Friday, February 24, 2012

Chapter 18

Parang meant to be talaga!!!

NATHAN RUSSELL

Nakita ko si Nicky at yung mga kaibigan nyang accountants sa cafeteria kaya naman pinuntahan ko sila. “Good afternoon Sir” si Grace na lang lagi ang unang nakakakita sa akin tuwing lalapit ako sa kanila. EH SINO BA GUSTO MONG UNANG BUMATI SAYO? SI NICKY? YUNG BABAE NA NAKITA NA SAYO ANG LAHAT-LAHAT? “Sir Nathan, sabay napo kayong kumain sa amin. Don’t worry Sir, ikaw naman ang ililibre namin.” Ano naman ang problema nitong babae na to at ang tahimik, naka-tulog naman sya ng maayos sa bahay ko, sa kwarto ko to be exact. “Upo po kayo Sir. Hoy Nicky, wag ka ngang mag-ala Ninoy Aquino jan. Naka-harap ka sa pagkain ganyan ang itchura mo.” Ayan kasi, ayaw umayos. Bakit ba kasi aliw na aliw ang pakiramdam ko kapag nakikita ko sya?

“May problema ba Ms. Salvador?” tiningnan lang nya ako saglit at saka sumagot ng “Wala po Sir Nathan.” Anong problema nito, bakit biglang binilisan ang pagkain? Nagtanong lang naman ako kung may problema ba sya eh. “Hoy, bakit nagmamadali ka naman ngayong kumain?” nilunon muna ni Nicky ang laman ng bibig nya at saka nagsalita. “Maan-tot… alam naman nating pareho kung baket.” Eh bakit nga ba kasi? “Pwede ba.?! Oo na, gagawa ka ng payroll ng Nature ngayong lunch break mo. Baka naman mamaya Veronica eh magkasakit ka nyan? Gabi-gabi ka na namang nagpupuyat.” Sige Maan, pagalitan mo yang babae na yan. Kung ako lang ang boyfriend nya, hindi ko hahayaan na pabayaan nya ang sarili nya. “Inay, tuwing payroll lang naman ako na ha-Hagardo Verzosa. Atchaka hindi ako gabi-gabing nagpupunta sa bar, every other night lang.” tama naman sya don, sabi nga ni Arvin hindi laging nagpupunta si Nicky sa bar. “Naka-punta na ba kayo sa bar ni Nicky?” ayain ko nga sila minsan, mukang masaya silang kasamang gumimik. “Yes Sir! Hindi nga po makaka-ila na si Nicky ang nagpapa-takbo nun ee.” Sa sagot ni Grace na yon, tiningnan ng masama ni Nicky ang kabigan nya. “Kaka-iba po yung Natures Bar na yan, parang yung may-ari lang!” tama ka jan Maegan. Ginawa rin kaya nila yung ginawa namin ni Gino nung unang punta nila doon? “Yeah! That bar is so awesome, I really enjoy every minute of my statying there. If naka-rating na kayo doon, eh di kumanta rin kayo?”

“Mauna na ako sa inyo mga bru! Alam nyo na!” teka lang, gusto ko syang maka-usap. NATHAN, WAG NA NGAYON DAHIL BUSY NGA SYA DIBA.?! “Ms. Salvador, please come to my office at exactly three in the afternoon.” Para-paraan lang yan. “Malamang sir afternoon, wala naman na kayo sa office nyo ng three ng madaling araw.” Pilosopong babae! “Ano kayang nangyari sa babae na yan kagabi at ang lakas ng toyo ngayon?” ano nga bang nangyari kagabe? “Hay nako Maegan, wala ng bago sa lakas ng toyo at topak nyang babae na yan, hindi na kayo nasanay.” Muka ngang wala sa mood si Nicky, ipa-cancel ko na lang kaya yung meeting naming dalawa mamayang three? “Grace, hoy mga babae tara na at kukulitin ko pa si Nicky dun sa lalake nya.” Teka, nasa bar lang naman sya kagabi ah, at ako lang yung kasama nya buong magdamag. Sino yung lalake na yon? “Sir, mauna na po kami. Masamang naiiwang walang bantay si Nicky kapag ganyang may topak.” Gusto ko sanang tanungin si Maan kung bakit kaya lang lumakad na sila palayo. “Ano nga kaya yung nakita ni Nicky at hindi mapakali ang kaluluwa nya?” SHEEEET!!! AKALA KO BA MAY SAKIT SYANG KALIMOT? Kailangan ko talagang ituloy yung pakikipag-usap ko sa kanya mamayang hapon.

VERONICA SALVADOR

Nakaka-bwisit na nilalang na yon, may nalalaman pang meet me at my office. Ayoko na nga syang makita tapos may ganon pa, mag-uusap pa kami ng KAMING DALAWA LANG! Pakshet na yan! Mag-resign na lang kaya ako? SUS NAMAN VERONICA, KAILAN KA PA NATUTONG SUMUKO NA LANG? MAHAL MO ANG TRABAHO MO DIBA?! Eh kasi naman, bakit ba kasi kailangan pa naming mag-meeting, what I mean is, bakit ngayon pa, bakit ngayong may nangyare na hindi maganda. HINDI KA BA NAGANDAHAN SA NAKITA MO VERONICA? Nakakatakot kaya yung nakita ko, my gosssshhhhh… paker na buhay toh… I think kailangan kong mag-bakasyon… OO! TAMA! MAGBABAKASYON NA LANG AKO SA SPAIN

“Mam Lory, mag fi-file po ako ng ONE MONTH LEAVE. Pwede po ba?” Nicky, one month? Seryoso ka? “Let me see… wala namang nag-file ng ibang leave, sige. Kailan mo ba balak mag-leave?” hay salamat! Pa-kiss naman Mam Lory! PWEDE PO BANG ASAP? “Next week po sana Mam, uuwi po kasi ang Ate ko sa Spain, so, I want to surprise them.” Sa mga palusot naman Nicky, parang tunay. “Ok, sabihin mo na lang din kay Mr. Russell.” WHAT??? Kailangan ko pa ba talagang sabihin kay Sir Nathan? Pwede bang wag na lang? “Eh Mam, bakit kailangan pa pong magsabi kay Sir Nathan?” kasi naman ee… “Ano naman ang problema doon Ms. Salvador? Even before, kapag mag magle-leave, nagpapaalam kay Mr. San Pedro.” Malay ko naman diba, ngayon pa lang kaya ako magle-leave. “Ok, po. Sige po Mam, sasabihin ko na lang po kay Sir.” Nakaka-bwisit naman na yan… Ano naman ba kasi ang kinalaman ni Sir Nathan sa pagle-leave ko? ANONG KINALAMAN NI NATHAN??? SIMPLE LANG, NAKALIMUTAN MO NA MAY SAKIT KANG KALIMOT! KAYA NGA HINDI MO MAKALIMUTAN YUNG NAKITA MO EE. “Ahm.. Mam Lory, paano po kapag sinabi ni Sir na hindi ako pwedeng mag-leave?” nakakita ka lang ng ANO na-tanga ka na… “Wala tayong magagawa kapag sinabi nya na hindi pwede.” Anong wala, hindi pwede yon. Kailangan kong pumunta ng Spain sa ayaw at sa gusto nya. Magre-resign ako kapag hindi nya ako pinayagan.

NATHAN RUSSELL

“Ms. Belle, paki-clear naman ang schedules ko starting next week until the following week. I’ll be in Spain on that time.” Ikakasal kasi yung isa sa mga kaibigan ko, and best man ako. I can’t say no. “Ano pong sasabihin ko sa kanila kapag hinanap po nila kayo? Should I tell them the truth or should I say a false reason?” matalino talaga tong secretary ko, hindi ko naisip yon. “I’ll think about it first.” Teka nga, 3pm na ah, bakit wala pa rin dito si Nicky? “Belle, patawag naman sa Accounting Department, then paki-remind si Ms. Veronica Salvador na may meeting kami ngayon. Thanks.” Sinabi ko naman na sa kanya na EXACTLY THREE, tapos wala pa rin sya dito hanggang ngayon… “Ok Sir.”

I’m currently reading papers that need my sign ng biglang bumukas yung pinto ng office ko. Hindi ako sigurado kung kumatok ba ang nag-bukas ng pinto ng office ko. “What the… Hindi ka ba sanay kumatok?” tapos biglang niluwa ng pintuan si Nicky na naka-taas ang kilay. “Sir, I already knocked for four times, pero hindi naman kayo sumasagot, what do you want me to do then?” gezaz!!! Bigyan nyo po ako ng mahabang pasensya sa sutil na babae na toh, malapit ko na syang mahalikan sa inis. WOW NATHAN, NANGHAHALIK KA NA PALA KAPAG NAIINIS KA! “I’m sorry, I didn’t hear that. Please have a seat Ms. Salvador.”

“Tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin Sir?” masyado namang pormal ang isang toh, nakaka-panibago. “It’s about last night and this morning.” Pagkasabi ko nung last night, biglang nalukot yung muka nya, halatang hindi sya interesado. “Sir, wag na nating pag-usapan yung mga nangyare, ibaon na lang natin sa limot. Isipin mo na lang po na wala akong nakita na kahit na ano. At kalimutan nyo din po na sa bahay nyo ako natulog kagabi.” Ganun lang yon? Kakalimutan na lang lahat? Paano kung may nangyare pala sa amin, ganun na lang yon? Wala syang balak na panagutan ako? HALA!!! ANO NA NAMANG KABALIWAN ANG PUMASOK SA UTAK MO NATHAN! IKAW PA TALAGA ANG DAPAT PANAGUTAN HA! IBA KA MEN! IBA KA!!!

Eh ano pang dapat kong sabihin sa kanya, ayaw na pala nya na pag-usapan ang tungkol doon, gusto nya na kalimutan na lang! “Sir, magpa-paalam lang po sana ako, I’ll file a one week leave next week.” Magpa-paalam eh magfi-file na pala sya, she leave me no choice kundi pumayag, bago lalo pang magalit sa akin ang isang toh! “Ok, but can you tell me kung saan ka pupunta?”

VERONICA SALVADOR

Kailangan ko pa ba talagang sabihin? Nakaka-irita na sya ha! “Sa Europe po, I’ll visit my parents there.” At least sinabi ko sa kanya kung saang continent ako pupunta, hulaan na lang nya kung saan sa Europe. “Where in Europe to be exact? Pupunta din kasi ako doon next week.” WHAT??? Oh no, baka mamaya pareho pa kami na sa Spain pupunta, eh sya nga ang isa sa dahilan kung bakit ako magba-bakasyon ee. “Kailangan ko pa po ba talagang sabihin?” kasi naman, napaka-chismoso naman nitong bago naming CEO. “Yes! So now, tell me.” Haaay… “And that’s an order from your CEO Ms. Salvador.” Oh sige, gamitan mo ako nyang posisyon mo. Sapakan na lang kasi. “Barcelona, Spain Sir.” Oh, eh bakit kailangan pang ngumite? May dahilan ba para ngumiti? “Really? Akalain mo nga naman, sa Barcelona din ang punta ko next week. Ikakasal ang bestfriend ko doon.” Tinatanong ko ba Sir? As if naman na interesado ako. Ay teka lang, sino ba tong tumatawag? SI ATE??? “Ahm… Sir, ok lang po ba if sagutin ko to?” at talagang tinanong pa nya kung sino yung tumatawag. “Yeah, sure.”

“Hello Ate!” aray naman, kung maka-sigaw naman tong si Ate, ang sakit sa eardrums. “Nica!!!!” ayan na naman ang kadiri na tawag nya sa akin. “Nica na naman! sabi ng wag mo akong tatawagin ng Nica eh. Ang pangit kaya!” hay nako, ano ba naman tong si Ate, ang lakas ng boses. “I’m getting married baby sis!” what? Tama ba yung narinig ko, ikakasal na sya? Sinong malabo ang mata ang pumatol sa Ate ko? “Weh, hindi nga!” hindi kasi talaga ako naniniwala, sabi lang kasi ni Mama, may ipapakilala si Ate, tapos ngayon kasal na agad! Joke ba toh? “Yes. And the reason why I call you is para sabihin na ikaw ang bridesmaid, kaya mag-file ka ng leave mo and pumunta ka na agad dito.” Akala naman nya ganung kadali mag-file ng leave. “Kailan ba magpapatiwakal yung lalake?” hahaha…maituturing na isang pagpapa-tiwakal ang pagpapa-kasala sa ate ko na mas malakas pa ang topak kesa sa akin. “Next, next week na sis. Kaya punta ka na dito.” Hay nako, ganito ba tlaga ka-hyper ang mga ikakasal? Parang naka-drugs lang? “Sige na Ate, tawagan na lang kita mamaya, nasa meeting ako ee. Bye!” at pinatay ko na yung phone ko.

“Nica pala ang tawag sayo ng Ate mo! Nice name!” isa pa tong lalake na toh, pag-untugin ko pa silang dalawa ni Ate ee. “Sir, ano po, wala na po ba tayong pag-uusapan?” eh kasi naman, nasasayang ang oras ko dito. “Anong araw ang simula ng leave mo? Sabay na tayong pumunta ng Barcelona.” Ha! Patawa talaga tong si Nathan! “Thanks but no thanks Nathan. Kaya kong pumunta ng Barcelona ng mag-isa.” ANG TAPANG MO TALAGA NICKY!!! ANG TAPANG-TAPANG MO! “Bakit ba ang sungit mo sa akin Ms. Salvador? Baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang boss mo dito!” eh ano ngayon ang gusto mong mangyare? Ok fine, I’ll say sorry! “I’m sorry Mr. Nathan Russell.” Peste ka talagang lalake ka! Magre-resign na ako! OO, MAGRE-RESIGN TALAGA AKO!!! AND I’LL DO THAT FIRST THING IN THE MORNING!!! “Go to your department now Ms. Salvador.” Ms. Salvador mong muka mo! This will be the last time na makikita ko ang pag-mumuka mong damuhong lalake ka! “Ok po!” haaaaaayyyyyy!!!!!

2 comments:

  1. talaga lang nicki ha! mag-reresign ka... hmmm...
    if i know! ay dapat pala nica! hahaha, mas kyut pala yun!!! >__<

    ReplyDelete
  2. ang cute naman ng story na to hihi!..parang si bestfriend ni CEO at si ate ni Nica ang ikakasal :)

    ReplyDelete