Wednesday, January 18, 2012

COMING SOOOOOOOON!!!!

Hindi ko naman pinangarap na magkaron ng maganda bahay, madaming pera, at malulupit na sasakyan. Kumpletong pamilya at mga tunay na kaibigan lang ok na ako, masayang-masaya na ako! Pero bakit ganon, kung ano yung gusto ko, sya yung wala ako? Meron nga akong magandang bahay, pera at sasakyan pero lagi namang wala ang parents ko dito sa bahay, they’re always busy because of their goddamn business! Kaibigan? Wala ako nyan, puro mga kakilala lang. I can’t claim them as my friends dahil alam ko naman na ginagamit lang nila ako. Ginagamit in a way na kapag may gimik saka lang nila ako naaalala, kapag may mga events lang na kailangan nilang magpaka-susyal! I’m not that stupid not to notice their scam.




Anyway, I’m Sabina Bernardo and I’m still studying at St. Louise University taking up Architecture, third year, transferee. I’m a loner, ayoko sa lugar na maraming tao kasi magulo. Ako yung tipo ng estujante na matalino pero hindi obvious, hindi kasi ako hambog kagaya nung iba kong classmates. Meron naman akong mga classmates na mabait naman sa akin, most of them were girls na katulad ko eh loner at hindi rin masyadong pansinin sa room. Mayaman kami pero low-profile lang ako dito sa bagong nilipatan ko na school, this time I want to find and make real-true friends.




Kapag walang klase at ang mga ka-uri kong loners ay may ibang activities that they have to attend, nandito lang ako sa rooftop of our College building. Tamang tulog, gawa ng assignments, plates, muni-muni, and some sorts. Mas ok yung ganitong buhay, simple, tahimik at masarap sa pakiramdam.




Sab: gano kaya kataas tong building namin kung dito ko titingnan mula sa taas? Hmmm…



Lumapit ako dun sa pinaka-dulong part nung building na ang katapat is yung likod naman ng Engineering Building.



Sab: kung tatalon kaya ako dito, mamamatay ako o mababalian lang ng buto? Ano kayang itchura ko pag nalaglag ako? Eeeiw!!! Ang panget!!!



Nagulat na lang ako ng may biglang lalake na sinisigawan ako na nasa rooftop ng Engineering building.



Guy: Miss wag kang magpapakamatay! Maraming tao ang gusto pang mabuhay ng matagal, samantalang ikaw magpapakamatay ka!!! Sandali lang, wag kang aalis jan sa kinatatayuan mo!!!

4 comments:

  1. first! wow sis, ang ganda! prologue ba ito?

    uwaaahhh nakapag-open din ako nakita ko ito! coming soon? how soon!!! post na agad!!!

    pati dun sa blog magpost ka na ding ibang story! yung bago na!

    ReplyDelete
  2. aw shemay! dalawang beses ko siyang binasa at dalawang beses na akong nag-comment. hahaha!

    naeexcite ako sis, nacu-curious ako dun sa guy! ahahahahaha!!! kelan ba to!!!!!!

    ReplyDelete
  3. super sooooooooooooooooooooooooon yan sis!!!! super sooooooon!!!! eto yung ilalagay ko sa blog mo... ni-testing ko lang muna...ahahaha....


    siguro by mid-february nasimulan ko na talaga yan!!!ahahaha!!!!


    sa aegyo blog ko lang toh ipo-post hanggang sa matapos... ilalagay ko na rin toh sis sa blog mo!!!hahaha....


    :)

    ReplyDelete
  4. hello ate!!!!! ;D

    my account n din aq s waks! hahahaha!!!

    ReplyDelete