? oh sheet!!! Our topic has nothing to do with this business, it’s a personal matter. “It’s a personal matter, I asked her kung bakit sya magli-leave, and she told me na pupunta sya ng Spain to visit her family there.” Kung katabi ko lang si Natasha ngayon, sigurado ako na nabatukan na ako ng babae na yon. “See… it’s a personal matter naman pala between the two of you, pero nagawa mo syang sigawan. I know, I know you’re the one who asked her to come in your office to talk about something. And that something is about what happen this morning!”

Friday, February 24, 2012

Chapter 18

Parang meant to be talaga!!!

NATHAN RUSSELL

Nakita ko si Nicky at yung mga kaibigan nyang accountants sa cafeteria kaya naman pinuntahan ko sila. “Good afternoon Sir” si Grace na lang lagi ang unang nakakakita sa akin tuwing lalapit ako sa kanila. EH SINO BA GUSTO MONG UNANG BUMATI SAYO? SI NICKY? YUNG BABAE NA NAKITA NA SAYO ANG LAHAT-LAHAT? “Sir Nathan, sabay napo kayong kumain sa amin. Don’t worry Sir, ikaw naman ang ililibre namin.” Ano naman ang problema nitong babae na to at ang tahimik, naka-tulog naman sya ng maayos sa bahay ko, sa kwarto ko to be exact. “Upo po kayo Sir. Hoy Nicky, wag ka ngang mag-ala Ninoy Aquino jan. Naka-harap ka sa pagkain ganyan ang itchura mo.” Ayan kasi, ayaw umayos. Bakit ba kasi aliw na aliw ang pakiramdam ko kapag nakikita ko sya?

“May problema ba Ms. Salvador?” tiningnan lang nya ako saglit at saka sumagot ng “Wala po Sir Nathan.” Anong problema nito, bakit biglang binilisan ang pagkain? Nagtanong lang naman ako kung may problema ba sya eh. “Hoy, bakit nagmamadali ka naman ngayong kumain?” nilunon muna ni Nicky ang laman ng bibig nya at saka nagsalita. “Maan-tot… alam naman nating pareho kung baket.” Eh bakit nga ba kasi? “Pwede ba.?! Oo na, gagawa ka ng payroll ng Nature ngayong lunch break mo. Baka naman mamaya Veronica eh magkasakit ka nyan? Gabi-gabi ka na namang nagpupuyat.” Sige Maan, pagalitan mo yang babae na yan. Kung ako lang ang boyfriend nya, hindi ko hahayaan na pabayaan nya ang sarili nya. “Inay, tuwing payroll lang naman ako na ha-Hagardo Verzosa. Atchaka hindi ako gabi-gabing nagpupunta sa bar, every other night lang.” tama naman sya don, sabi nga ni Arvin hindi laging nagpupunta si Nicky sa bar. “Naka-punta na ba kayo sa bar ni Nicky?” ayain ko nga sila minsan, mukang masaya silang kasamang gumimik. “Yes Sir! Hindi nga po makaka-ila na si Nicky ang nagpapa-takbo nun ee.” Sa sagot ni Grace na yon, tiningnan ng masama ni Nicky ang kabigan nya. “Kaka-iba po yung Natures Bar na yan, parang yung may-ari lang!” tama ka jan Maegan. Ginawa rin kaya nila yung ginawa namin ni Gino nung unang punta nila doon? “Yeah! That bar is so awesome, I really enjoy every minute of my statying there. If naka-rating na kayo doon, eh di kumanta rin kayo?”

“Mauna na ako sa inyo mga bru! Alam nyo na!” teka lang, gusto ko syang maka-usap. NATHAN, WAG NA NGAYON DAHIL BUSY NGA SYA DIBA.?! “Ms. Salvador, please come to my office at exactly three in the afternoon.” Para-paraan lang yan. “Malamang sir afternoon, wala naman na kayo sa office nyo ng three ng madaling araw.” Pilosopong babae! “Ano kayang nangyari sa babae na yan kagabi at ang lakas ng toyo ngayon?” ano nga bang nangyari kagabe? “Hay nako Maegan, wala ng bago sa lakas ng toyo at topak nyang babae na yan, hindi na kayo nasanay.” Muka ngang wala sa mood si Nicky, ipa-cancel ko na lang kaya yung meeting naming dalawa mamayang three? “Grace, hoy mga babae tara na at kukulitin ko pa si Nicky dun sa lalake nya.” Teka, nasa bar lang naman sya kagabi ah, at ako lang yung kasama nya buong magdamag. Sino yung lalake na yon? “Sir, mauna na po kami. Masamang naiiwang walang bantay si Nicky kapag ganyang may topak.” Gusto ko sanang tanungin si Maan kung bakit kaya lang lumakad na sila palayo. “Ano nga kaya yung nakita ni Nicky at hindi mapakali ang kaluluwa nya?” SHEEEET!!! AKALA KO BA MAY SAKIT SYANG KALIMOT? Kailangan ko talagang ituloy yung pakikipag-usap ko sa kanya mamayang hapon.

VERONICA SALVADOR

Nakaka-bwisit na nilalang na yon, may nalalaman pang meet me at my office. Ayoko na nga syang makita tapos may ganon pa, mag-uusap pa kami ng KAMING DALAWA LANG! Pakshet na yan! Mag-resign na lang kaya ako? SUS NAMAN VERONICA, KAILAN KA PA NATUTONG SUMUKO NA LANG? MAHAL MO ANG TRABAHO MO DIBA?! Eh kasi naman, bakit ba kasi kailangan pa naming mag-meeting, what I mean is, bakit ngayon pa, bakit ngayong may nangyare na hindi maganda. HINDI KA BA NAGANDAHAN SA NAKITA MO VERONICA? Nakakatakot kaya yung nakita ko, my gosssshhhhh… paker na buhay toh… I think kailangan kong mag-bakasyon… OO! TAMA! MAGBABAKASYON NA LANG AKO SA SPAIN

“Mam Lory, mag fi-file po ako ng ONE MONTH LEAVE. Pwede po ba?” Nicky, one month? Seryoso ka? “Let me see… wala namang nag-file ng ibang leave, sige. Kailan mo ba balak mag-leave?” hay salamat! Pa-kiss naman Mam Lory! PWEDE PO BANG ASAP? “Next week po sana Mam, uuwi po kasi ang Ate ko sa Spain, so, I want to surprise them.” Sa mga palusot naman Nicky, parang tunay. “Ok, sabihin mo na lang din kay Mr. Russell.” WHAT??? Kailangan ko pa ba talagang sabihin kay Sir Nathan? Pwede bang wag na lang? “Eh Mam, bakit kailangan pa pong magsabi kay Sir Nathan?” kasi naman ee… “Ano naman ang problema doon Ms. Salvador? Even before, kapag mag magle-leave, nagpapaalam kay Mr. San Pedro.” Malay ko naman diba, ngayon pa lang kaya ako magle-leave. “Ok, po. Sige po Mam, sasabihin ko na lang po kay Sir.” Nakaka-bwisit naman na yan… Ano naman ba kasi ang kinalaman ni Sir Nathan sa pagle-leave ko? ANONG KINALAMAN NI NATHAN??? SIMPLE LANG, NAKALIMUTAN MO NA MAY SAKIT KANG KALIMOT! KAYA NGA HINDI MO MAKALIMUTAN YUNG NAKITA MO EE. “Ahm.. Mam Lory, paano po kapag sinabi ni Sir na hindi ako pwedeng mag-leave?” nakakita ka lang ng ANO na-tanga ka na… “Wala tayong magagawa kapag sinabi nya na hindi pwede.” Anong wala, hindi pwede yon. Kailangan kong pumunta ng Spain sa ayaw at sa gusto nya. Magre-resign ako kapag hindi nya ako pinayagan.

NATHAN RUSSELL

“Ms. Belle, paki-clear naman ang schedules ko starting next week until the following week. I’ll be in Spain on that time.” Ikakasal kasi yung isa sa mga kaibigan ko, and best man ako. I can’t say no. “Ano pong sasabihin ko sa kanila kapag hinanap po nila kayo? Should I tell them the truth or should I say a false reason?” matalino talaga tong secretary ko, hindi ko naisip yon. “I’ll think about it first.” Teka nga, 3pm na ah, bakit wala pa rin dito si Nicky? “Belle, patawag naman sa Accounting Department, then paki-remind si Ms. Veronica Salvador na may meeting kami ngayon. Thanks.” Sinabi ko naman na sa kanya na EXACTLY THREE, tapos wala pa rin sya dito hanggang ngayon… “Ok Sir.”

I’m currently reading papers that need my sign ng biglang bumukas yung pinto ng office ko. Hindi ako sigurado kung kumatok ba ang nag-bukas ng pinto ng office ko. “What the… Hindi ka ba sanay kumatok?” tapos biglang niluwa ng pintuan si Nicky na naka-taas ang kilay. “Sir, I already knocked for four times, pero hindi naman kayo sumasagot, what do you want me to do then?” gezaz!!! Bigyan nyo po ako ng mahabang pasensya sa sutil na babae na toh, malapit ko na syang mahalikan sa inis. WOW NATHAN, NANGHAHALIK KA NA PALA KAPAG NAIINIS KA! “I’m sorry, I didn’t hear that. Please have a seat Ms. Salvador.”

“Tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin Sir?” masyado namang pormal ang isang toh, nakaka-panibago. “It’s about last night and this morning.” Pagkasabi ko nung last night, biglang nalukot yung muka nya, halatang hindi sya interesado. “Sir, wag na nating pag-usapan yung mga nangyare, ibaon na lang natin sa limot. Isipin mo na lang po na wala akong nakita na kahit na ano. At kalimutan nyo din po na sa bahay nyo ako natulog kagabi.” Ganun lang yon? Kakalimutan na lang lahat? Paano kung may nangyare pala sa amin, ganun na lang yon? Wala syang balak na panagutan ako? HALA!!! ANO NA NAMANG KABALIWAN ANG PUMASOK SA UTAK MO NATHAN! IKAW PA TALAGA ANG DAPAT PANAGUTAN HA! IBA KA MEN! IBA KA!!!

Eh ano pang dapat kong sabihin sa kanya, ayaw na pala nya na pag-usapan ang tungkol doon, gusto nya na kalimutan na lang! “Sir, magpa-paalam lang po sana ako, I’ll file a one week leave next week.” Magpa-paalam eh magfi-file na pala sya, she leave me no choice kundi pumayag, bago lalo pang magalit sa akin ang isang toh! “Ok, but can you tell me kung saan ka pupunta?”

VERONICA SALVADOR

Kailangan ko pa ba talagang sabihin? Nakaka-irita na sya ha! “Sa Europe po, I’ll visit my parents there.” At least sinabi ko sa kanya kung saang continent ako pupunta, hulaan na lang nya kung saan sa Europe. “Where in Europe to be exact? Pupunta din kasi ako doon next week.” WHAT??? Oh no, baka mamaya pareho pa kami na sa Spain pupunta, eh sya nga ang isa sa dahilan kung bakit ako magba-bakasyon ee. “Kailangan ko pa po ba talagang sabihin?” kasi naman, napaka-chismoso naman nitong bago naming CEO. “Yes! So now, tell me.” Haaay… “And that’s an order from your CEO Ms. Salvador.” Oh sige, gamitan mo ako nyang posisyon mo. Sapakan na lang kasi. “Barcelona, Spain Sir.” Oh, eh bakit kailangan pang ngumite? May dahilan ba para ngumiti? “Really? Akalain mo nga naman, sa Barcelona din ang punta ko next week. Ikakasal ang bestfriend ko doon.” Tinatanong ko ba Sir? As if naman na interesado ako. Ay teka lang, sino ba tong tumatawag? SI ATE??? “Ahm… Sir, ok lang po ba if sagutin ko to?” at talagang tinanong pa nya kung sino yung tumatawag. “Yeah, sure.”

“Hello Ate!” aray naman, kung maka-sigaw naman tong si Ate, ang sakit sa eardrums. “Nica!!!!” ayan na naman ang kadiri na tawag nya sa akin. “Nica na naman! sabi ng wag mo akong tatawagin ng Nica eh. Ang pangit kaya!” hay nako, ano ba naman tong si Ate, ang lakas ng boses. “I’m getting married baby sis!” what? Tama ba yung narinig ko, ikakasal na sya? Sinong malabo ang mata ang pumatol sa Ate ko? “Weh, hindi nga!” hindi kasi talaga ako naniniwala, sabi lang kasi ni Mama, may ipapakilala si Ate, tapos ngayon kasal na agad! Joke ba toh? “Yes. And the reason why I call you is para sabihin na ikaw ang bridesmaid, kaya mag-file ka ng leave mo and pumunta ka na agad dito.” Akala naman nya ganung kadali mag-file ng leave. “Kailan ba magpapatiwakal yung lalake?” hahaha…maituturing na isang pagpapa-tiwakal ang pagpapa-kasala sa ate ko na mas malakas pa ang topak kesa sa akin. “Next, next week na sis. Kaya punta ka na dito.” Hay nako, ganito ba tlaga ka-hyper ang mga ikakasal? Parang naka-drugs lang? “Sige na Ate, tawagan na lang kita mamaya, nasa meeting ako ee. Bye!” at pinatay ko na yung phone ko.

“Nica pala ang tawag sayo ng Ate mo! Nice name!” isa pa tong lalake na toh, pag-untugin ko pa silang dalawa ni Ate ee. “Sir, ano po, wala na po ba tayong pag-uusapan?” eh kasi naman, nasasayang ang oras ko dito. “Anong araw ang simula ng leave mo? Sabay na tayong pumunta ng Barcelona.” Ha! Patawa talaga tong si Nathan! “Thanks but no thanks Nathan. Kaya kong pumunta ng Barcelona ng mag-isa.” ANG TAPANG MO TALAGA NICKY!!! ANG TAPANG-TAPANG MO! “Bakit ba ang sungit mo sa akin Ms. Salvador? Baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang boss mo dito!” eh ano ngayon ang gusto mong mangyare? Ok fine, I’ll say sorry! “I’m sorry Mr. Nathan Russell.” Peste ka talagang lalake ka! Magre-resign na ako! OO, MAGRE-RESIGN TALAGA AKO!!! AND I’LL DO THAT FIRST THING IN THE MORNING!!! “Go to your department now Ms. Salvador.” Ms. Salvador mong muka mo! This will be the last time na makikita ko ang pag-mumuka mong damuhong lalake ka! “Ok po!” haaaaaayyyyyy!!!!!

Chapter 17

Affected Much!!!

NATHAN RUSSELL

What happened a while ago is one of my most forgettable unforgettable experiences. She just saw me NAKED! Goddamn it! Paano ko ngayon sya haharapin without feeling awkward? GAGU KA KASI NATHAN, SA DAMI NG KWARTO NG BAHAY MO DUN MO PA SYA PINATULOG SA KWARTO MO! Darn!

“Hello!” shete, si Natasha pala yung tumatawag, nasigawan ko pa. Masama pa namang sinisigawan ang babaeng toh. “Bakit mo ba ako sinisigawan? Kung galit ka sa mundo, wag ako ang pag-buntunan mo! Leche flan ka!” sabi ko naman diba, masamang nabubungaran ng sigaw ang kapatid kong yan eh. “Look Natasha, I’m sorry. Something unexpected happened that’s why I’m not in the mood.” She sigh as a sign that she understands. “Tell me what happened, you still have time, it’s too early pa for your work there.” Should I tell her or not? I must tell her, she’s not just my baby sister, she’s also my bestfriend. “Someone saw me naked!” oh well, she gave me a small laugh over the phone. “Para namang wala pang nakaka-kita sayo na naka-birthday suit ka lang. Sa dami ng babae mo, nakita ka na nilang na naked. Anong bago doon?” oo nga Nathan, anong bago doon, eh madalas namang makita ng babae na naked ka lalo na nung nasa States ka pa. “But sis, this is a different thing! My… should I say your so called karma of mine saw me naked!”

“Oh my gosh! Really?”

“Yeah.”

“How does it happen?” she’s really interested to hear everything when it comes to her so called karma of mine ang pinag-uusapan. “It’s a long story Nat. I have to go, I need to drive.” Alam ko na ang susunod na sasabihin nitong napaka-galing kong kapatid. “Oh well Kuya, have a safe trip and GOODLUCK! Hahaha!”

VERONICA SALVADOR

“Good morning po Mam Lorry, eto na po yung payroll ko.” mabuti na lang natapos ko sya bago mag-lunch break. Ewan ko na lang kapag may nasabi pa tong si Mam Nesa.

Sheet! May isa pa nga pala akong payroll, yung para naman sa Natures. “Bru, kain na tayo. Tapos ka naman na sa payroll mo eh.” Eto talagang si Maegan, lagi na lang gutom, hinding-hindi mo yan mauunahan na mag-yaya kapag kakain. “Sandali lang, liligpitin ko lang yung kalat ko dito.” Kasi naman, nagkalat ang mga papel sa table ko. “Nicky, kamustang gimik mo kagabe, ok ba?” hindi ko alam kung guni-guni ko lang na parang may ibig sabihin yung tanong ni Grace eh. “I can’t say na disaster, pero masaya naman kahit paano. Bakit mo naman naitanong?” talaga naman oh…muka ba akong lasing pa? “Kasi mukang bangag ka pa rin hanggang ngayon eh.” Hindi naman ah, ok naman yung ayos ko, hindi naman ako namumutla. “Alam mo kasi Veronica, hindi naman masama kung ibabalik mo yung dati mong nakagawian na every Fridays ka lang pumupunta ng bar. Tingnan mo nga yang sarili mo, tulala ka, para kang adik.” Grabe naman tong si Maan, muka ba akong adik? Parang hindi naman! “Wag nga kayong praning jan! May naalala lang kasi ako, tangna naman kasi, bakit ba nakita-kita ko pa yon, hindi tuloy matahimik ang kaluluwa ko.” ok Nicky, maghanda ka na ng kasinungalingan kung ano yung nakita mo, dahil siguradong hindi ka patatahimikin nyang mga yan! “At ano naman yung nakita mo Veronica at nagulo ang nananahimik mong kaluluwa?” oh diba, tama ako. Hindi titigil ang tatlo na yan hanggat hindi nasa-satisfy sa sagot ko. “Lalake ba yan Nicky? Share your blessings naman!” kung Maegan puro pagkain, etong si Grace naman lalake. Dapat yata sya ang laging kasama nung mga tropa kong bugok eh! “Grace Punongbayan, muka kang lalake, hayaan mo na kay Nicky ang lalaking yon ng magkaron naman ng bago sa buhay ng isang yan.” Ano ba naman tong si Maan, hindi ko naman kailangan ng lalake… sa ngayon. “Oo nga naman Gracia! Malay mo kapag nagka-jowa na ang isang yan eh ilibre tayo araw-araw.” Wala na talagang tatalo kay Maegan sa hilig sa libre. “Sabagay, malaki rin ang matitipid natin kapag nangyari yon. Sige Nick, sayo na yang lalake na yan. At payong kaibigan lang, kapag niligawan ka, wag ka ng magpakipot, oo na agad. Baka mamaya kasi mauntog yan, tapos matauhan hindi ka na ligawan.” Mga sira-ulo talaga tong mga kaibigan ko. “Wag kang mag-alala, kapag niligawan ako nung lalake na yon, ibibili ko sya ng helmet, yung pinaka-matibay, para kahit mauntog sya o kaya mabagok, hindi sya matatauhan.” Tawa naman tong mga toh.

Papunta na nga pala kami ng cafatertia kasi etong si Maegan eh hindi tumigil kakahila sa akin. “Nicky, ano bang itchura nung lalake na sinasabi mo? In love ka na ba sa kanya?” hanep naman sa tanong tong si Maan, ang wagas. Pag ba sinabing nagulo ang mundo ng dahil sa isang tao, LOVE na agad? Di ba pwedeng CRUSH muna? “Kailangan nyo pa bang malaman? Pwede bang wag na?” kasi naman, pano ko ie-explain sa kanila yung itchura ni Sir na naka-birthday suit lang? Saka nakakahiyang ikwento yon. NICKY NAMAN KASI, KALIMUTAN MO NA YON! “Oh, umorder muna kayo bago nyo pag-usapan yang bagong lalake nyang si Veronica.” Nakakawalang-gana namang kumain.

“Good afternoon Sir” hindi lang naman si Sir Nathan ang tinatawag na Sir dito. Eto talagang si Grace, lahat na lang ng makita binabati. Kung may Ms. Friendship na award ang kumpanya taon-taon, malamang si Grace at si Grace lang ang mananalo. “Sir Nathan, sabay na po kayong kumain sa amin.” Kung maka-yaya naman tong babae na toh, mukang magpapa-libre na naman. “Don’t worry Sir, ikaw naman ang ililibre namin.” Baka ikaw lang Maegan, wala akong balak ilibre ang tililing na lalake na yan. “Upo po kayo Sir.” Maan naman, bakit sa harapan ko mo pa yan pina-upo, wala na nga akong ganang kumain yang impakto pa na yan ang iniharap mo sa akin. “Hoy Nicky, wag ka ngang mag-ala Ninoy Aquino jan. Naka-harap ka sa pagkain ganyan ang itchura mo.”

“May problema ba Ms. Salvador?” sus, nakuha mo pang mag-tanong jan! VERONICA NAMAN KASI, BAKIT BA MASYADO KANG AFFECTED SA NANGYARI KANINANG UMAGA? Hello naman, ngayon lang ako naka-kita ng ganon, syempre shock pa rin ako hanggang ngayon. “Wala po Sir Nathan.” Natapos na nga tong pagkain ko ng maka-alis na ako dito, may gagawin pa akong payroll. “Hoy, bakit nagmamadali ka naman ngayong kumain?” Maan naman, alam mo naman ang sagot sa sarili mong tanong eh. “Maan-tot… alam naman nating pareho kung baket.” Nalukot ang muka ng bruha ng tinawag ko syang Maan-tot, ang baho naman kasi talaga. Hahaha. “Pwede ba.?! Oo na, gagawa ka ng payroll ng Nature ngayong lunch break mo. Baka naman mamaya Veronica eh magkasakit ka nyan? Gabi-gabi ka na namang nagpupuyat.” Yang si Maan, parang si Mama lang yan, hindi nakakalimutang magpa-alala. Kaya naman mahal na mahal ko ang Maan-tot na yan ee. “Inay, tuwing payroll lang naman ako na ha-Hagardo Verzosa. Atchaka hindi ako gabi-gabing nagpupunta sa bar, every other night lang.” talaga naman ee, minsan nga kapag inabutan talaga ako ng katamaran eh twice a week lang, masama ba yun? “Naka-punta na ba kayo sa bar ni Nicky?” Syempre naman, sila pa bang mahuhuling pumunta doon? “Yes Sir! Hindi nga po makaka-ila na si Nicky ang nagpapa-takbo nun ee.” Tiningnan ko si Grace na parang nagtatanong na PWEDE NAMANG YES SIR NA LANG ANG SAGOT, BAKIT MAY KARUGTONG PA? “Kaka-iba po yung Natures Bar na yan, parang yung may-ari lang!” isa ka pang Maegan jan, wala kang libreng snack sa akin sa Friday! “Yeah! That bar is so awesome, I really enjoy every minute of my staying there. If naka-rating na kayo doon, eh di kumanta rin kayo?” Sir Nathan naman, tumahimik ka nga jan, nabu-buwisit na ako sayo ee.

Thursday, February 23, 2012

Chapter 16

(O.O)

VERONICA SALVADOR

“WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!” kaninong kwarto toh? Hindi ako taga-dito, hindi ito ang palasyo ko! Hala ka Nicky, anong kagagahan ang ginawa mo? Bakit nasa bahay ka ngayon ng may bahay? Teka lang naman, wag ka munang mag-panic Nicky, alalahanin mo yung nangyari kagabe. Pumunta ako ng bar kasi aayusin ko yung away ni Gab at ni Janice, tapos pina-kanta ko yung dalawang bagong gimikero, si Gino at si Nathan. Tapos nung nagpaalam na ako sa lahat, ginulat ako ni Nathan tapos sinigawan nya ako ng tinawag ko syang SIR. Flat yung isang gulong ng sasakyan ko, kaya… NO NICKY, HINDI KA NAMAN LASING DIBA? Si Sir Nathan! Sya yung huli kong kasama kasi ihahatid nya ako, binuhat pa nga nya ako kasi ayokong pumayag. Tapos… tapos… tapos hindi ko na alam ang sumunod na nagyari. VERONICA NAMAN, UMAYUS KA! ALALAHANIN MO LAHAT… AS IN LAHAT!!! Teka naman kasi, over naman akong makapag-panic eh naka-damit pa rin naman ako hanggang ngayon. “WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH” hindi naman eto yung suot ko kagabi, sinong nagpalit ng mga damit ko? Pero kung ginawan man ako ng hindi maganda ng kung sino mang hinayupak na yon, bakit walang masakit sa akin? Huuuuuuuuhhhhhhh… ano ba, nasan ba kasi ako, kanino bang bahay toh? Teka nga, mamaya ko na iisipin kung kaninong bahay toh, anong oras na ba? Six a.m na, naku naman! Kailangan ko ng umuwi para makapag-ayos at kailangan ko pang mag-trabaho. Saan bang banyo nitong kwarto na toh? Itong pinto na to siguro.

(O.O) Naging kasing-laki yata ng plato ang mata ko dahil sa nakikita ko! Wala ba syang balak takpan ang alaga nya? AT IKAW VERONICA, WALA KA BANG BALAK TAKPAN YANG MAKASALANAN MONG MATA? “A-anong…” teka, ibig sabihin bahay to ni Sir Nathan? Si… si Sir nga yung huli kong kasama kagabi. “Lumabas ka muna nga, magbibihis lang ako.” Ano ba yung nangyare? Totoo ba yun, hindi ba yun design lang ng towel nya na skin tone? Ganun pala ang itchura non. Bakit ba kasi may ganon ang mga lalake, bakit ang mga babae wala? TANGNA NAMAN VERONICA, PARANG TANGA KA JAN! NAKAKITA KA LANG NG LALAKE NA NAKA-BITHDAY SUIT LANG NA-BOBA KA NA! Eh kasi naman, ayoko na, uuwi na ako kahit hindi pa ako nakaka-ligo. Maaga pa naman, saka hindi naman halata na hindi pa ako naliligo. “Si-sir, mauna na po ako, pasensya na po sa abala. Sige po sir, alis na po ako.” At umalis na ako sa harap ng pintuan ng banyo nya. Teka, nasaan yung bag ko? TINAMAAN KA NG MAGALING NICKY!!! Naiwan sa kotse mo yung bag mo. Paano kang uuwi nyan, wala ka ngang pamasahe eh. “Oh, akala ko ba mauuna ka na? bakit nandito ka pa rin?” sipain ko kayang alaga nya? Easy ka lang Nicky, wala kang pamasahe, at hindi mo alam kung nasa Earth ka pa nga ba, baka mamaya alien pala yang boss mo at nasa Mars ka na. “Eh kasi po Sir Nathan, wala yung bag ko, hindi nyo po pala nakuha dun sa sasakyan ko ng binuhat nyo ako. So ibig pong sabihin non, wala akong pera, wala po yung susi ng bahay ko. Pano kong uuwi kung ganon?” sige Nathan, isang maling sagot mo pa at masasaktan ka na talaga sa akin. “Let’s go, I’ll sent you home.” Sus, iyan din yung linya nya sa akin kagabi eh, “I’ll sent you home” tapos andito ako ngayon sa bahay nya. Taga-saan ba kasi ang boss ko na toh? “Nasaang lugar po ba tayo ngayon?” parang mali yata yung tanong ko, feeling ko pipilosopohin lang ako nito. “Andito pa rin tayo sa Pilipinas.” Sabi ko na eh, naku! Pasalamat sya at may kailangan ako sa kanya, dahil kung wala, baka nalagasan na sya ng ngipin. “Saan sa Pilipinas? Saang region? Sa NCR ba? Saan sa NCR? Anong exact address mo to be specific.” Taenang yan, kapag pinilosopo pa rin ako nito makaka-tikim na talaga sya sa akin. “Block 12, Lot 18-20, Florida Subdivision, Makati City, Philippines.” Tengene, tatlong lote ang sakop ng bahay nya? Palasyo nga toh. EH DI SA PALASYO KA DIN NAKATIRA. Teka, ano daw yung address nya, Florida Subdivision, Makati City, Philippines? Pakshet!!! Taga-Florida Subdivision din ako ah. Anong block at lot sya? Block 12, Lot 18-20. Block 12, Lot 7-10 naman yung bahay ko. SYA YUNG BAGO KONG KAPITBAHAY??? Napapamura ako sa mga nalalaman ko ha. Bakit ba kasi hindi ko naisipang sumilip sa bintana? Apaka-tanga mo talaga Nicky minsan eh. “Sir, mauna na po ako, wag nyo na po akong ihatid. Kaya ko pong sarili ko.” haaaaay! Nicky naman, puro kasi kagagahan ang laman ng utak mo eh. “Paano kang uuwi eh wala ka ngang pera diba?” ay nako naman, kailangan ko pa ba talagang sabihin sa kanya na mag-kapitbahay lang kami? “Basta sir, kaya ko ng sarili ko, nasa tamang gulang naman na ako. Pasensya na po ulit. At saka nga po pala Sir, wag po kayong mag-alala, may sakit akong kalimot. Mauna na po ako.” Ayan Nicky, namula tuloy ang muka ng amo mo dahil sa sinabi mo. “I’ll send you home” pumayag ka na Nicky, para jan ka lang naman sa tapat magpapahatid ayaw mo pa! “Ikaw po ang bahala, mapilit ka eh. Oh, tara na!” tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. “Wag kang mag-alala sir, isosoli ko naman tong polo mo saka boxer, kaya ko namang bumili nito noh.”

Naglakad na ako palabas ng kwarto nya ng makasalubong ko, namin pala yung katulong “Good morning Sir, good morning Ma’am. Naka-handa na po ang almusal.” Naku Manang, wala na po akong oras pa para kumain. “Let’s eat first.” Huwaw naman, boss na boss ang dating. Galit ba sya sa akin? “Sir Nathan hindi na po, sa bahay na lang po ako mag a-almusal.” Hindi kaya pinagpa-pantasyahan ako nitong lalake na toh at panay ang tingin sa akin? “We will eat first. I’m your boss, remember?” hindi naman nireregla ang lalake pero bakit ang isang toh parang may dalaw yata, grabe ang mood-swings nya, dinaig pa ang buntis. “Ok, fine!”

“Saan ba kita ihahatid?” muntik ko ng mabuga yung juice na iniinom ko dahil sa tanong nya. Ok, sasabihin ko na ang totoo. “Jan lang sa tapat ng bahay mo.” As in nung sinabi ko yon, sobrang seryoso ng pagmumuka ko. “Umayos ka naman Ms. Salvador sa pagsagot sa mga tanong ko, I’m serious here.” Gagu ba sya, seryoso naman ako ah? Ni hindi nga ako ngumiti nung sagutin ko yung tanong nya ee. “Seryoso ako Sir. Ngayon, kung ayaw nyo pong maniwala, eh di wag. Hindi ko naman kayo pilipilit, anyway, mauna na po ako.” Pesteng lalake na toh, kung nalaman ko lang na daig pa nya ako kapag sinumpong ng mood swing hindi na sana ako naging mabuti sa kanya. AZZZAAAAARRRRR!!! Nag-walk-out talaga ako, bwisit sya. Anong akala nya sa akin, lagi na lang nanloloko?

Dahil alas-sais na ng umaga, gising na si Yaya. Isang beses pa lang akong nagdo-doorbell eh napag-buksan na nya agad ako ng gate. “Nicky anak, bakit ngayon ka lang umuwi?” sya nga pala si Yaya Melda, sya lang naman ang nagpalaki sa akin kaya mahal na mahal ko sya. “Naku ‘Ya, mahabang kwento. Akyat na po ako, maliligo pa po ako at may pasok pa ako.” Alam ko yang tingin ni yaya na yan, may gusto yang itanong pero hindi yan magsasalita. “Yaya, hindi ko pa rin sinusuko ang Bataan, buo pa rin, intact na intact! Alam ko yaya nagtataka kayo at ganito ang suot ko, basta ‘ya, mahirap ipaliwanag eh.” Bumuntong-hininga muna si Yaya bago nagsalita “May tiwala ako sayo anak, at alam kong matalino ka. Sige na, umakyat ka na at mag-ayos, baka mahuli ka pa sa trabaho mo at ma-award ka na naman ng boss mo.” Naks naman si yaya, may AWARD pang nalalaman, bagets.

NEW YORK! CONCRETE JUNGLES WHERE DREAMS ARE MADE OF, THERE’S NOTHING YOU CAN’T DO………” bakit ba hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina? Ganon ba talaga ang itchura non? Pasensya naman, inosente ako pagdating sa mga ganong bagay. Bakit naman kasi Nicky hindi ka sanay kumatok bago ka pumasok. “Malay ko naman ba na nasa mismong kwarto ako ng lalaking yon? Sa dinami-dami ng kwarto ng palasyo nya, doon pa nya ako pinatulog. Wag nyang sabihin na iisa lang ang kwarto ng malaking bahay nya na yon!” Dahil sa kanya hindi na virgin ang mga mata ko! Gaaaahhhhhh!!! Hindi po ba pwedeng ulitin? Maganda naman yung nakita ko pero hindi pa ako ready na makita yon. I must admit, ang hot ng body ni Sir, walang naligaw na kahit konting taba, super ganda ng katawan. Isama mo pa yung mala-Adonis nyang muka na kahit na sinong normal na babae eh magkaka-gusto sa kanya. Pero dahil hindi pa ako ganap na normal na babae, wala akong gusto sa kanya… wala talaga… wala nga sabe… wala talaga akong gusto sa kanya… tssss… ang kulet… wala nga sabi eh… oo na, sige na… aamin na nga eh… my gusto ako sa kanya, pero konti lang… konti nga lang… oo na, malaki, malaki ang pag-hanga ko sa kanya… malaki din yung ano nya…yung ano nya… yung muscles…

CHAPTER 15

LQ Agad???

VERONICA SALVADOR

Hanep ah, ang ganda din ng boses ni Gino. Ano yung kinanta namin? IF WE EVER MEET AGAIN of Timberland and Katy Perry lang naman ang kinanta namin. Sigawan ang mga girls after ng kanta namin, ang daming fans…

“You know what Nicky, this is one of the best bar na napuntahan ko na!” naks naman, mukang nag-enjoy tong si Gino ah. “Thanks to that! Anyway, I have to go there. Bye” kahit naman pogi yun, hindi ko sya type, parang sasakit lang ang ulo ko kapag sya ang nagustuhan ko. Teka nga, nasaan na nga ba si Nathan, diba dapat magkakape kami? “Aira, Pol, kayo ng bahala dito ha, uuwi na ako, may pasok pa ako bukas.” Eh mukang wala naman na si Nathan eh, eh di uuwi na lang ako, kaya ko namang bumili ng sarili kong kape. “Don’t worry Nick, kami na ni Pol ang bahala. Ingat ka, bye!” mapuntahan na nga yung mga wasalak kong mga kaibigan, magpa-paalam na rin ako. “Nicky, nasaan na si Nathan? After nyang kumanta hindi na namin ulit sya nakita.” Ay nako Jaime, nagkamali ka ng taong pinag-tanungan, ako din hindi ko alam eh. “Hindi ko rin alam eh. Baka anjan lang yung sa sulok-sulok. Mauna na ako ha.”

Alam mo yung feeling na gusto mo ng magkaron ng boyfriend kasi nakikita mo na ang sweet nung mag-ligaw na nagkalat sa lahat ng dako ng bansa! Ganyan ang feeling ko ngayon kasi naman parang ngayon lang ulit nagkita ang magjo-jowa na toh after so many years. “Hoy, may malapit na kwarto jan. Wag kayo ditong gumawa ng milagro. Mauna na ako! May pasok pa ako bukas.” Ok, wala na namang pumansin sa akin, ang galing diba?! “Alam mo kasi Nicky, mag-boyfriend ka na rin, steady naman na ang trabaho mo, tapos may business ka pa, yun na lang kasi ang kulang sayo kaya saksakan ka ng sungit at suplada.” Gagung Steve to ah. Ako, masungit at suplada? …Hindi naman masyado. “Whatever Steve! Bye, bayaran nyo yang orders nyo.”

Anong oras na naman ako nito makakarating sa bahay? Tapos bukas kailangan ko pang tapusin yung payroll ng ACC, tapos gagawa pa ako ng payroll ng NB, tapos baka matuloy na yung pagpapaturo ni Sir Nathan dun sa mga reports ko. Iniisip ko pa lang yung mga dapat kong gawin bukas parang tinatamad na akong pumasok. “Nicky!” ay kalabaw!!! Sino bang kutong-lupa na yon na walang pasintabi kung gulatin ako? “Saan ka pupunta? Diba may usapan pa tayo?” sus, si Nathan lang pala! Wala naman akong balak na takasan sya, eh malay ko ba na nandito pa rin sya? Saka malay ko rin ba na seryoso pala sya na gusto nyang tumira ng kape sa ganitong oras ng gabi. Parang adik lang! “Nandito pa pala kayo Sir, akala ko kasi umuwi na kayo.” Ooops, bakit Sir na naman ang naitawag ko sa kanya? Nag-iba tuloy yung aura ng muka nya. “Nathan! Just call me Nathan outside the office.” Eh bakit galit sya? Bakit ang sungit nya? “Eh bakit sumisigaw ka? Hindi ako binge, mabibingi pa lang kung lagi mo akong sisigawan…bwiset!” lintik na gwapong lalake to, eh ano ngayon kung gwapo sya at pinag-kalooban ng sandamakmak na sex-appeal! Wala syang karapatan na sigawan ako lalo na at hindi naman oras ng trabaho. “Magkape kang mag-isa mo!” ngayon nagmuka kang maamong pusa jan, bwiset na araw talaga toh, wala na bang ibang kamalasan ang darating? WALA NA BA?

“Shet!” oo, SHET talaga. Siguro naman eto na yung huling malas na darating sa akin ngayon. FLAT TIRE! GAAAAAAHHHHHH!!! Gusto ko ng magwala sa inis, bakit ba ang malas ko ngayon? Naging mabuting bata naman po ako kahapon.

NATHAN RUSSELL

Gagu ka talaga Nathan, bakit mo sinigawan si Nicky eh tinawag ka lang naman nyang Sir? “Eh bakit sumisigaw ka? Hindi ako binge, mabibingi pa lang kung lagi mo akong sisigawan…bwiset! Magkape kang mag-isa mo!” ano ka ngayon Nathan Russell? Kahit na saksakan ka pa ng gwapo at yaman, mukang hindi ka uubra sa isang Veronica Salvador na parang kakambal na yata ang tigre kapag nagagalit. “Shet!” grabe talaga ang babae na toh kung magpakawala ng bad words. BUTI NGA SHET LANG! AT LEAST SHE KEPT HER PROMISE NA HINDI MO NA ULIT MARIRINIG MULA SA KANYA YUNG “ALAM MO NA YUN” WORD. “What’s the matter?” oohh… flat tire… “What’s the matter mo muka mo. Dun ka na nga, ikaw yata ang malas sa buhay ko eh.” Ako? Malas? Kailan pa naging malas ang mukang toh? “Don’t put the blame on me Nicky, hindi ko kasalanan kung bakit malas ka today.” Oh sige Nathan, bwisitin mo pa lalo si Nicky. “And why not Mr. Russell? First, tinapunan mo ako ng kape sa likod, na-late ako ng dahil sayo. Hanggang ngayon wala pa rin sa kalahati yung payroll na dapat kong gawin dahil na-late ako. Tapos ngayon, ikaw na naman ang kaharap ko, na-flat-an pa ang sasakyan ko. Ggggrrrrrr……” ang cute pala nya kapag galit na galit. “Umalis ka nga sa harapan ko at baka mabasag ko yang muka mo sa sobrang inis ko sayo.” Ano ako, tanga? Bakit kita iiwan mag-isa dito, kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya kasalanan ko pa. “I’ll drive you home!” naks naman, totoo ba yan Nathan? “Wag na, baka magkaron pa ako ng utang na loob sayo.” Ang tigas naman ng ulo ng babae na toh. “Get in the car, please.” Tinitigan lang nya ako sabay sabing “Ayoko, baka mamaya kung ano pang gawin mo sa aken.” Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanya o maiinis eh. Nakakatuwa kasi hindi sya basta-basta nagtitiwala, pero ang nakaka-inis eh yung pagbintangan nya akong may gagawin na hindi maganda sa kanya. Sa gwapo kong toh, hindi ko na kailangang mamilit, sila pa nga ang lumalapit. “Please, get in my car and I’ll drive you home. It’s already 12midnight.” Eh Nathan, wala ka ba talagang gagawin na hindi maganda sa kanya? “A-Y-O-K-O… ayoko!”

Inuubos talaga nitong babae na to ang pasensya ko huh! Nilapitan ko sya, binuhat at inilagay sa balikat ko na parang sako ng bigas. “Hoy! Hoy! Hoy! Ibaba mo ako! Sabi na nga ba eh, isa ka sa mga unli… Ibaba mo ako!” araaaay!!! Ang sakit sa tenga ng sigaw nitong babae na to. “I’ll drive you home whether you like it or not!” pumunta muna ako sa pwesto nung guard at ibinilin ko yung sasakyan ng amo nya, and then pumasok na rin ako sa sasakyan ko. “Pakyu ka Sir! Harassment to.!” Ang lupit talaga nitong isang toh, nakuha pa akong tawagin na sir eh mumurahin lang naman pala ako. “Ka-babae mong tao kung makapag-mura ka! Isang beses ko pang marinig na magmura ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” hahalikan ko ang babae na toh para matahimik. “Sabi na nga ba eh, may masama ka talagang binabalak sa akin eh. Pababain mo ako dito, mahal ko pang buhay ko. Ayokong pang mamatay o kaya makulong.” Hanep ah! Ang mga babae talaga, napaka-advance mag-isip. “At bakit ka naman makukulong?” Oo nga, bakit sya makukulong? “Dahil mapapatay kita kapag may ginawa ka talagang hindi maganda sa akin.” Mapapatay? Baka nga pasalamatan pa nya ako kapag hinalikan ko sya eh. “Bakit ba kayong mga babae nakapa-advance kung mag-isip?” tumaas yung kilay nya sa tanong ko. “Eh bakit kayong mga lalake, walang ibang alam gawin kundi mam-babae?” ok, parang non-sense yung usapan. Pwedeng change topic? “Bakit hindi ka makasagot? Palibasa kasi totoo. Ihatid mo na ako, ayoko ng magtagal dito sa sasakyan mo.” Ang mga babae talaga, ang labong mga kausap. SALA SA INIT, SALA SA LAMIG! “Saan ba kita ihahatid?” tulog na? tama bang tulugan ako? Saan ko sya ihahatid? Anak ng tipaklong naman oh. “Nicky! Nicky! Ui, sagutin mo muna yung tanong ko bago mo ako tulugan. Nicky!” hala ka! Saan ko dadalin ang babaeng toh?