Friday, February 24, 2012

Chapter 17

Affected Much!!!

NATHAN RUSSELL

What happened a while ago is one of my most forgettable unforgettable experiences. She just saw me NAKED! Goddamn it! Paano ko ngayon sya haharapin without feeling awkward? GAGU KA KASI NATHAN, SA DAMI NG KWARTO NG BAHAY MO DUN MO PA SYA PINATULOG SA KWARTO MO! Darn!

“Hello!” shete, si Natasha pala yung tumatawag, nasigawan ko pa. Masama pa namang sinisigawan ang babaeng toh. “Bakit mo ba ako sinisigawan? Kung galit ka sa mundo, wag ako ang pag-buntunan mo! Leche flan ka!” sabi ko naman diba, masamang nabubungaran ng sigaw ang kapatid kong yan eh. “Look Natasha, I’m sorry. Something unexpected happened that’s why I’m not in the mood.” She sigh as a sign that she understands. “Tell me what happened, you still have time, it’s too early pa for your work there.” Should I tell her or not? I must tell her, she’s not just my baby sister, she’s also my bestfriend. “Someone saw me naked!” oh well, she gave me a small laugh over the phone. “Para namang wala pang nakaka-kita sayo na naka-birthday suit ka lang. Sa dami ng babae mo, nakita ka na nilang na naked. Anong bago doon?” oo nga Nathan, anong bago doon, eh madalas namang makita ng babae na naked ka lalo na nung nasa States ka pa. “But sis, this is a different thing! My… should I say your so called karma of mine saw me naked!”

“Oh my gosh! Really?”

“Yeah.”

“How does it happen?” she’s really interested to hear everything when it comes to her so called karma of mine ang pinag-uusapan. “It’s a long story Nat. I have to go, I need to drive.” Alam ko na ang susunod na sasabihin nitong napaka-galing kong kapatid. “Oh well Kuya, have a safe trip and GOODLUCK! Hahaha!”

VERONICA SALVADOR

“Good morning po Mam Lorry, eto na po yung payroll ko.” mabuti na lang natapos ko sya bago mag-lunch break. Ewan ko na lang kapag may nasabi pa tong si Mam Nesa.

Sheet! May isa pa nga pala akong payroll, yung para naman sa Natures. “Bru, kain na tayo. Tapos ka naman na sa payroll mo eh.” Eto talagang si Maegan, lagi na lang gutom, hinding-hindi mo yan mauunahan na mag-yaya kapag kakain. “Sandali lang, liligpitin ko lang yung kalat ko dito.” Kasi naman, nagkalat ang mga papel sa table ko. “Nicky, kamustang gimik mo kagabe, ok ba?” hindi ko alam kung guni-guni ko lang na parang may ibig sabihin yung tanong ni Grace eh. “I can’t say na disaster, pero masaya naman kahit paano. Bakit mo naman naitanong?” talaga naman oh…muka ba akong lasing pa? “Kasi mukang bangag ka pa rin hanggang ngayon eh.” Hindi naman ah, ok naman yung ayos ko, hindi naman ako namumutla. “Alam mo kasi Veronica, hindi naman masama kung ibabalik mo yung dati mong nakagawian na every Fridays ka lang pumupunta ng bar. Tingnan mo nga yang sarili mo, tulala ka, para kang adik.” Grabe naman tong si Maan, muka ba akong adik? Parang hindi naman! “Wag nga kayong praning jan! May naalala lang kasi ako, tangna naman kasi, bakit ba nakita-kita ko pa yon, hindi tuloy matahimik ang kaluluwa ko.” ok Nicky, maghanda ka na ng kasinungalingan kung ano yung nakita mo, dahil siguradong hindi ka patatahimikin nyang mga yan! “At ano naman yung nakita mo Veronica at nagulo ang nananahimik mong kaluluwa?” oh diba, tama ako. Hindi titigil ang tatlo na yan hanggat hindi nasa-satisfy sa sagot ko. “Lalake ba yan Nicky? Share your blessings naman!” kung Maegan puro pagkain, etong si Grace naman lalake. Dapat yata sya ang laging kasama nung mga tropa kong bugok eh! “Grace Punongbayan, muka kang lalake, hayaan mo na kay Nicky ang lalaking yon ng magkaron naman ng bago sa buhay ng isang yan.” Ano ba naman tong si Maan, hindi ko naman kailangan ng lalake… sa ngayon. “Oo nga naman Gracia! Malay mo kapag nagka-jowa na ang isang yan eh ilibre tayo araw-araw.” Wala na talagang tatalo kay Maegan sa hilig sa libre. “Sabagay, malaki rin ang matitipid natin kapag nangyari yon. Sige Nick, sayo na yang lalake na yan. At payong kaibigan lang, kapag niligawan ka, wag ka ng magpakipot, oo na agad. Baka mamaya kasi mauntog yan, tapos matauhan hindi ka na ligawan.” Mga sira-ulo talaga tong mga kaibigan ko. “Wag kang mag-alala, kapag niligawan ako nung lalake na yon, ibibili ko sya ng helmet, yung pinaka-matibay, para kahit mauntog sya o kaya mabagok, hindi sya matatauhan.” Tawa naman tong mga toh.

Papunta na nga pala kami ng cafatertia kasi etong si Maegan eh hindi tumigil kakahila sa akin. “Nicky, ano bang itchura nung lalake na sinasabi mo? In love ka na ba sa kanya?” hanep naman sa tanong tong si Maan, ang wagas. Pag ba sinabing nagulo ang mundo ng dahil sa isang tao, LOVE na agad? Di ba pwedeng CRUSH muna? “Kailangan nyo pa bang malaman? Pwede bang wag na?” kasi naman, pano ko ie-explain sa kanila yung itchura ni Sir na naka-birthday suit lang? Saka nakakahiyang ikwento yon. NICKY NAMAN KASI, KALIMUTAN MO NA YON! “Oh, umorder muna kayo bago nyo pag-usapan yang bagong lalake nyang si Veronica.” Nakakawalang-gana namang kumain.

“Good afternoon Sir” hindi lang naman si Sir Nathan ang tinatawag na Sir dito. Eto talagang si Grace, lahat na lang ng makita binabati. Kung may Ms. Friendship na award ang kumpanya taon-taon, malamang si Grace at si Grace lang ang mananalo. “Sir Nathan, sabay na po kayong kumain sa amin.” Kung maka-yaya naman tong babae na toh, mukang magpapa-libre na naman. “Don’t worry Sir, ikaw naman ang ililibre namin.” Baka ikaw lang Maegan, wala akong balak ilibre ang tililing na lalake na yan. “Upo po kayo Sir.” Maan naman, bakit sa harapan ko mo pa yan pina-upo, wala na nga akong ganang kumain yang impakto pa na yan ang iniharap mo sa akin. “Hoy Nicky, wag ka ngang mag-ala Ninoy Aquino jan. Naka-harap ka sa pagkain ganyan ang itchura mo.”

“May problema ba Ms. Salvador?” sus, nakuha mo pang mag-tanong jan! VERONICA NAMAN KASI, BAKIT BA MASYADO KANG AFFECTED SA NANGYARI KANINANG UMAGA? Hello naman, ngayon lang ako naka-kita ng ganon, syempre shock pa rin ako hanggang ngayon. “Wala po Sir Nathan.” Natapos na nga tong pagkain ko ng maka-alis na ako dito, may gagawin pa akong payroll. “Hoy, bakit nagmamadali ka naman ngayong kumain?” Maan naman, alam mo naman ang sagot sa sarili mong tanong eh. “Maan-tot… alam naman nating pareho kung baket.” Nalukot ang muka ng bruha ng tinawag ko syang Maan-tot, ang baho naman kasi talaga. Hahaha. “Pwede ba.?! Oo na, gagawa ka ng payroll ng Nature ngayong lunch break mo. Baka naman mamaya Veronica eh magkasakit ka nyan? Gabi-gabi ka na namang nagpupuyat.” Yang si Maan, parang si Mama lang yan, hindi nakakalimutang magpa-alala. Kaya naman mahal na mahal ko ang Maan-tot na yan ee. “Inay, tuwing payroll lang naman ako na ha-Hagardo Verzosa. Atchaka hindi ako gabi-gabing nagpupunta sa bar, every other night lang.” talaga naman ee, minsan nga kapag inabutan talaga ako ng katamaran eh twice a week lang, masama ba yun? “Naka-punta na ba kayo sa bar ni Nicky?” Syempre naman, sila pa bang mahuhuling pumunta doon? “Yes Sir! Hindi nga po makaka-ila na si Nicky ang nagpapa-takbo nun ee.” Tiningnan ko si Grace na parang nagtatanong na PWEDE NAMANG YES SIR NA LANG ANG SAGOT, BAKIT MAY KARUGTONG PA? “Kaka-iba po yung Natures Bar na yan, parang yung may-ari lang!” isa ka pang Maegan jan, wala kang libreng snack sa akin sa Friday! “Yeah! That bar is so awesome, I really enjoy every minute of my staying there. If naka-rating na kayo doon, eh di kumanta rin kayo?” Sir Nathan naman, tumahimik ka nga jan, nabu-buwisit na ako sayo ee.

2 comments:

  1. ayiiieh affected much si nicki, akala mo siya yung nasilipan ng alaga! hahahaha!!!

    sipag mag-update! post pa sis! pede?

    ReplyDelete