Friday, January 13, 2012

CHAPTER 14

My Heart is So Jetlag

VERONICA SALVADOR

“Good evening everyone! Alam nyo na!” alam na alam na nila kapag tumayo ako sa stage ng bar na hindi araw ng set ko. “We have to new member of our big family, so kailangan natin silang i-welcome.

“What’s going on Arvin?”

“Relax ka lang jan Gino, I’m you’ll enjoy the night.”

Nakita ko na nag-uusap si Arvin at yung Gino, for sure ang welcome party sa kanila ni Nathan ang pinag-uusapan nila. “Dalawa ang bagong member natin, pero isa-isa lang para mas masaya at mas matagal diba.” Sigawan naman ang ibang member ng pamilya ko dito sa bar. “Nathan, mauna ka na, since mukang mas marami kang taga-hanga eh.” Todo-sigaw naman tong sina Jaime. “Since ikaw ang isa sa bagong member ng Natures Bar at maraming fans, mauna ka na. Kantahan mo naman sila, diba gusto nyong kumanta si Nathan?” sabi ko naman sayo Nathan, it’s payback time. Pero sana po Bro maganda ang boses nya, para ma-inlove na po ako sa kanya. Hahaha. “Ano? Pakakantahin mo ako, nasisiraan ka na ba?” hindi sya sanay kumanta? Sayang naman, akala ko pa naman kumakanta sya, humaba tuloy ang nguso ko dahil sa pag-pout. “Haay! Oo na, sige na, kakanta na ako. Ano ba kasing kakantahin natin?” hehe, isang malupit na pout lang pala ang kailangan kong gawin para mapa-kanta ka eh.

Tinuro ko na sa kanya yung lines na para sa kanya at kung anong kanta ang kakantahin namin. Good thing alam nya yung kanta kahit na mejo bago pa lang. “Oh mga kapatid, eto na ang bagong member ng pamilya natin, Nathan.”

http://videokeman.com/simple_plan/jet-lag-simple-plan/

Magaling naman palang kumanta si boss eh, pakipot pa masyado. Jusko day, na i-inlove na yata ako sa kanya, wag muna, hindi pa ako ready sa sobrang ligaya na buhay o kaya naman masakit sa puso na buhay.

NATHAN RUSSELL

Ano ba kasing klaseng bar tong napuntahan namin, maganda nga, unique pero parang mga may saltik naman ang tao dito, parang yung may-ari lang.

“Since ikaw ang isa sa bagong member ng Natures Bar at maraming fans, mauna ka na. Kantahan mo naman sila, diba gusto nyong kumanta si Nathan?” pakakantahin nya ako? Never ko pang nagawang kumanta sa harap ng maraming tao, pang-banyo lang ang talento ko na to. “Ano? Pakakantahin mo ako, nasisiraan ka na ba?” parang nadismaya sya ng malaman nya na ayaw kong kumanta, humaba tuloy ang nguso ng babaeng toh. Nicky naman, wag ka namang ganyan, baka lalo akong mahulog sa charm na meron ka pero hindi ka yata aware. “Haay! Oo na, sige na, kakanta na ako. Ano ba kasing kakantahin natin?” hay! Pasalamat ka at may kasalanan ako sayo kaninang umaga, dahil kung wala, hindi mo talaga ako mapapakanta ngayon. Mabuti na lang at alam ko yung kanta, favorite ko kasi ang Simple Plan kaya alam ko yung lyrics kahit paano.

Habang kumakanta kami, hindi ko maiwasang hindi tingnan si Nicky, halatang masaya sya habang kumakanta, bakit kaya? Napapangiti na lang ako sa kanya kapag tumitingin din sya sa akin, ang ganda kasi nya eh. Ang ganda rin ng boses nya, at rakistang-rakista ang dating nya tonight.

VERONICA SALVADOR

MY GULAY!!! Bakit ba ipinanganak tong lalake na to na kakambal ang sex appeal at ka-gwpuhan? Isama mo pa ang magandang boses, sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang lalake na kagaya na lang nitong si Nathan Russell. Pwede ko bang bawiin yung sinabi ko na wala akong panahon para sa pag-ibig na yan? Pwede ko rin bang sabihin na handa akong masaktan ng bonggang-bongga maging boyfriend ko lang ang lalaking kumakanta ngayon sa tabi ko? Nicky magtigil ka jan, parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking katulad ni Nathan ah. Sus naman day, ngayon lang talaga, as in ngayon lang din ako nagka-ganito dahil sa isang lalake. Pero kailangan ko munang magpakipot, syempre babae ako no, at hindi ako easy-to-get. Veronica, assumerang palaka ka din eh noh, hindi ka nga nililigawan nyang bago mong boss eh. Oo nga pala, boss ko nga pala ang lalaking toh. Wala na yata talagang pag-asa, kung kailan naman may nagustuhan na ako, saka naman hindi pwede. Pero sa aminin ko man o hindi, gusto ko ng himatayin sa kilig dahil tinititigan nya ako habang kumakanta, feeling ko tuloy ako lang yung kinakantahan nya. Bro, pwede ko po bang i-uwi ang lalake na toh kahit ngayong week-end lang? chos!

Tapos na yung moment namin? Anu ba yan!!! “More, More, More…” nahalata kaya ng mga ka-kulto ko na gusto ko pang maka-sama ng bonnga itong fafable na to? “We want more!” WOW, indemand kaming dalawa tonight, magandang sign toh. “Hey Nicky!” ay naku poh, ano bang nangyare? “Ha?” nawala na yata ako sa katinuan. “They’re asking for more, ayoko ng kumanta. Si Gino naman!” ok fine, kung ayaw, eh di ayaw. HELLO, MASUNURIN NAMAN AKO!!!

“You want more?” whooohooo… sigawan ang mga ka-kulto ko. “WE WANT MORE! WE WANT MORE!” gusto nyo ng more? Pagbibigyan kayo ni Nicky. “Ok, Ok. Since nabinyagan na natin si Nathan, syempre dapat binyagan na din natin yung isa pa nating bagong gimikero. Arvin, alam mo na!” hahaha, hinila na ni Arvin yung kaibigan nya na si Gino papunta ng stage. Naks, hindi nagpakipot effect, hindi kagaya nitong si Nathan, kailangan may kapalit pa. OH WELL NICKY!!! MAGANDA NAMAN YUNG HININGI NYANG KAPALIT, PABOR NA PABOR SAYO.

Tama na muna ang kaka-isip kay Nathan Russell na yan, eto na si Gino oh, ayan na sa harap mo. “Naks, ang pogi din ng isa pa nating bagong gimikero. Sisimulan ko na ba?” sisimulan ko na ba syang pagnasahan? Natin pala! Hahaha… “BINYAGAN NA YAN!!! BINYAGAN NA YAN!!!” gutom na naman ang mga babaeng alaga ko sa bar. Gusto na naman nilang makarinig ng lalaking kumakanta.

“Anong kanta ba gusto mo? Kailangan yung upbeat, yung masaya huh. Bawal ang emo sa bar ko!” wag kayong mag-alala, hindi naman ako galit sa kanya, nagpapa-alala lang. “ok, let me think first.” Ano ba yan, ang tagal… Pasensya naman, excited lang ako… pati sila! “Habang pumipili pa ng kanta ang bago nating gimikero, baka naman meron kayong gusting laruin?” hahaha, nagbunyi ang lahat maliban kay Nathan na mukang naiinip na. Excited na masolo ako? WOW NICKY!!! ISA KANG AMBISYOSA!!! “Meron na akong napili” all of a suuden bigla na lang nagsalita tong si Gino sa likod ko, nakaka-gulat naman sya. “Paano ba yan mga kapatid, kakanta na si Gino, may napili na daw syang kanya eh. Ano bang napili mong kanta?”

1 comment:

  1. my gulay!!! pati ako nakikitili nung kumanta na daw si nathan... ahahahahaha...

    at hayup na kakambal yan! sex appeal at kagwapuhan! ahahahaha!!

    first na naman ako!!! yebah!!!

    ReplyDelete