Wednesday, January 18, 2012

COMING SOOOOOOOON!!!!

Hindi ko naman pinangarap na magkaron ng maganda bahay, madaming pera, at malulupit na sasakyan. Kumpletong pamilya at mga tunay na kaibigan lang ok na ako, masayang-masaya na ako! Pero bakit ganon, kung ano yung gusto ko, sya yung wala ako? Meron nga akong magandang bahay, pera at sasakyan pero lagi namang wala ang parents ko dito sa bahay, they’re always busy because of their goddamn business! Kaibigan? Wala ako nyan, puro mga kakilala lang. I can’t claim them as my friends dahil alam ko naman na ginagamit lang nila ako. Ginagamit in a way na kapag may gimik saka lang nila ako naaalala, kapag may mga events lang na kailangan nilang magpaka-susyal! I’m not that stupid not to notice their scam.




Anyway, I’m Sabina Bernardo and I’m still studying at St. Louise University taking up Architecture, third year, transferee. I’m a loner, ayoko sa lugar na maraming tao kasi magulo. Ako yung tipo ng estujante na matalino pero hindi obvious, hindi kasi ako hambog kagaya nung iba kong classmates. Meron naman akong mga classmates na mabait naman sa akin, most of them were girls na katulad ko eh loner at hindi rin masyadong pansinin sa room. Mayaman kami pero low-profile lang ako dito sa bagong nilipatan ko na school, this time I want to find and make real-true friends.




Kapag walang klase at ang mga ka-uri kong loners ay may ibang activities that they have to attend, nandito lang ako sa rooftop of our College building. Tamang tulog, gawa ng assignments, plates, muni-muni, and some sorts. Mas ok yung ganitong buhay, simple, tahimik at masarap sa pakiramdam.




Sab: gano kaya kataas tong building namin kung dito ko titingnan mula sa taas? Hmmm…



Lumapit ako dun sa pinaka-dulong part nung building na ang katapat is yung likod naman ng Engineering Building.



Sab: kung tatalon kaya ako dito, mamamatay ako o mababalian lang ng buto? Ano kayang itchura ko pag nalaglag ako? Eeeiw!!! Ang panget!!!



Nagulat na lang ako ng may biglang lalake na sinisigawan ako na nasa rooftop ng Engineering building.



Guy: Miss wag kang magpapakamatay! Maraming tao ang gusto pang mabuhay ng matagal, samantalang ikaw magpapakamatay ka!!! Sandali lang, wag kang aalis jan sa kinatatayuan mo!!!

Friday, January 13, 2012

CHAPTER 14

My Heart is So Jetlag

VERONICA SALVADOR

“Good evening everyone! Alam nyo na!” alam na alam na nila kapag tumayo ako sa stage ng bar na hindi araw ng set ko. “We have to new member of our big family, so kailangan natin silang i-welcome.

“What’s going on Arvin?”

“Relax ka lang jan Gino, I’m you’ll enjoy the night.”

Nakita ko na nag-uusap si Arvin at yung Gino, for sure ang welcome party sa kanila ni Nathan ang pinag-uusapan nila. “Dalawa ang bagong member natin, pero isa-isa lang para mas masaya at mas matagal diba.” Sigawan naman ang ibang member ng pamilya ko dito sa bar. “Nathan, mauna ka na, since mukang mas marami kang taga-hanga eh.” Todo-sigaw naman tong sina Jaime. “Since ikaw ang isa sa bagong member ng Natures Bar at maraming fans, mauna ka na. Kantahan mo naman sila, diba gusto nyong kumanta si Nathan?” sabi ko naman sayo Nathan, it’s payback time. Pero sana po Bro maganda ang boses nya, para ma-inlove na po ako sa kanya. Hahaha. “Ano? Pakakantahin mo ako, nasisiraan ka na ba?” hindi sya sanay kumanta? Sayang naman, akala ko pa naman kumakanta sya, humaba tuloy ang nguso ko dahil sa pag-pout. “Haay! Oo na, sige na, kakanta na ako. Ano ba kasing kakantahin natin?” hehe, isang malupit na pout lang pala ang kailangan kong gawin para mapa-kanta ka eh.

Tinuro ko na sa kanya yung lines na para sa kanya at kung anong kanta ang kakantahin namin. Good thing alam nya yung kanta kahit na mejo bago pa lang. “Oh mga kapatid, eto na ang bagong member ng pamilya natin, Nathan.”

http://videokeman.com/simple_plan/jet-lag-simple-plan/

Magaling naman palang kumanta si boss eh, pakipot pa masyado. Jusko day, na i-inlove na yata ako sa kanya, wag muna, hindi pa ako ready sa sobrang ligaya na buhay o kaya naman masakit sa puso na buhay.

NATHAN RUSSELL

Ano ba kasing klaseng bar tong napuntahan namin, maganda nga, unique pero parang mga may saltik naman ang tao dito, parang yung may-ari lang.

“Since ikaw ang isa sa bagong member ng Natures Bar at maraming fans, mauna ka na. Kantahan mo naman sila, diba gusto nyong kumanta si Nathan?” pakakantahin nya ako? Never ko pang nagawang kumanta sa harap ng maraming tao, pang-banyo lang ang talento ko na to. “Ano? Pakakantahin mo ako, nasisiraan ka na ba?” parang nadismaya sya ng malaman nya na ayaw kong kumanta, humaba tuloy ang nguso ng babaeng toh. Nicky naman, wag ka namang ganyan, baka lalo akong mahulog sa charm na meron ka pero hindi ka yata aware. “Haay! Oo na, sige na, kakanta na ako. Ano ba kasing kakantahin natin?” hay! Pasalamat ka at may kasalanan ako sayo kaninang umaga, dahil kung wala, hindi mo talaga ako mapapakanta ngayon. Mabuti na lang at alam ko yung kanta, favorite ko kasi ang Simple Plan kaya alam ko yung lyrics kahit paano.

Habang kumakanta kami, hindi ko maiwasang hindi tingnan si Nicky, halatang masaya sya habang kumakanta, bakit kaya? Napapangiti na lang ako sa kanya kapag tumitingin din sya sa akin, ang ganda kasi nya eh. Ang ganda rin ng boses nya, at rakistang-rakista ang dating nya tonight.

VERONICA SALVADOR

MY GULAY!!! Bakit ba ipinanganak tong lalake na to na kakambal ang sex appeal at ka-gwpuhan? Isama mo pa ang magandang boses, sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang lalake na kagaya na lang nitong si Nathan Russell. Pwede ko bang bawiin yung sinabi ko na wala akong panahon para sa pag-ibig na yan? Pwede ko rin bang sabihin na handa akong masaktan ng bonggang-bongga maging boyfriend ko lang ang lalaking kumakanta ngayon sa tabi ko? Nicky magtigil ka jan, parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking katulad ni Nathan ah. Sus naman day, ngayon lang talaga, as in ngayon lang din ako nagka-ganito dahil sa isang lalake. Pero kailangan ko munang magpakipot, syempre babae ako no, at hindi ako easy-to-get. Veronica, assumerang palaka ka din eh noh, hindi ka nga nililigawan nyang bago mong boss eh. Oo nga pala, boss ko nga pala ang lalaking toh. Wala na yata talagang pag-asa, kung kailan naman may nagustuhan na ako, saka naman hindi pwede. Pero sa aminin ko man o hindi, gusto ko ng himatayin sa kilig dahil tinititigan nya ako habang kumakanta, feeling ko tuloy ako lang yung kinakantahan nya. Bro, pwede ko po bang i-uwi ang lalake na toh kahit ngayong week-end lang? chos!

Tapos na yung moment namin? Anu ba yan!!! “More, More, More…” nahalata kaya ng mga ka-kulto ko na gusto ko pang maka-sama ng bonnga itong fafable na to? “We want more!” WOW, indemand kaming dalawa tonight, magandang sign toh. “Hey Nicky!” ay naku poh, ano bang nangyare? “Ha?” nawala na yata ako sa katinuan. “They’re asking for more, ayoko ng kumanta. Si Gino naman!” ok fine, kung ayaw, eh di ayaw. HELLO, MASUNURIN NAMAN AKO!!!

“You want more?” whooohooo… sigawan ang mga ka-kulto ko. “WE WANT MORE! WE WANT MORE!” gusto nyo ng more? Pagbibigyan kayo ni Nicky. “Ok, Ok. Since nabinyagan na natin si Nathan, syempre dapat binyagan na din natin yung isa pa nating bagong gimikero. Arvin, alam mo na!” hahaha, hinila na ni Arvin yung kaibigan nya na si Gino papunta ng stage. Naks, hindi nagpakipot effect, hindi kagaya nitong si Nathan, kailangan may kapalit pa. OH WELL NICKY!!! MAGANDA NAMAN YUNG HININGI NYANG KAPALIT, PABOR NA PABOR SAYO.

Tama na muna ang kaka-isip kay Nathan Russell na yan, eto na si Gino oh, ayan na sa harap mo. “Naks, ang pogi din ng isa pa nating bagong gimikero. Sisimulan ko na ba?” sisimulan ko na ba syang pagnasahan? Natin pala! Hahaha… “BINYAGAN NA YAN!!! BINYAGAN NA YAN!!!” gutom na naman ang mga babaeng alaga ko sa bar. Gusto na naman nilang makarinig ng lalaking kumakanta.

“Anong kanta ba gusto mo? Kailangan yung upbeat, yung masaya huh. Bawal ang emo sa bar ko!” wag kayong mag-alala, hindi naman ako galit sa kanya, nagpapa-alala lang. “ok, let me think first.” Ano ba yan, ang tagal… Pasensya naman, excited lang ako… pati sila! “Habang pumipili pa ng kanta ang bago nating gimikero, baka naman meron kayong gusting laruin?” hahaha, nagbunyi ang lahat maliban kay Nathan na mukang naiinip na. Excited na masolo ako? WOW NICKY!!! ISA KANG AMBISYOSA!!! “Meron na akong napili” all of a suuden bigla na lang nagsalita tong si Gino sa likod ko, nakaka-gulat naman sya. “Paano ba yan mga kapatid, kakanta na si Gino, may napili na daw syang kanya eh. Ano bang napili mong kanta?”

Friday, January 6, 2012

CHAPTER 13

BINYAGAN NA YAN!!!

NATHAN RUSSELL

Pinakilala kami ni Nicky sa mga babae na regular customers nya, kagaya ng sabi nya its something na ginagawa nila dito sa bar nya. Gusto nya magkakakilala lahat ng pumupunta sa bar nya, siguro para iwas gulo na rin. All I can say is kaka-iba talaga ang Natures Bar.

When Nicky introduced us to Jaime’s group, hindi na umalis sa tabi ko si Lalaine at Jaime. I know what it means, they like me. I look in the eyes of Nicky to tell her that I need her help to get out of these girls. But she just pouts and I found her so cute with that. Anyway, she didn’t get the message that I want her help; I don’t want her to think that I like these girls. Nicky suddenly rolled her eyes while looking at me, so she understands me that I need her help?

“Nathan, pwede ka bang maka-usap sandali, may itatanong lang sana ako sayo. If okay lang na naman na abalahin ka.” Anong akala nya, na e-enjoy ko ang dalawang babae na todo-kapit sa akin? “yeah, sure let’s talk outside para magka-intindihan tayo.” Sagot ko naman sa kanya sabay excuse sa dalawang babaeng parang sawa. I admit, Jaime and Lalaine are both beautiful and sexy pero, hindi ko talaga sila gusto. “Ok, follow me. Girls, hiramin ko muna sandali ang kaligayahan nyo ha.” May saltik ba tong babae na ‘to? “Ibalik mo sya agad Nick ha.” Pahabol ni sabi ni Jaime kay Nicky.

VERONICA SALVADOR

Oo na, tutulungan na kita jan, pasalamat ka boss kita at pogi ka, kung hindi, tutulungan pa rin kitang maka-alis sa tabi nila Jaime. Dapat ako lang ang lagi mong katabi, crush kaya kita Sir Nathan. Huh? Sinabi ko ba na crush ko si Sir, pwede bang bawiin ko? Wala akong panahon sa ganyan. “Nathan, pwede ka bang maka-usap sandali, may itatanong lang sana ako sayo. If okay lang na naman na abalahin ka.” Syempre naman kailangan ko muna syang tanungin diba, baka mamaya masyadong obvious na ayaw ko na katabi sya nila Lalaine. “yeah, sure let’s talk outside para magka-intindihan tayo.” Bakit kailangang sa labas pa? eh ang pagkaka-intindi ko sa tingin nya kanina eh tulungan ko lang syang naka-alis sa tabi ng dalawa kong gimikera? Taking advantage? Asa ka naman Veronica. At kailangan talagang magpaalam pa Sir, ayaw mo naman silang kasama diba? Nicky, it’s just a form of respect. Ok fine, whatever! “Ok, follow me. Girls, hiramin ko muna sandali ang kaligayahan nyo ha.” Hahaha… “Ibalik mo sya agad Nick ha.” Pahabol na sigaw ni Jaime, pero asa naman sya, kung pwede lang hindi ko na sya pababalikin jan.

“Oh Nathan, bakit?” kunwari wala akong alam. “Thanks for saving my life Nicky.” Saving his life, I do save his life, from where? “Huh?” tama bang tawanan ako? “I thought you get what I wanted to say just by staring straight to your eyes.” Timang na lalaking to, may araw ka din sa akin. “Oh pano, papasok na ako sa loob, nailigtas ko na pala ang buhay mo eh.” Bwisit na lalaking to. “Anyway, since nandito naman na tayo sa labas, can I ask you out for a cup of coffee?” Coffee? utang na loob naman, kape na naman? baka mamaya matapunan na naman nya ako, isusumpa ko na talaga sya na magiging asawa ko at hindi ako hihiwalayan. “Huh?” wala na ba akong ibang alam isagot sa mga tanong nya kundi huh? “Well, may gusto lang sana akong itanong sayo, if its ok with you, pero kung ayaw mo naman, ipapatawag na lang kita sa office ko tomorrow morning.” Talagang aabalahin pa nya ako bukas kung hindi ako papayag tonight? Hindi ba nya alam na kailangan kong tapusin ang payroll ko tomorrow as much as possible para walang masabi si Nesa? “Sir, may trabaho pa po ako bukas, kailangan ko pa pong tapusin ang payroll dahil baka bugahan ako ng apoy ni Mrs. Hilario kapag hindi ko yon naibigay agad sa kanya. And Sir, maaga pa po ang pasok bukas, kung iinom po ako ng kape ng ganitong oras eh baka pumasok ako bukas na parang zombie at mali-mali ang mailagay ko sa payroll, ikaltas pa yon lahat sa akin. Ayoko naman non Sir.” Ang haba naman ng sinabi mo Nicky, pwede namang sabihin na hindi pwede. “Ayaw mo talaga tonight? Bukas na lang ng umaga, mas ok naman siguro na mabugahan ka ng apoy ni MRS. HILARIO rather that i-deduct sayo lahat ng mali mong magagawa sa payroll.?!” Haaay, ang kulit naman ng nilalang na to. Nakalimutan ko, bago ko nga pala syang gimikero, patay ka sa akin ngayon, dumating na agad ang araw mo. “Sir!” oh, bakit naman ang sama ng tingin ng lalaking toh sa akin ngayon? “Its just simple NATHAN, don’t call me Sir dahil wala naman tayo sa office.” Wala nga tayo sa office pero “Sir, customer kayo ng bar ko, so mas ok na tawagin ko kayong SIR diba.?!” Nice one Nicky, nice one. “Ok, as your customer I am asking you to call each other in first name basis, ok?” eh ano pa nga bang magagawa ko, ok fine! “Ok, Nathan” naks, feeling close na talaga ako nito. Hahaha. “Nathan, papayag na ako na magkape tayo ngayon but, in one condition.” Patay ka talaga sa akin ngayon, it’s payback time. “Sure, what is it?” narinig nyo yon ha, sure daw. “Let’s go back inside cause we need to do something there, lets just say that it’s a form of baptism.” Hahaha… Go Nicky!!! “Ok?”

Mau-utot na yata ako sa pagpigil ng tawa ko sa itchura ni Nathan eh, parang gusto na nyang mag-backout sa deal namin. “Wait me here ok, don’t go anywhere else.” Parang bata lang eh no, pero um-oo naman sya. Pinuntahan ko kasi yung banda dun sa may stage, well hindi naman yun nagpe-performe, nandun lang yun jan in case na may bago kaming gimikero na kailangang binyagan kagaya nitong amo kong hilaw (ang puti nya kasi eh, tinalo pa ang kutis ko). “Jet Lag tayo tonight, may bago eh. Hahaha.” Si Bruce yung kausap ko, ang lead guitarist ng banda ng bar ko. “babae ba?” eto namang si Harvey mukang babae, sya naman ang rhythm. “Lalake no, dalawa nga sila pero yung isa muna, isip kayo ng iba pang kanta na duet ha.” Nakaka-excite, maganda kaya ang boses ni Sir, ay Nathan pala. “Sure Nick, madami kaming alam na kanta. Basta ipapakilala mo kami sa mga bago mong gimikera ha.” Isa pa tong si Alvin eh, muka ring babae.

Eto na to, this is it. “Good evening everyone! Are you having fun? Anyway, sorry to disturb all of you for cutting the beautiful party music. We do have two new gimikeros, so alam nyo na.” sigawan naman tong mga gimikero at gimikera ko, alam na alam na nila ang mangyayari eh. “Unahin muna natin yung isa. Please come here on stage, one of our new gimikero, NATHAN.”

NATHAN RUSSELL

Mali yata ako ng napasukan na deal sa babaeng yun ah, bakit kailangan ko pang pumunta ng stage? Nakakahiya! “Nathan, please come and join me here on stage.” Hay, pasalamat ka at may kapalit to. “Ayan, diba ang pogi ng bago nating gimikero, for sure marami ang magpa-pantasya sayo ngayong gabi Nathan.” Kaka-iba talaga ang babaeng to, walang preno ang bibig. Pero kung ikaw ang magpa-pantasya sa akin mamayang gabi, ok lang, ok na ok lang. “For sure you’re wondering kung bakit kita pinapunta dito sa stage. Cause here on Natures Bar, one of the weirdest bar in the Metro has some rituals for the new gimikeros and gimikeras, not ritual I can say. Ito yung tipong bibinyagan ka lang, and I’m pretty pretty sure na babalik at babalik ka dito sa bar na to because of it.” So ano nga yon, don’t tell me, all of them will take off their clothes until their birthday suit is the thing that’s left on. WOW! “Hindi toh kagaya ng naiisip mo. Sanay ka namang humawak ng microphone, right? Sanay ka rin naman for sure na kumanta? We will sing a Happy birthday song for you and your friend. Hahaha.” Naka-inom ba tong babae na to? “Simulan na yan Roni!” don’t tell me ginawa din to ni Arvin before? “BINYAGAN NA YAN!!! BINYAGAN NA YAN!!!” member ba ng kulto ang mga taong toh? Mukang masaya naman ang sinasabing baptism ni Nicky so parang babalik at babalik ako sa bar nya. Maybe this is one of the reason why her bar has a lot of customers, and I think they are long-time customers. Hindi naman nakakapagtaka if this bar has so many party-goers, everyone enjoys, everyone is smiling and laughing hard like there’s no tomorrow. Magaling lang siguro talagang makisama si Nicky kaya ganito kasikat at kasaya ang bar nya. Para ngang isang invitational party to eh, lahat kasi ng tao dito parang magkaka-kilala. Pero happy birthday song ba talaga ang kakantahin ko? Wait, sabi nya WE so it means, kaming dalawa ang kakanta, THIS IS AWESOME!!!

Monday, January 2, 2012

CHAPTER 12

Playful Cupid…

VERONICA SALVADOR

“Alam mo kasi Gabby, hindi naman kakainin ng isang text ang buong oras mo. Mahal mo naman si Janice diba, bakit hindi mo na lang intindihin ang kaartehan nyang jowa mo?” ang babaw lang naman pala ng problema nitong dalawa na to eh. MAY BAGO PA BA DON??? “At ikaw naman Janice, intindihin mo na lang din si Gabby kung hindi ka nya nate-text oras-oras kung nasaan na sya, anong ginagawa nya, at kung sino ang kasama nya. Wala ka bang tiwala sa kanya?” bakit ba ako ang kailangang umayos sa issue ng dalawa na to eh, wala naman akong alam sa mga problema ng mag-syota. “Naks, pwede mo ng palitan si DJ Jaydee” gagong Steve to ah. Wala kaya akong balak na maging love adviser, baka lalo lang akong ma-bitter at maging old-maid ako. Yikes! “Hoy Steve, manahimik ka jan. DJ ka jan, hindi ko pinangarap maging DJ no.” asan na nga ba ako? Ano na nga ba yung pinag-uusapan namin? “Okay, ganito na lang Gabby and Janice. Para wala na kayong problema, bakit hindi na lang kayo maghiwalay at maging mag-kaibigan na lang?” joke lang yun, ayokong mag-suggest ng break-up no. “Joke lang, ganito na lang no, hanggang kaya mo naman Gab na magtext at i-inform ang gf, gawin mo na lang para hindi nyo na ulit pagtalunan yan. At ikaw naman Janice, isipin mo na lang na hindi lang naman sa iyo umiikot ang buhay nya, may trabaho din yan, may ibang ginagawa. Kung hindi sya makapag-text sayo, sabihan mo na lang sya ng ingat sa kung nasan man sya. Intindihin mo na lang sya. Intindihin nyo na lang ang isa’t-isa. Ganon lang kasimple yon.” Ikaw naman ang magkaron ng mga kaibigan na ganito. “Oh pano, jan na muna kayo at pupuntahan ko pa yung bago kong mga gimikero. Umayos kayo.”

NATHAN RUSSELL

Bigla na lang kaming iniwan dito sa table ni Arvin at may nilapitan na babae pero ang tawag nya ay RONI. Well, mukang maganda yung babae, astig pumorma. “Sino kaya yung nilapitan ni Arvin, gf nya?” tanong ko kay Gino na pumapasyal ang mga mata sa bar, humahanap yata ng babae. “Malay ko sa isang yon. Wag mo ng pansinin yon, malaki na sya. Pare, ang daming magandang babae dito, kita mo ba yung mga babae dun sa isang table?” Sabi ko sa inyo eh, gumagala ang mga mata nya sa kakahanap ng magandang babae. “Ui, nakita nyo ba yung babaeng nilapitan ko kanina. Sya yung may-ari nito.” So, iyon palang astig pumorma na yon ang may-ari nito. “Eh akala ko ba ipapakilala mo kami sa kanya? Nasaan na sya, bakit hindi mo sya kasama?” excited talaga syang makilala namin ang may-ari nito. “Kakausapin lang daw nya sandali yung mga kaibigan nya, tapos pupuntahan na daw nya tayo.”

Nakita ko yung babae na kausap kanina ni Arvin na tinawag nyang Roni na papunta sa lugar namin. While she’s on her way here, binabati sya ng lahat ng mga tao dito sa bar. Maganda yung pakikisama nya sa mga customers nya kaya siguro madami ang pumupunta dito. “Ayan na pala sya eh.” Sakto naman ng dumating sya sa table namin eh, may nagtext sa akin kaya hindi ko agad nakita ang itchura nya. “Hello Miss, I’m Gino Clarkson.” Narinig ko yon, ang bilis talaga nitong si Gino pagdating sa babae, hindi ko na naunahan. “Roni, these are my friends, si Gino at si Nathan.” Napilitan na akong mag-angat ng tingin dahil ipinakikilala na kami ni Arvin sa may ari ng bar. “Nicky?” nagulat talaga ako, never pumasok sa utak ko na si Nicky ang may-ari ng bar na to. “Ikaw ba talaga yan Nicky?” ngumiti naman sa akin si Nicky at talaga namang para akong tinamaan ng pana ni kupido sa ngiting ibinigay nya sa akin. “Ako nga Nathan, may problema ba?” walang problema Nicky, as in wala. Meron pala, parang nai-inlove na yata ako sayo, to think that we just met early today. “Wala naman,nagulat lang ako. Anyway, nice place.” Nakita ko na si Arvin at Gino e nakatingin lang sa amin. “Wait, wait, wait! Magkakilala na kayong dalawa?” nalilitong tanong ni Arvin, samantalang si Gino ay nakatingin lang kay Nicky. “Yup, isa sya sa Junior Accountant ng company na pinapatakbo ko ngayon.” Gulat si Arvin eh, pero si Gino, hindi maalis ang tingin sa babaeng mahal ko na yata. “Ok ka lang Sir?” tanong ni Nicky kay Gino, napansin nya kasi na naka-tulala lang sa kanya ang bestfriend ko. “Huh? Ah, yeah, I’m just fine. What’s your name again?” wag yan Gino, sa akin na yan eh. “I’m Veronica Salvador, one of the owners of this bar? You enjoying?” Ano bang meron sayo at parang ang lakas ng dating mo sa aking babae ka?

VERONICA SALVADOR

“Yeah, it’s a pretty and unique place. And I think, mapapadalas ang punta ko dito.” NAGPAPA-CUTE BA ANG LALAKING TO??? Sorry na lang sya, wala akong mata pagdating sa mga ganyan. “Thank you, that’s nice to hear. I’m sure you’ll enjoy every minute of your staying here.” Pero may itchura tong si Gino, hindi nalalayo kay Sir Nathan, mag-ano kaya sila? At bakit ka naman interesado VERONICA MANCINI SALVADOR??? Kaka-sabi mo lang wala kang oras sa mga ganyan diba?! “Ahm, Nicky how come na nagta-trabaho ka pa sa ACC? You have your own business naman pala.” Eto talagang si Sir napaka-tanong na tao. “Eh Sir…” pinatigil nya ako sa pagsasalita, baket na naman? “Nathan na lang, wala naman tayo ngayon sa ACC, remember?” oo nga naman. Eh pero bakit ba, nasanay ako na Sir ang tawag ko sa kanya eh. “Ok, sabi mo eh. Nathan, sa tingin mo ba, makakapag-invest ako sa business na to if wala naman akong ibang source of income? Hindi diba, ano beh.” Epal din tong si Arvin eh. “Magkakilala pala kayo pare, pero hindi mo naman nasabi sa amin ni Gino.” Taena din tong si Arvin kung bumanat ng tanong eh, hindi nga alam ni Nathan na sa akin to eh. Naks Nicky, feeling close ka na talaga, Nathan na lang eh. “Arvin, hindi ko nga alam na sya pala ang may-ari nito eh.” Basag kang Arvin ka, eto namang si Gino, nakakaloko na, kanina pa ako pinagmamasdan. Is this his way to seduce girls, ang titigan ng bonggang-bongga? Well, sorry Gino, wala pa nga akong time sa ganyan ngayon, maybe in the future. Maybe in the future ka jan Nicky. “Ahm, Gino right? May dumi ba ako sa muka? Wag ka namang tumitig ng ganyan, feeling ko ang pangit ko eh. Hehe!” nakakahiya kayang magsabi ng ganon, diba? “Ang ganda mo nga Nicky eh, mabuti hindi ka nagkakaron ng eyebags kapag nagpupuyat ka dito?” hay nako Gino, ngayon ka lang kasi napunta dito kaya hindi mo alam na bihira lang akong magpunta dito. “Ano ka ba Gino, hindi talaga magkakaron ng eyebag ang isang yan dahil bihira lang naman syang magpuyat dito eh.” Yan ang regular gimikero ko, si Arvin. Alam na hindi ako dakilang gimikera na inaabot ng umaga sa bar. Hahaha! “Anyway, Gino and Nathan gusto nga pala kayong makilala nung iba kong regular gimikeras dito, pwede ba?” remember Jaime? Sa kanila ko sila ipapakilala. “Bakit ako hindi kasama?” epal talaga minsan tong si Arvin eh, kilala na kaya nya sila Jaime. Naging ex pa nga nya yung isa sa grupo na yun eh. “Arvin Miranda, kila Jaime ko sila ipapakilala. Kung gusto mong kuyugin ka ng mga iyon at saka bugbugin, tara at samahan mo ang mga kaibigan mo.” Veronica grabe ka! Hindi ka na na-conscious sa pagsasalita mo, ang po-pogi nyang kaharap mo parang babaeng kanto ka kung magsalita. Who cares naman, eh sa ganito talaga ako eh. “Sige Gino at Nathan kaya nyo na yan. Wag nyo akong intindihin dito, kaya ko ang sarili ko. Oh, pano Roni, doon muna ako sa maganda mong barista.” Kitams, takot sa ex nya si Arvin saka type nya rin naman si Aira, pakipot lang. “So, tara na? Baka nagtataka kayo kung bakit ipapakilala ko pa kayo sa kanila, lahat kasi ng mga gimikero at gimikera ko magkakakilala kaya kahit hindi nila yun sabihin, ipapakilala ko pa rin kayo sa kanila.”

And so ayun na nga, ipinakilala ko na sina Jaime, Trixie, Charise, Lalaine at Yuna na ex ni Arvin. Halata sa reaksyon ng mga babae na to na type nila yung mga bago kong gimikero, hahaha. Si Jaime at Lalaine ang type eh si Sir Nathan, samantalang si Trixie at Charise eh si Gino. Si Yuna? Wala lang, ayaw nya dun sa dalawa. Sinundan ko ng tingin yung tinititigan nya, ahh… Si Arvin at Aira pala na nagkukulitan sa counter ang pinagmamasdan. Tingin ko mahal talaga nitong si Yuna si Arvin eh, gago lang talaga minsan si Arvin. Eto pang isa, si Gino. Akala mo kanina kay tino at isang ONE WOMAN MAN, hindi rin pala. Sabagay, sa gandang lalake nya, imposible naman na magseryoso ang isang katulad nya. Etong mga babae eh, talaga namang enjoy na enjoy. Eh anong klaseng tingin naman yan Nathan? Bakit parang nagmamaka-awa ka jan na hilahin kita jan sa tabi ni Lalaine at Jaime? Hindi ka ba nag e-enjoy? Dalawang babae na yang katabi mo hindi ka pa rin mag-enjoy? Grabe ka naman pala ka-gahaman sa babae Nathan. Hahaha! Gusto ko sanang sabihin ng malakas kaya lang hindi pwede, customer pa rin yan, sayang naman kung hindi na sya pupunta dito diba? Eh di tuwing pupunta ako dito, kukulitin nila ako kung bakit hindi na nagpupunta dito ang lalakeng to. Ayoko nga! Gusto ko rin kaya syang makita lagi! Hahaha!