CHAPTER 12
Playful Cupid…
VERONICA
“Alam mo kasi Gabby, hindi naman kakainin ng isang text ang buong oras mo. Mahal mo naman si Janice diba, bakit hindi mo na lang intindihin ang kaartehan nyang jowa mo?” ang babaw lang naman pala ng problema nitong dalawa na to eh. MAY BAGO PA BA DON??? “At ikaw naman Janice, intindihin mo na lang din si Gabby kung hindi ka nya nate-text oras-oras kung nasaan na sya, anong ginagawa nya, at kung sino ang kasama nya. Wala ka bang tiwala sa kanya?” bakit ba ako ang kailangang umayos sa issue ng dalawa na to eh, wala naman akong alam sa mga problema ng mag-syota. “Naks, pwede mo ng palitan si DJ Jaydee” gagong Steve to ah. Wala kaya akong balak na maging love adviser, baka lalo lang akong ma-bitter at maging old-maid ako. Yikes! “Hoy Steve, manahimik ka jan. DJ ka jan, hindi ko pinangarap maging DJ no.” asan na nga ba ako? Ano na nga ba yung pinag-uusapan namin? “Okay, ganito na lang Gabby and Janice. Para wala na kayong problema, bakit hindi na lang kayo maghiwalay at maging mag-kaibigan na lang?” joke lang yun, ayokong mag-suggest ng break-up no. “Joke lang, ganito na lang no, hanggang kaya mo naman Gab na magtext at i-inform ang gf, gawin mo na lang para hindi nyo na ulit pagtalunan yan. At ikaw naman Janice, isipin mo na lang na hindi lang naman sa iyo umiikot ang buhay nya, may trabaho din yan, may ibang ginagawa. Kung hindi sya makapag-text sayo, sabihan mo na lang sya ng ingat sa kung nasan man sya. Intindihin mo na lang sya. Intindihin nyo na lang ang isa’t-isa. Ganon lang kasimple yon.” Ikaw naman ang magkaron ng mga kaibigan na ganito. “Oh pano, jan na muna kayo at pupuntahan ko pa yung bago kong mga gimikero. Umayos kayo.”
NATHAN RUSSELL
Bigla na lang kaming iniwan dito sa table ni Arvin at may nilapitan na babae pero ang tawag nya ay RONI. Well, mukang maganda yung babae, astig pumorma. “Sino kaya yung nilapitan ni Arvin, gf nya?” tanong ko kay Gino na pumapasyal ang mga mata sa bar, humahanap yata ng babae. “Malay ko sa isang yon. Wag mo ng pansinin yon, malaki na sya. Pare, ang daming magandang babae dito, kita mo ba yung mga babae dun sa isang table?” Sabi ko sa inyo eh, gumagala ang mga mata nya sa kakahanap ng magandang babae. “Ui, nakita nyo ba yung babaeng nilapitan ko kanina. Sya yung may-ari nito.” So, iyon palang astig pumorma na yon ang may-ari nito. “Eh akala ko ba ipapakilala mo kami sa kanya? Nasaan na sya, bakit hindi mo sya kasama?” excited talaga syang makilala namin ang may-ari nito. “Kakausapin lang daw nya sandali yung mga kaibigan nya, tapos pupuntahan na daw nya tayo.”
Nakita ko yung babae na kausap kanina ni Arvin na tinawag nyang Roni na papunta sa lugar namin. While she’s on her way here, binabati sya ng lahat ng mga tao dito sa bar. Maganda yung pakikisama nya sa mga customers nya kaya siguro madami ang pumupunta dito. “Ayan na pala sya eh.” Sakto naman ng dumating sya sa table namin eh, may nagtext sa akin kaya hindi ko agad nakita ang itchura nya. “Hello Miss, I’m Gino Clarkson.” Narinig ko yon, ang bilis talaga nitong si Gino pagdating sa babae, hindi ko na naunahan. “Roni, these are my friends, si Gino at si Nathan.” Napilitan na akong mag-angat ng tingin dahil ipinakikilala na kami ni Arvin sa may ari ng bar. “Nicky?” nagulat talaga ako, never pumasok sa utak ko na si Nicky ang may-ari ng bar na to. “Ikaw ba talaga yan Nicky?” ngumiti naman sa akin si Nicky at talaga namang para akong tinamaan ng pana ni kupido sa ngiting ibinigay nya sa akin. “Ako nga Nathan, may problema ba?” walang problema Nicky, as in wala. Meron pala, parang nai-inlove na yata ako sayo, to think that we just met early today. “Wala naman,nagulat lang ako. Anyway, nice place.” Nakita ko na si Arvin at Gino e nakatingin lang sa amin. “Wait, wait, wait! Magkakilala na kayong dalawa?” nalilitong tanong ni Arvin, samantalang si Gino ay nakatingin lang kay Nicky. “Yup, isa sya sa Junior Accountant ng company na pinapatakbo ko ngayon.” Gulat si Arvin eh, pero si Gino, hindi maalis ang tingin sa babaeng mahal ko na yata. “Ok ka lang Sir?” tanong ni Nicky kay Gino, napansin nya kasi na naka-tulala lang sa kanya ang bestfriend ko. “Huh? Ah, yeah, I’m just fine. What’s your name again?” wag yan Gino, sa akin na yan eh. “I’m Veronica Salvador, one of the owners of this bar? You enjoying?” Ano bang meron sayo at parang ang lakas ng dating mo sa aking babae ka?
VERONICA
“Yeah, it’s a pretty and unique place. And I think, mapapadalas ang punta ko dito.” NAGPAPA-CUTE BA ANG LALAKING TO??? Sorry na lang sya, wala akong mata pagdating sa mga ganyan. “Thank you, that’s nice to hear. I’m sure you’ll enjoy every minute of your staying here.” Pero may itchura tong si Gino, hindi nalalayo kay Sir Nathan, mag-ano kaya sila? At bakit ka naman interesado VERONICA MANCINI
And so ayun na nga, ipinakilala ko na sina Jaime, Trixie, Charise, Lalaine at Yuna na ex ni Arvin. Halata sa reaksyon ng mga babae na to na type nila yung mga bago kong gimikero, hahaha. Si Jaime at Lalaine ang type eh si Sir Nathan, samantalang si Trixie at Charise eh si Gino. Si Yuna? Wala lang, ayaw nya dun sa dalawa. Sinundan ko ng tingin yung tinititigan nya, ahh… Si Arvin at Aira pala na nagkukulitan sa counter ang pinagmamasdan. Tingin ko mahal talaga nitong si Yuna si Arvin eh, gago lang talaga minsan si Arvin. Eto pang isa, si Gino. Akala mo kanina kay tino at isang ONE WOMAN MAN, hindi rin pala. Sabagay, sa gandang lalake nya, imposible naman na magseryoso ang isang katulad nya. Etong mga babae eh, talaga namang enjoy na enjoy. Eh anong klaseng tingin naman yan Nathan? Bakit parang nagmamaka-awa ka jan na hilahin kita jan sa tabi ni Lalaine at Jaime? Hindi ka ba nag e-enjoy? Dalawang babae na yang katabi mo hindi ka pa rin mag-enjoy? Grabe ka naman pala ka-gahaman sa babae Nathan. Hahaha! Gusto ko sanang sabihin ng malakas kaya lang hindi pwede, customer pa rin yan, sayang naman kung hindi na sya pupunta dito diba? Eh di tuwing pupunta ako dito, kukulitin nila ako kung bakit hindi na nagpupunta dito ang lalakeng to. Ayoko nga! Gusto ko rin kaya syang makita lagi! Hahaha!
hwaaahhh 1st na naman ako hehe!!!
ReplyDeletenaks naman tlaga aitong si nica... i mean nicki pala, hahaha...
mygawd nathan na nga lang daw eh... >..<
ang tigas talaga nito ni nicki kung ako nian kanina pa ako bumigay sa kilig! ahaha
PASAWAY LAHAT NG BIDANG BABAE NG STORIES KO PAGDATING SA LOVE!!!AHAHAHA!!!TOTAL OPPOSITE KO...
ReplyDelete