Friday, January 6, 2012

CHAPTER 13

BINYAGAN NA YAN!!!

NATHAN RUSSELL

Pinakilala kami ni Nicky sa mga babae na regular customers nya, kagaya ng sabi nya its something na ginagawa nila dito sa bar nya. Gusto nya magkakakilala lahat ng pumupunta sa bar nya, siguro para iwas gulo na rin. All I can say is kaka-iba talaga ang Natures Bar.

When Nicky introduced us to Jaime’s group, hindi na umalis sa tabi ko si Lalaine at Jaime. I know what it means, they like me. I look in the eyes of Nicky to tell her that I need her help to get out of these girls. But she just pouts and I found her so cute with that. Anyway, she didn’t get the message that I want her help; I don’t want her to think that I like these girls. Nicky suddenly rolled her eyes while looking at me, so she understands me that I need her help?

“Nathan, pwede ka bang maka-usap sandali, may itatanong lang sana ako sayo. If okay lang na naman na abalahin ka.” Anong akala nya, na e-enjoy ko ang dalawang babae na todo-kapit sa akin? “yeah, sure let’s talk outside para magka-intindihan tayo.” Sagot ko naman sa kanya sabay excuse sa dalawang babaeng parang sawa. I admit, Jaime and Lalaine are both beautiful and sexy pero, hindi ko talaga sila gusto. “Ok, follow me. Girls, hiramin ko muna sandali ang kaligayahan nyo ha.” May saltik ba tong babae na ‘to? “Ibalik mo sya agad Nick ha.” Pahabol ni sabi ni Jaime kay Nicky.

VERONICA SALVADOR

Oo na, tutulungan na kita jan, pasalamat ka boss kita at pogi ka, kung hindi, tutulungan pa rin kitang maka-alis sa tabi nila Jaime. Dapat ako lang ang lagi mong katabi, crush kaya kita Sir Nathan. Huh? Sinabi ko ba na crush ko si Sir, pwede bang bawiin ko? Wala akong panahon sa ganyan. “Nathan, pwede ka bang maka-usap sandali, may itatanong lang sana ako sayo. If okay lang na naman na abalahin ka.” Syempre naman kailangan ko muna syang tanungin diba, baka mamaya masyadong obvious na ayaw ko na katabi sya nila Lalaine. “yeah, sure let’s talk outside para magka-intindihan tayo.” Bakit kailangang sa labas pa? eh ang pagkaka-intindi ko sa tingin nya kanina eh tulungan ko lang syang naka-alis sa tabi ng dalawa kong gimikera? Taking advantage? Asa ka naman Veronica. At kailangan talagang magpaalam pa Sir, ayaw mo naman silang kasama diba? Nicky, it’s just a form of respect. Ok fine, whatever! “Ok, follow me. Girls, hiramin ko muna sandali ang kaligayahan nyo ha.” Hahaha… “Ibalik mo sya agad Nick ha.” Pahabol na sigaw ni Jaime, pero asa naman sya, kung pwede lang hindi ko na sya pababalikin jan.

“Oh Nathan, bakit?” kunwari wala akong alam. “Thanks for saving my life Nicky.” Saving his life, I do save his life, from where? “Huh?” tama bang tawanan ako? “I thought you get what I wanted to say just by staring straight to your eyes.” Timang na lalaking to, may araw ka din sa akin. “Oh pano, papasok na ako sa loob, nailigtas ko na pala ang buhay mo eh.” Bwisit na lalaking to. “Anyway, since nandito naman na tayo sa labas, can I ask you out for a cup of coffee?” Coffee? utang na loob naman, kape na naman? baka mamaya matapunan na naman nya ako, isusumpa ko na talaga sya na magiging asawa ko at hindi ako hihiwalayan. “Huh?” wala na ba akong ibang alam isagot sa mga tanong nya kundi huh? “Well, may gusto lang sana akong itanong sayo, if its ok with you, pero kung ayaw mo naman, ipapatawag na lang kita sa office ko tomorrow morning.” Talagang aabalahin pa nya ako bukas kung hindi ako papayag tonight? Hindi ba nya alam na kailangan kong tapusin ang payroll ko tomorrow as much as possible para walang masabi si Nesa? “Sir, may trabaho pa po ako bukas, kailangan ko pa pong tapusin ang payroll dahil baka bugahan ako ng apoy ni Mrs. Hilario kapag hindi ko yon naibigay agad sa kanya. And Sir, maaga pa po ang pasok bukas, kung iinom po ako ng kape ng ganitong oras eh baka pumasok ako bukas na parang zombie at mali-mali ang mailagay ko sa payroll, ikaltas pa yon lahat sa akin. Ayoko naman non Sir.” Ang haba naman ng sinabi mo Nicky, pwede namang sabihin na hindi pwede. “Ayaw mo talaga tonight? Bukas na lang ng umaga, mas ok naman siguro na mabugahan ka ng apoy ni MRS. HILARIO rather that i-deduct sayo lahat ng mali mong magagawa sa payroll.?!” Haaay, ang kulit naman ng nilalang na to. Nakalimutan ko, bago ko nga pala syang gimikero, patay ka sa akin ngayon, dumating na agad ang araw mo. “Sir!” oh, bakit naman ang sama ng tingin ng lalaking toh sa akin ngayon? “Its just simple NATHAN, don’t call me Sir dahil wala naman tayo sa office.” Wala nga tayo sa office pero “Sir, customer kayo ng bar ko, so mas ok na tawagin ko kayong SIR diba.?!” Nice one Nicky, nice one. “Ok, as your customer I am asking you to call each other in first name basis, ok?” eh ano pa nga bang magagawa ko, ok fine! “Ok, Nathan” naks, feeling close na talaga ako nito. Hahaha. “Nathan, papayag na ako na magkape tayo ngayon but, in one condition.” Patay ka talaga sa akin ngayon, it’s payback time. “Sure, what is it?” narinig nyo yon ha, sure daw. “Let’s go back inside cause we need to do something there, lets just say that it’s a form of baptism.” Hahaha… Go Nicky!!! “Ok?”

Mau-utot na yata ako sa pagpigil ng tawa ko sa itchura ni Nathan eh, parang gusto na nyang mag-backout sa deal namin. “Wait me here ok, don’t go anywhere else.” Parang bata lang eh no, pero um-oo naman sya. Pinuntahan ko kasi yung banda dun sa may stage, well hindi naman yun nagpe-performe, nandun lang yun jan in case na may bago kaming gimikero na kailangang binyagan kagaya nitong amo kong hilaw (ang puti nya kasi eh, tinalo pa ang kutis ko). “Jet Lag tayo tonight, may bago eh. Hahaha.” Si Bruce yung kausap ko, ang lead guitarist ng banda ng bar ko. “babae ba?” eto namang si Harvey mukang babae, sya naman ang rhythm. “Lalake no, dalawa nga sila pero yung isa muna, isip kayo ng iba pang kanta na duet ha.” Nakaka-excite, maganda kaya ang boses ni Sir, ay Nathan pala. “Sure Nick, madami kaming alam na kanta. Basta ipapakilala mo kami sa mga bago mong gimikera ha.” Isa pa tong si Alvin eh, muka ring babae.

Eto na to, this is it. “Good evening everyone! Are you having fun? Anyway, sorry to disturb all of you for cutting the beautiful party music. We do have two new gimikeros, so alam nyo na.” sigawan naman tong mga gimikero at gimikera ko, alam na alam na nila ang mangyayari eh. “Unahin muna natin yung isa. Please come here on stage, one of our new gimikero, NATHAN.”

NATHAN RUSSELL

Mali yata ako ng napasukan na deal sa babaeng yun ah, bakit kailangan ko pang pumunta ng stage? Nakakahiya! “Nathan, please come and join me here on stage.” Hay, pasalamat ka at may kapalit to. “Ayan, diba ang pogi ng bago nating gimikero, for sure marami ang magpa-pantasya sayo ngayong gabi Nathan.” Kaka-iba talaga ang babaeng to, walang preno ang bibig. Pero kung ikaw ang magpa-pantasya sa akin mamayang gabi, ok lang, ok na ok lang. “For sure you’re wondering kung bakit kita pinapunta dito sa stage. Cause here on Natures Bar, one of the weirdest bar in the Metro has some rituals for the new gimikeros and gimikeras, not ritual I can say. Ito yung tipong bibinyagan ka lang, and I’m pretty pretty sure na babalik at babalik ka dito sa bar na to because of it.” So ano nga yon, don’t tell me, all of them will take off their clothes until their birthday suit is the thing that’s left on. WOW! “Hindi toh kagaya ng naiisip mo. Sanay ka namang humawak ng microphone, right? Sanay ka rin naman for sure na kumanta? We will sing a Happy birthday song for you and your friend. Hahaha.” Naka-inom ba tong babae na to? “Simulan na yan Roni!” don’t tell me ginawa din to ni Arvin before? “BINYAGAN NA YAN!!! BINYAGAN NA YAN!!!” member ba ng kulto ang mga taong toh? Mukang masaya naman ang sinasabing baptism ni Nicky so parang babalik at babalik ako sa bar nya. Maybe this is one of the reason why her bar has a lot of customers, and I think they are long-time customers. Hindi naman nakakapagtaka if this bar has so many party-goers, everyone enjoys, everyone is smiling and laughing hard like there’s no tomorrow. Magaling lang siguro talagang makisama si Nicky kaya ganito kasikat at kasaya ang bar nya. Para ngang isang invitational party to eh, lahat kasi ng tao dito parang magkaka-kilala. Pero happy birthday song ba talaga ang kakantahin ko? Wait, sabi nya WE so it means, kaming dalawa ang kakanta, THIS IS AWESOME!!!

3 comments:

  1. yes yes!!!! 4 d first time naka-una din aq kay ate aegyo!!!!!!!!!!!! hahahahaha...

    medyo nwwla na aq sa kwento, so bbsahin 1 ulit 'to kpg may full time na aq....

    anyway, una pa din aq sa update!!!!!!!!! hahaha...

    nathan!!!!!!!!!

    ano kya din ate, paunahin mo n din ako sa cameo role... hehehehe...

    pangalan ko naman hmmmmm... Leah!!! what do you think? kun ok lng nmn!!!

    ReplyDelete
  2. ay meron na palang update naunahan ako ni KPOp!!! >______<

    at natawa ako dun sa description sa nature's bar... weirdest bar!!! samantalang the bast bar na nga yun!!! LMAO!!!


    at lalong sumakit pa ang tyan ko ng member daw ng kulto yung mga tao!!! ang aadik lang sheetttt!!! ahahaha

    ReplyDelete
  3. parang gusto ko na ring puntahan yang natures bar na yan..san ba yan?...hehehe

    ReplyDelete