Thursday, February 23, 2012

CHAPTER 15

LQ Agad???

VERONICA SALVADOR

Hanep ah, ang ganda din ng boses ni Gino. Ano yung kinanta namin? IF WE EVER MEET AGAIN of Timberland and Katy Perry lang naman ang kinanta namin. Sigawan ang mga girls after ng kanta namin, ang daming fans…

“You know what Nicky, this is one of the best bar na napuntahan ko na!” naks naman, mukang nag-enjoy tong si Gino ah. “Thanks to that! Anyway, I have to go there. Bye” kahit naman pogi yun, hindi ko sya type, parang sasakit lang ang ulo ko kapag sya ang nagustuhan ko. Teka nga, nasaan na nga ba si Nathan, diba dapat magkakape kami? “Aira, Pol, kayo ng bahala dito ha, uuwi na ako, may pasok pa ako bukas.” Eh mukang wala naman na si Nathan eh, eh di uuwi na lang ako, kaya ko namang bumili ng sarili kong kape. “Don’t worry Nick, kami na ni Pol ang bahala. Ingat ka, bye!” mapuntahan na nga yung mga wasalak kong mga kaibigan, magpa-paalam na rin ako. “Nicky, nasaan na si Nathan? After nyang kumanta hindi na namin ulit sya nakita.” Ay nako Jaime, nagkamali ka ng taong pinag-tanungan, ako din hindi ko alam eh. “Hindi ko rin alam eh. Baka anjan lang yung sa sulok-sulok. Mauna na ako ha.”

Alam mo yung feeling na gusto mo ng magkaron ng boyfriend kasi nakikita mo na ang sweet nung mag-ligaw na nagkalat sa lahat ng dako ng bansa! Ganyan ang feeling ko ngayon kasi naman parang ngayon lang ulit nagkita ang magjo-jowa na toh after so many years. “Hoy, may malapit na kwarto jan. Wag kayo ditong gumawa ng milagro. Mauna na ako! May pasok pa ako bukas.” Ok, wala na namang pumansin sa akin, ang galing diba?! “Alam mo kasi Nicky, mag-boyfriend ka na rin, steady naman na ang trabaho mo, tapos may business ka pa, yun na lang kasi ang kulang sayo kaya saksakan ka ng sungit at suplada.” Gagung Steve to ah. Ako, masungit at suplada? …Hindi naman masyado. “Whatever Steve! Bye, bayaran nyo yang orders nyo.”

Anong oras na naman ako nito makakarating sa bahay? Tapos bukas kailangan ko pang tapusin yung payroll ng ACC, tapos gagawa pa ako ng payroll ng NB, tapos baka matuloy na yung pagpapaturo ni Sir Nathan dun sa mga reports ko. Iniisip ko pa lang yung mga dapat kong gawin bukas parang tinatamad na akong pumasok. “Nicky!” ay kalabaw!!! Sino bang kutong-lupa na yon na walang pasintabi kung gulatin ako? “Saan ka pupunta? Diba may usapan pa tayo?” sus, si Nathan lang pala! Wala naman akong balak na takasan sya, eh malay ko ba na nandito pa rin sya? Saka malay ko rin ba na seryoso pala sya na gusto nyang tumira ng kape sa ganitong oras ng gabi. Parang adik lang! “Nandito pa pala kayo Sir, akala ko kasi umuwi na kayo.” Ooops, bakit Sir na naman ang naitawag ko sa kanya? Nag-iba tuloy yung aura ng muka nya. “Nathan! Just call me Nathan outside the office.” Eh bakit galit sya? Bakit ang sungit nya? “Eh bakit sumisigaw ka? Hindi ako binge, mabibingi pa lang kung lagi mo akong sisigawan…bwiset!” lintik na gwapong lalake to, eh ano ngayon kung gwapo sya at pinag-kalooban ng sandamakmak na sex-appeal! Wala syang karapatan na sigawan ako lalo na at hindi naman oras ng trabaho. “Magkape kang mag-isa mo!” ngayon nagmuka kang maamong pusa jan, bwiset na araw talaga toh, wala na bang ibang kamalasan ang darating? WALA NA BA?

“Shet!” oo, SHET talaga. Siguro naman eto na yung huling malas na darating sa akin ngayon. FLAT TIRE! GAAAAAAHHHHHH!!! Gusto ko ng magwala sa inis, bakit ba ang malas ko ngayon? Naging mabuting bata naman po ako kahapon.

NATHAN RUSSELL

Gagu ka talaga Nathan, bakit mo sinigawan si Nicky eh tinawag ka lang naman nyang Sir? “Eh bakit sumisigaw ka? Hindi ako binge, mabibingi pa lang kung lagi mo akong sisigawan…bwiset! Magkape kang mag-isa mo!” ano ka ngayon Nathan Russell? Kahit na saksakan ka pa ng gwapo at yaman, mukang hindi ka uubra sa isang Veronica Salvador na parang kakambal na yata ang tigre kapag nagagalit. “Shet!” grabe talaga ang babae na toh kung magpakawala ng bad words. BUTI NGA SHET LANG! AT LEAST SHE KEPT HER PROMISE NA HINDI MO NA ULIT MARIRINIG MULA SA KANYA YUNG “ALAM MO NA YUN” WORD. “What’s the matter?” oohh… flat tire… “What’s the matter mo muka mo. Dun ka na nga, ikaw yata ang malas sa buhay ko eh.” Ako? Malas? Kailan pa naging malas ang mukang toh? “Don’t put the blame on me Nicky, hindi ko kasalanan kung bakit malas ka today.” Oh sige Nathan, bwisitin mo pa lalo si Nicky. “And why not Mr. Russell? First, tinapunan mo ako ng kape sa likod, na-late ako ng dahil sayo. Hanggang ngayon wala pa rin sa kalahati yung payroll na dapat kong gawin dahil na-late ako. Tapos ngayon, ikaw na naman ang kaharap ko, na-flat-an pa ang sasakyan ko. Ggggrrrrrr……” ang cute pala nya kapag galit na galit. “Umalis ka nga sa harapan ko at baka mabasag ko yang muka mo sa sobrang inis ko sayo.” Ano ako, tanga? Bakit kita iiwan mag-isa dito, kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya kasalanan ko pa. “I’ll drive you home!” naks naman, totoo ba yan Nathan? “Wag na, baka magkaron pa ako ng utang na loob sayo.” Ang tigas naman ng ulo ng babae na toh. “Get in the car, please.” Tinitigan lang nya ako sabay sabing “Ayoko, baka mamaya kung ano pang gawin mo sa aken.” Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanya o maiinis eh. Nakakatuwa kasi hindi sya basta-basta nagtitiwala, pero ang nakaka-inis eh yung pagbintangan nya akong may gagawin na hindi maganda sa kanya. Sa gwapo kong toh, hindi ko na kailangang mamilit, sila pa nga ang lumalapit. “Please, get in my car and I’ll drive you home. It’s already 12midnight.” Eh Nathan, wala ka ba talagang gagawin na hindi maganda sa kanya? “A-Y-O-K-O… ayoko!”

Inuubos talaga nitong babae na to ang pasensya ko huh! Nilapitan ko sya, binuhat at inilagay sa balikat ko na parang sako ng bigas. “Hoy! Hoy! Hoy! Ibaba mo ako! Sabi na nga ba eh, isa ka sa mga unli… Ibaba mo ako!” araaaay!!! Ang sakit sa tenga ng sigaw nitong babae na to. “I’ll drive you home whether you like it or not!” pumunta muna ako sa pwesto nung guard at ibinilin ko yung sasakyan ng amo nya, and then pumasok na rin ako sa sasakyan ko. “Pakyu ka Sir! Harassment to.!” Ang lupit talaga nitong isang toh, nakuha pa akong tawagin na sir eh mumurahin lang naman pala ako. “Ka-babae mong tao kung makapag-mura ka! Isang beses ko pang marinig na magmura ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” hahalikan ko ang babae na toh para matahimik. “Sabi na nga ba eh, may masama ka talagang binabalak sa akin eh. Pababain mo ako dito, mahal ko pang buhay ko. Ayokong pang mamatay o kaya makulong.” Hanep ah! Ang mga babae talaga, napaka-advance mag-isip. “At bakit ka naman makukulong?” Oo nga, bakit sya makukulong? “Dahil mapapatay kita kapag may ginawa ka talagang hindi maganda sa akin.” Mapapatay? Baka nga pasalamatan pa nya ako kapag hinalikan ko sya eh. “Bakit ba kayong mga babae nakapa-advance kung mag-isip?” tumaas yung kilay nya sa tanong ko. “Eh bakit kayong mga lalake, walang ibang alam gawin kundi mam-babae?” ok, parang non-sense yung usapan. Pwedeng change topic? “Bakit hindi ka makasagot? Palibasa kasi totoo. Ihatid mo na ako, ayoko ng magtagal dito sa sasakyan mo.” Ang mga babae talaga, ang labong mga kausap. SALA SA INIT, SALA SA LAMIG! “Saan ba kita ihahatid?” tulog na? tama bang tulugan ako? Saan ko sya ihahatid? Anak ng tipaklong naman oh. “Nicky! Nicky! Ui, sagutin mo muna yung tanong ko bago mo ako tulugan. Nicky!” hala ka! Saan ko dadalin ang babaeng toh?

1 comment:

  1. uwaaahhh! na-update na din pala 'to! >__<
    sa wakas naman! ang tagal mong hindi nakapag-blog sis!

    more!!!! namiss ko si nathan dito oh!!!!

    ReplyDelete