Friday, December 9, 2011

CHAPTER 5

What is “UNLI”?

NATHAN RUSSELL

Ano bang pinagsasabi nitong babae na to? Sino naman ang isusumbong ko? She’s so funny, ang sarap siguro nyang maging kaibigan. “So si Mrs. Hilario pala ang Head ng Accounting Department. And anong tawag mo sa kanya, Dragonesa? Alam mo Veronica, nakakatuwa ka.”

“Sir its Nicky. Veronica is a long one so Nicky Sir, NICKY!” kakaiba talaga ang babae na toh. Ito na ba yung karma ko na sinasabi ng magaling kong kapatid na si Tasha? She’s not my type, ang daldal kaya nya at parang ang daming alam na kalokohan sa katawan. “Ok Nicky, kumalma ka lang jan ok? Wala akong balak na isumbong ka sa dragonesa mong head. Gusto ko lang syang maka-usap dahil may kailangan ako sa kanya. And don’t worry, kahit i-kwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina sa lobby, hindi pa rin sya magagalit sayo dahil ako ang may kasalanan.”

Bakit ba nag-aaksaya ako ng panahon na paliwanangan ang babaeng to? “Ah, ganon po ba Sir? Ok po, pasensya naman po. Eh teka nga po pala Sir, kailangan nyo pa po ba talaga syang puntahan? Diba, pwede naman po na tawagan nyo na lang yung dep’t namin tapos ipadala nyo na lang yung mga files na kailangan nyo.?” Ang kulit naman nitong babae na to eh. “Bakit ba parang ayaw mo akong papuntahin sa dep’t nyo. Diba nga, sabi ko namn sayo, hindi naman kita isusumbong sa kanya.?!”

Kayo lang naman ang inaalala ko Sir, baka kasi mapagod kayo. Joke lang po, sige po Sir punta na tayo sa Accounting Dep’t.” Ganito rin kaya sya makipag-kulitan kay Mr. San Pedro? “Nicky, kaya gusto kong pumunta sa office ninyo ay para makilala ko kayong lahat personally. Ayoko naman na hindi ko kilala yung mga tauhan ko at mga ka-trabaho ko. Anyway, wala ba talagang prescribed uniform ang ACC sa lahat ng employee?” napansin ko kasi na wala silang uniform, kanya-kanya silang porma. Pero itong si Nicky ang pinaka-malupet pumorma, akala mo may meeting na pupuntahann kung pumorma, well, kanina yun, nung hindi ko pa sya natatapunan ng kape. Pero ngayon ang porma, parang namamasyal lang sa Universal Studio, naka-cardigan na manipis na kulay gray, panloob na kulay white at light brown na short. Yung porma nya nung bago ko sya natapunan ng kape eh talaga namang ang hot nyang tingnan. Ganun kaya sya lagi kapag pumapasok?

Sa naisip ko na yon parang na e-excite akong pumasok araw-araw para makita kung ano ang isusuot nya kinabukasan. Hoy Nathan, kailan ka pa naging interesado sa isusuot ng babae? Mangamba ka na, dahil baka sya na nga ang karma mo. “Sir, obvious naman na wala kasi kung meron hindi mo na ako makikita dito. Sa totoo lang Sir, ang corny kasi kapag may uniform pa, paano na lang kung hindi ka kumportable sa uniform diba? Kaya salamat kay Mr. San Pedro at hindi nya naisipan na magpa-uniform. Except sa mga security guards at janitors.”

“Pinapayagan kayo ni Mr. San Pedro na ganyan ang suot nya dito sa office?” sabay tingin ko sa legs nya. “Sir, dito ang tingin sa mata ko, wag jan sa legs ko.” at inangat nya ang muka ko at iniharap sa muka nya. “Sir, ngayon lang naman ako nagsuot ng ganito dito sa office dahil ito lang ang available na pwede kong isuot. Saka Sir, walang naglalakas-loob na magsuot ng short dito kasi madaming unli.”

Unli? Unlimited? “Anong unli?” nakakalokong kausap ang babae na to, parang lumaki yata sa kanto. “Hindi mo alam yung unli? Ang ibig sabihin ng unli ay…” wag nyo ng alamin, kaya nga ibinulong na lang nya sa akin eh, baka kasi mabigla kayo. “Babae ka ba talaga? Bakit kung magsalita ka para kang lalake? Sa kanto ka din ba ng Tondo lumaki?”

“Alam mo ba Sir kung nasaan ang Tondo? Yan ang hirap sa inyong mayayaman eh, masyado nyong minamata ang mahihirap. Sir, hindi naman lahat ng nakatira sa Tondo ay kagaya ng iniisip nyo.” So, isa syang batang Tondo? Pero parang masyado naman yata syang maganda at makinis para maging isang batang-Tondo. Sa kaka-isip ko kung saan taga-tondo nga ba ang babaeng kausap ko at pakikipag-usap sa kanya eh, hindi ko namalayan na nasa Accounting Dep’t. na pala kami at wala na sya sa tabi ko, dahil nasa tabi na sya ng mga kasamahan nya.

VERONICA SALVADOR

“Oi bruha, bakit ka pinatawag ni Sir?” ang ganda naman ng bungad na tanong sa akin nitong si Maan. Hindi ba nya napansin na kasunod kong pumasok si Sir? “Bruha, mamaya ka na magtanong at nanjan si Sir.”

Kasalukuyan namang nag-uusap na si Mam Dragonesa at ang bago naming boss. Sana naman wag talaga akong isumbong nitong lalaking to sa babaeng bumubuga ng apoy na si Mrs. Hilario. Eh bakit parang ako yata yung pinag-uusapan nila? Kung makatingin naman tong si Mrs. Hilario parang napakalaki ng kasalanang nagawa ko, hindi ko naman sinasadyang sabihin yung “alam mo na yun” word sa harap ni Sir Nathan eh.

“Nicky, bakit ang tagal mong bumalik, ano bang pinag-usapan nyo ni Sir?” eto pa ang isang chismosang si Stacie, kinakabahan na nga yung tao dahil baka maihaw ako ng buhay ni Mam Lorry eh tanong pa ng tanong. “Ang pogi pala ni Sir sa malapitan.” Dumagdag pa tong si Grace.

Bro, kunin nyo na po ako, ayoko pong pumanaw na sunog. “Ano ba naman kayo, mamaya nyo na nga ako kausapin sa lunch break, ang dami ko pang dapat gawin.” Eh bakit hindi eh, ilang oras din akong nawala, malapit pa naman na ang payroll kaya Haggardo Versosa na naman ang drama ng buhay ko. “Kung ayaw mo sa kanya friend, sa akin na lang sya ha.” Saan naman napulot nitong si Stacie na ayaw ko kay Nathan? Hahaha. Wow, feeling close, Nathan na lang ang tawag.

Hoy kayo ngang tatlo jan eh magtrabaho, hindi ko kayo pinapa-sweldo para tanungin ako na parang artista.” Tawanan sila eh, sa mga hirit ko naman kasi diba. “Alam mo Nicky, nagtataka talaga ako kung bakit hanggang ngayon never ka pang nagka-jowa eh. Maganda ka naman, sexy, matalino, may sense kausap pero bakit walang nanliligaw sayo?” Malapit ko ng mapektusan tong si Grace eh, sinabi na ngang mamaya na ang chismisan at madami akong gagawin, sukat ba namang tanungin pa ako tungkol sa lecheng lovelife na yan. “Hoy Veronica Salvador, gawin mo na yang payroll para may anda tayo sa weekend. At kayong tatlo, wag nyo ng tanungin ng tanungin tong si Nicky baka hindi pa tayo sumweldo nyan. Mamaya na lang sa lunch break para mawalan ng ganang kumain at tayo ang makinabang. Hahaha.” Luka-luka din tong si Maegan, akala ko ba naman makakaligtas na ako hindi pala. Pati pagkain ko napag-interesan pa, kaya tumataba ang bruhang yun eh.

Hay naku talaga naman, nakaka-inis ang lamesa ko, ang dami-daming papel ang daming kalat. Kailan ba lilinis to? Kailan ba to mawawalan ng papel? Ok Nicky, cool ka lang, easy, steady pulse. Malapit naman na ang lunch break, isang oras na lang. Eto na, magsisimula na akong mag-input ng details para sa payroll. Mukang aabutin na naman to ng dalawang araw at kalahati para matapos ko to. Sana lang walang kahit na anong distraction para kaya kahit dalawang araw lang, pero alam ko naman na imposible iyon dahil ako at lagi na lang ako ang paborito nilang topic at tanungin ng tanungin, hindi naman ako artista.

Heto na talaga, magsisimula na ako, seryoso na. “Ms. VERONICA SALVADOR” Leche, sino na naman ang tumatawag sa akin?

2 comments:

  1. nakow nathan!!! ahahaha!!!

    walang wala ka kay nicki!!! hahahahaha!!!

    unli amputek!!! unlimited? paano kasi sa legs siya nakatingin! tsk!

    ReplyDelete
  2. anung unli?..haha..inosente po...

    nagbackread talaga ako..exciting ang story..im lovin it :)

    ReplyDelete