Thursday, November 17, 2011

I FINALLY FOUND THE ONE


CHAPTER 1

Meet the Bitter and the Better

VERONICA SALVADOR

Good morning! Hay, Monday na naman so it means another week na puro papel at numbers na naman ang makikita ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako, gusto ko naman ang trabaho ko, its just that nakakasawa na rin kung minsan. Anong oras na ba? Baka mamaya ma-late pa ako, ngayon pa naman ang first day nung Mr. Russell as CEO ng company. Maaga pa naman pala so hindi ko kailangan madaliin ang sarili ko. Biglang nag-ring ang telephone ko sa kwarto so napilitan na akong bumangon mula sa mala-ulap kong kama.

“Hello! Who’s this?” sagot ko sa tumawag sa akin. Si Mama pala yung tumatawag. “Kamusta ka jan anak? Nagka-usap na ba kayo ng Ate mo?” kaya mahal na mahal ko yang si Mama eh, hindi pwedeng hindi sya tatawag sa loob ng isang araw. “Ok lang po ako Ma, kakagising ko lang. Si Ate po ba? Hindi ko pa po sya nakaka-usap eh. Bakit po, may nangyari po ba?” Oo nga pala, ngayon ko lang naalala, isang linggo na pala syang hindi tumatawag sa akin. Ano na kayang nangyari sa luka-luka kong kapatid na yun?

“Wala naman anak, tumawag kasi sya kanina at sinabi nya na uuwi sya dito sa Spain.” Si Ate, uuwi sa Spain, baket? “Uuwi jan si Ate? Bakit daw po?” Sa pagkaka-alam ko kasi, ayaw ni Ate sa Spain tapos doon sya ngayon uuwi. Teka, ilang araw sya doon? Kailan sya uuwi dun? “Ma, kalian sya uuwi jan?”

“Wala naman syang nabanggit kung kalian, pero ang sabi nya may ipapakilala daw sya sa amin.” Wow, bago yun ah, si Ate may ipapakilala kila Mama. “Lalake Ma? Naks, may jowa na si Ate. Baka Ma direcho pamanhikan na yan. Sayang naman at wala ako para ma-witness yang pamamanhikan ng Kuya kong hilaw. Hahaha.”

Natawa si Mama sa sinabi ko, kasi naman si Ate na yata ang Reyna ng masusungit, tapos ngayon may ipapakilala kila Mama at Papa, apaka intriguing. “Sana nga Nicky at ng magkaron na kami ng apo ng Papa mo.” Exciting, kapag nag-asawa na si Ate, magkaka-anak na sila at magiging Tita na ako. “Ikaw ba, may boyfriend ka na ba jan?”

Sus naman tong si Mama kung magtanong, parang magkasing-edad lang kami ni Ate ah. “Mama, ang bata ko pa masyado para sa ganyan, 23 lang po ako. Hhindi pa naman ako napag-iiwanan. Saka Ma, wala po akong panahon sa ganyan ngayon.” Masyado akong busy sa trabaho at mga kaibigan ko. Pero sa totoo lang, natatakot akong ma-inlove dahil sa nakikita ko sa mga kaibigan ko eh, parang ang sakit lang sa ulo. Imagine, magkasundo ngayon tapos maya-maya lang magkagalit na. “Sige na po Ma, tatawagan ko na lang po kayo mamaya, baka po ma-late pa ako eh, first day daw po nung bago naming CEO.”

“Oh sige Nicky, mag-iingat ka jan ha.” Napaka-caring talaga ni Mama, kahit nasa malayo sya, parang nasa tabi ko lang sya.

NATHAN RUSSELL

This is it! This is the day; this is my first day as the CEO of Amethyst Construction Company. Well, I hope this will be a good and productive day, I want to give a nice impression to everyone.

“Mang Carding sa ACC po tayo.” Mejo late na akong nagising so hindi na ako naka-kain ng breakfast, kahit nga ang uminom ng coffee hindi ko na nagawa. “Ah, daan po muna pala tayo sa Starbucks.” First day ko as CEO tapos darating ako sa office na hindi pa man lang nakakapag-kape. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tauhan ko?

“Yes, hello?” Si Ms. Alarcon pala yung tumawag, she’ll be my personal secretary. Sana lang she can reach my expectation. Pero balita ko naman wala namang naging reklamo ang dati nitong amo na si Mr. San Pedro sa kanya towards her work. “Sir, you’ll meet all the Vice-Presidents of the company at exactly nine thirty in the morning at the conference room. The conference room is located at the 15th floor of the building.”

Ano kayang itchura na secretary ko? Miss pa sya so it means wala pa syang asawa, tatagal kaya sya sa akin? “Ok, is that all?”

“I’ll tell your schedule for the whole day Sir after your meeting with the Vice-Presidents. Gusto nyo po ba na puntuhan ko kayo sa entrance ng building?”

Ano naman ang akala nga sa akin, hindi alam kung saan makikita ang 15th floor? “No Ms. Alarcon, I can manage I’ll just call you once I can’t find the conference room. Bye.”

Kakatapos lang ng pag-uusap namin ni Ms. Alarcon sa phone eh, heto at may tumatawag na naman sa akin. Ang magaling kong kapatid na si Natasha. “Hello Tasha, wazzup?” I call her Tasha just to tease her, for sure her nose crumpled like a paper after I call her that way.

“Oh come on Kuya, wag mo nga akong matawag-tawag na Tasha, ang pangit eh.” Nag-inarte pa ang kapatid ko, pasalamat sya at maganda sya, mana sa kuya eh. Hahaha. “Oh, bakit napatawag ka, may problema ba?”

Natasha my sister is a ramp model and she really excels into it. Madaming manliligaw ang kapatid ko na yan but, she’s still single. Just like me, she doesn’t like commitments right now, maybe when the right time comes. “Wala naman kuya, I just wanna ask how you are doing. Diba first day mo as CEO ng Amethyst Construction Company, so how was it?” Nakuha pa akong tanungin eh dapat sya na lang ang nandito at hindi ako. “I’m on my way to the office and hopefully, maging maganda ang first day ko. Pero mukang hindi na kasi inunahan mo agad eh. Hahaha.”

“Oh come on kuya, don’t say that. If ever that your first day as CEO will be one of the biggest EPIC FAIL in this world, it’ll be your entire fault and not mine. Wala akong kinalaman sa mga gagawin mo jan no.” Epic fail pala huh, we’ll see. “Sige na, I need to hung up for now, I’ll buy my coffee first.” We just arrived at the nearest Starbucks at the office. “You know what kuya, ngayon pa lang isa ka ng Epic Fail. Imagine, first day mo as CEO tapos hindi mo man lang nakuha na mag-breakfast sa bahay. For sure inumaga ka na naman sa bar dahil sa panloloko mo sa mga babae.”

Sermonan ba ako ng magaling kong kapatid na nagmana lang din naman sa akin. “Natasha Russell, pareho lang tayo kaya wag mo akong pagsabihan ng ganyan dahil isa ka ring katulad ko. And FYI sis, hindi ko sila niloloko, I put all my cards down but still, gusto pa rin nila.” Alam naman ng mga babae na nakakasama ko for a very short period of time that I do hate commitments and a demanding girls. “Alam mo kuya, feeling ko nasa ACC ang karma mo. Jan mo makikita at makikilala ang babae na makakapagpabago sayo. Nathan Russell, from a certified playboy to ONE WOMAN MAN. Ang ganda kuya, ang ganda ng karma mo. Hahaha. Bye. I know you’ll thank me because I made your day so, you’re very much welcome. Hahaha.”

Karma? I don’t believe in karma. Sira-ulo talaga ang kapatid kong yon, daig pa naman nun ang mangkukulam. Once na may sinabi sya, mangyayari talaga. Damn that Tasha, she really knows how to piss me off.

No comments:

Post a Comment