Tuesday, November 15, 2011

I Finally Found The One

INTRODUCTION



I’m Veronica Salvador and I just turn 23 last week, and at my age right now, alam kong maraming magbabago sa buhay ko. Anyway, you can call me Nicky for short, tama yan, panglalaki nga ang nickname ko. Noong bata pa daw kasi ako, para daw akong lalake kung kumilos pati daw mga kalaro ko puro lalake. Pero hanggang ngayon naman, mostly lalake pa rin ang mga kaibigan ko pero meron din naman na mga girls; yung mga girlfriends nung mga kaibigan kong lalake. At first parang nagseselos pa sa akin yung mga girlfriends nila, but I explain to them naman that hindi kami talo ng mga kaibigan ko, and I also assure them that they had nothing to worry about. So ayun, magkakasundo na kami, kaya nga kapag may tampuhan sila, ako yung nagiging tulay nila para magkabati eh. I just want to clear things, hindi ako lesbian and hindi kapwa babae ang hanap ko. Lalake pa rin naman ang type ko, its just that, wala pa akong nakikilala o hindi ko pa nakikita ang lalakeng para sa akin.

My parents decided to retire at the age of fifty since pareho naman silang may ipon and wala na rin naman silang pinag-aaral. Ang Ate ko isang Engineer and she still supports our Mom and Dad and also me. Nasa Spain na ngayon ang parents namin ng Ate ko, si Ate? Nasa Dubai sya ngayon until next year dahil meron syang international project. Wala pa ring asawa ang Ate ko kasi nga, ang busy nyang babae. Pero sana naman may makilala na sya na lalake na magpapatibok ng pihikan nyang puso, 26 na kasi next month ang Ate ko, she’s not getting any younger diba. Dalawa lang kami ng Ate ko so talagang close kami, except pagdating sa make-up. Ang Ate ko kasing si Venus eh talaga namang mahilig sa make-up. Nung nagsabog yata ang Dyos ng katangian na mahilig sa make-up eh sinalo nya yata ang 3/4 nun. At bilang nakababata nyang kapatid, ako ang ginagawa nyang model. Sabi ko nga sa kanya before bakit hindi Cosmetology ang kinuha nyang course eh, mahilig sya sa make-up. First love daw nya talaga ang numbers so Engineering ang kinuha nyang course. She also love dress-up games, and again bilang younger sister nya eh, ako ang nakita nyang gawin na mannequin.

I work sa isang Construction Company as Junior Accountant. Well, ok naman ang trabaho ko, ok naman ang kita, ok din ang mga kasama ko sa trabaho. It looks like everything seems to be okay but, I know there is something wrong or maybe something or someone is missing in me. And I can’t explain what the hell that is. Mabait ang boss namin so talagang ang swerte namin ng mga kasamahan ko. Pero merong balita na papalitan na daw yung current CEO ng Company so syempre, bilang nasanay sa maganda at mabait na pamamalakad ni Mr. San Pedro sa Company parang natakot kami ng marinig namin ang balita na yun. Hindi na raw kasi si Mr. San Pedro ang major stock holder ng Company so, hindi na sya dapat ang nagma-manage nito. I heard isang Nathan Russell ang bagong mamamahala ng Construction firm. Anong klaseng tao kaya sya? Anong klaseng boss kaya sya, mabait kaya kagaya ni Mr. San Pedro o kabaligtaran? Bata pa yung Nathan Russell na yun o matanda na? Wala naman akong pakelam kung bata pa ba yun o matanda na, hindi naman ako ang secretary nya, saka hindi rin naman namin sya makakasama, so why make it a big deal kung bata sya o thunders na diba?!

Ang lovelife ko? Wala, as in ZERO, ITLOG!!! Hindi naman ako mapili, hindi ko pa nga lang sya nakikita. Hindi kaya ang bagong CEO ng company ang lalake na para sa akin? Hay, ano ba naman tong naiisip ko, hindi pa naman ako desperada, hindi ko pa nga sya nakikita, ganon agad ang naiisip ko. Pero sana naman mabait sya diba!

________________________________


I’m Nathan Russell, 26 years of age and at that age; my Dad gave me a heavy duty on my shoulder. I need to manage the Amethyst Construction Company; I’ll be the CEO of that company, what a big responsibility huh. Anyway, I don’t wanna talk about that, lets talk about my friends. Gino is my bestfriend and he knows almost everything about me, even about my past relationships. He’s always there to help me out to all of those girls na talaga namang ang kukulit. Hindi naman sa pagmamayabang eh, biniyayaan ako ng ka-gwapuhan at ng magandang katawan so hindi nakakapag-taka na habulin ako ng babae. Never pa akong naging seryoso sa isang babae, masyado pa akong bata para pumasok sa isang serious relationship. Wala pa rin sa vocabulary ko ang salitang COMMITMENT, allergic ako sa word na yan. Except kay Gino meron pa akong ibang mga kaibigan na katulad ko, ayaw ng commitment at ayaw magseryoso.

Ano ba ang gusto ko sa isang babae? Syempre yung mabait, understanding, submissive, caring, maganda, sexy at higit sa lahat eh yung hindi demanding. Sakit na kasi ng babae ang pagiging demanding kapag nasa isang relasyon; ang resulta? Nasasakal ang mga katulad kong lalake na sanay na malaya, so ang tendency is makikipag-hiwalay na lang ang isang katulad ko.

My parents are in U.S. to manage our business there and ako ang ipinatapon nila dito sa Pilipinas to manage the ACC. Dalawa lang kaming magkapatid ni Natasha and katulad ko, wala rin syang hilig sa business dahil ang passion nya talaga ay ang pagiging isang model. Hindi katulad nya na may choice, ako wala akong choice as in wala talaga. So kahit na magwala ako sa bahay namin na never kong gagawin, wala talaga akong choice kundi i-manage and bagong company na si Papa ang major stock holder.

Mabalik naman tayo sa usapang babae, which is my favorite topic. Excited akong pumasok sa ACC dahil ang balita ko, maraming magandang babae dito, at hindi naman ako nabigo. Madami nga pala talagang magandang babae dito at hindi lang basta maganda, sexy at nasa early twenties lang din nila. Feeling ko magiging exciting and masaya ang pag-stay ko sa Pilipinas dahil sa dami ng magagandang babae. But at the first day of my work here at ACC, while I’m on my way to my office and holding a cup of coffee that I bought before I came here, hindi ko napansin ang isang babae na nakatayo sa harap ng elevator na kabubukas lang. What happened next is natapunan ko sya sa likod ng mainit na kape na hawak-hawak ko.

No comments:

Post a Comment