Monday, February 27, 2012

Chapter 19

Nakaka-tanga talaga ang LOVE na yan!!!

VERONICA SALVADOR

“Bakit naman ganyan ang muka mo? Napagalitan ka ba ni Sir?” huuuu… lagi na lang ako ang nakikita nila, hindi naman ako artista! “Wala lang! Mga bru, mami-miss ko kayo!” hindi ko na sasabihin sa kanila yung plano ko na mag-resign, for sure pipigilan lang nila ako! “Ano ka ba naman Nicky, pra isang Linggo ka lang naman mawawala!” sorry Maan, next week ko na sasabihin sayo kapag nasa Spain na ako, para naman hindi mo ako sermonan! “Hoy Nicky, pasalubong namin ha! Kahit lalake lang, ok na!” eto talagang si Grace, lagi na lang lalake ang nasa isip. “Sa akin yung pinaka-masarap na pagkain nila don.” Ito naman si Maegan, pagkain. Haaaay!!! Eto ang isang dahilan kung bakit ayokong umalis dito, kaya lang hindi ko na talaga kaya. Ayoko ng makita ang Nathan na yon, baka kasi lalo lang akong mahulog tapos hindi naman pala nya ako sasaluhin. Wala pa sa plano ko ang masaktan!

Oo, tama nga, magsisimula ng mahulog ang loob ko sa kanya. Imagine, sa loob lang ng dalawang araw, minahal ko na sya! GRABE, NAKAKA-TANGA TALAGA ANG LOVE NA YAN! Ayoko naman na dumating pa sa point na hindi ko na sya kayang hindi makita, kaya ngayon pa lang, dapat tinatapos na toh! Kaya etong gagawin ko, alam kong tama. Sa Spain na muna ako, kila Mama na muna ako para naman kahit paano makalimutan ko na agad sya.

“Hoy Veronica, natulala ka na jan, may problema ba? Hindi ka ba pinayagan ni Sir?” hay Maan, kung alam mo lang. “Hindi, anu ka ba! naalala ko lang yung sinabi ni Ate kanina, ikakasal na daw sya next next week!” syempre pa nagulat din sila. “Talaga? Eh bakit parang hindi ka masaya?” syempre masaya ako, masaya talaga ako para sa Ate ko, pero nalulungkot ako dahil bukas, wala na ako dito! “May naalala lang kasi ako, sabi kasi ni Ate, ako ang bridesmaid nya, kaya lang wala pa akong gown, hindi pa ako nasusukatan. Hindi pwedeng pangit ako sa kasal ni Ate, nakaka-hiya!” arrrraaaaay!!! Tama bang batukan nila akong tatlo ng sabay-sabay? Masakit yun ha! “Aray naman, mga walangya kayo! Sandali nga, magpapa-book na nga ako ng ticket papuntang Barcelona!!!” at ayun, bigla silang nag-alisan, pero wala pang 2minuto ay eto na naman sila.

“Nicky, eto ha, paki na lang! Anjan na din yung pambili, if kulang, paluwalan mo na, mayaman ka naman!” gaga talga tong si Maan.

“Eto naman yung sa akin Nicky, konti lang naman yan, saka puro cosmetic products lang yan! Kahit isang LV na bag, ok na sa akin na pasalubong.” Cosmetics lang naman pala, gusto pang sa Spain bilin, parang adik lang tong si Grace.

“Yung sa akin Nick, alam mo na! Basta yung sa tingin mo masarap ha! And, ikamusta mo na rin kami kay Tito at Tita. Kayong dalawa kayo, yung pabili nyo lang yung naalala nyo.” Obviously, si Maegan ang nagsabi nyang mga linya na yan, pagkain eh!

Grabe, mami-miss ko ang mga bruhang toh!!! Kahit si Mam Dragonesa mami-miss ko!!!! “Oi bru, bakit umiiyak ka jan? May problema ka ba??? Ano bang nangyayare sayo? Sinasaniban ka na naman ba ng masamang elemento?” lalo tuloy akong napa-iyak, kaya ayun, pati si Mam Nesa nilapitan na rin ako! “Nicky, ano bang problema, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?” lalo na naman akong napa-iyak, kasi naalala ko si Mama sa kanya. “Mam Lorry, mami-miss din kita! Lahat kayo mami-miss ko!!!” at umatungal na naman po ako ng iyak. “Para kang tanga Veronica, isang linggo ka lang naman naka-leave.” Eto namang si Mam Nesa, panira ng moment, kung alam nyo lang, kung alam nyo lang talaga!

NATHAN RUSSELL

I don’t know why she hated me after what happened this morning. Akala ba nya gusto ko rin yung mga nangyare? Akala ba nya nasiyahan ako na nakita nya ang lahat sa akin? PERO NATHAN, MALI PA RIN YUNG SINIGAWAN MO SYA!!! What’s wrong with that? Hindi na nya ginalang ang posisyon ko dito sa kumpanya, ako ang CEO dito at Accountant lang sya, Junior Accountant lang sya to be exact! Pinag-iinit nya ang ulo ko, damn!

“Belle, paki-connect ako sa Accounting department.” Hindi ko sya papayagan na mag-leave. “Ok Sir.” So namemersonal ka Nathan, ganun ba yon? “Can I speak to Ms. Salvador?” tapos ngayon gusto mo syang maka-usap, wari ka pa jan Nathan eh, gusto mo lang marinig yung boses nya. “One moment Sir.”

After less that a minute, si Nicky na ang nasa line. “This is Nicky speaking.” Bakit parang bagong iyak yung boses nya? “Please come to my office now.” And I put the phone down on its cradle. Shocks!!! Bakit ba nagkaka-ganito ako? After a couple of minutes, she arrives.

“Sir may kailangan po ba kayo?” bakit namumula ang mata nya? Umiyak ba sya? Oh men!!! umiyak sya dahil nasigawan ko sya! “Please be seated Ms. Salvador.” At umupo naman sya. “I’m sorry…” yun pa lang ang nasasabi ko pero nagsalita na agad sya. “No Sir, I am sorry, it’s my fault, and it’s really my fault. Sorry po if naging masyadong feeling close ako sa inyo, but don’t worry Sir, that will never, ever happen again.” Kita mo na, sorry lang sinabi ko pero sya, ang haba. “Ok, let me finish first. I’m sorry because I can’t give the one week leave that you want. There’ll be lots of paper works that you need to finished first.” She still remains silent… “It’s okay Sir. Is that would be all Sir? Wala na po ba kayong ibang sasabihin or kailangan?” shit! Why she became like this? Bakit masyado na syang pormal? “Can I ask you something?” bigla ulit syang lumingon after what I said. “Ano po yon Sir?” Sir, sir, sir… bakit Sir? DIBA NATHAN IKAW NAMAN ANG MAY KAGAGAWAN NYAN?! “Umiyak ka ba? Bakit ka umiyak, may problema ba? May nangyari ba?” tinitigan nya muna ako ng ilang minuto, at sa mga sandali na yon, parang iiyak na naman sya. “Wala po Sir, may naalala lang po ako. Wala na po ba kayong ibang tanong?” why it has to be this way? Bakit ganito, bakit parang ibang Nicky Salvador na ang nasa harapan ko? “Sir Nathan, thank you po!” after she said that, umalis na rin sya agad.

“Hello?” good timing ang pagtawag ni Natasha. “Hey Kuya, kailan ang bakasyon mo?” as if naman na pwede akong magbakasyon diba? “I’ll be in Spain next week, why?” kinakabahan ako sa mga ganitong tanong ni Natasha, balak pa yatang sumabit. “Can I come with you? Bakasyon kasi ako this month.” Sabi na nga ba eh. “Ikaw ang bahala! Kamusta ka naman?” kahit naman kasi sabihin ko sa kanya na hindi pwede, ipipilit pa rin nya ang gusto nya, kaya mas ok pa na BAHALA na lang ang isagot sa kanya. “Okay naman dito kuya, tahimik kasi wala ka. Ikaw, kamusta naman kayo ni Miss Karma mo?” pano ko ba sasabihin sa kanya toh? “Ahm… we’re not ok at this moment.” She frowned. “God, what did you do?” bakit kapag si Nicky ang pinag-uusapan namin, parang lagi na lang na ako nag mali? “Pinagalitan ko lang naman sya, sinusungitan nya kasi ako dito. Ipinaalala ko lang naman sa kanya na ako pa rin ang CEO ng kumpanya na pinapasukan nya.”

Ilang minuto na hindi nagsalita si Natasha, tanda na naiinis sya sa akin. Tama lang naman yung ginawa ko diba? “Tell me, ano bang topic nyo kanina nung nag-uusap kayo?” ano nga ba? oh sheet!!! Our topic has nothing to do with this business, it’s a personal matter. “It’s a personal matter, I asked her kung bakit sya magli-leave, and she told me na pupunta sya ng Spain to visit her family there.” Kung katabi ko lang si Natasha ngayon, sigurado ako na nabatukan na ako ng babae na yon. “See… it’s a personal matter naman pala between the two of you, pero nagawa mo syang sigawan. I know, I know you’re the one who asked her to come in your office to talk about something. And that something is about what happen this morning!”

2 comments: